Mommy, baka maka-relate ka sa kwentong ibinahagi ni celebrity mom Rica Peralejo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pagkakaroon ng kapatid ng iyong anak
- Parte ng pagbabago ang kalungkutan
- I-proseso muna bago solusyunan
- Paano mo kakausapin ang iyong anak
“Ma, miss ko na ‘yung mga araw na ako pa lang ang anak mo.”
Nasabi na ba ‘yan sa ‘yo ng panganay mo? Ano kayang magiging reaksyon mo kapag narinig mo ‘yan? Anong isasagot mo?
Parang ganiyan ang eksenang nangyari sa celebrity mom na si Rica Peralejo – Bonifacio kamakailan lang.
Noong March 14 ay ibinahagi ni Rica sa kanyang Facebook account ang naging biglaang pahayag ng kaniyang panganay na anak na si Philip.
“So many of you asked me how I processed my son’s sentiment the other day. My eldest, out of the blue, said that ‘I miss those days when it was just the two of us.'”
Inamin ng celebrity mom na natigilan siya sandali nang narinig niya ang sinabi ng anak. Bigla rin niyang naalala at binalikan ang mga panahon na siya ay isang bagong ina kay Philip.
2015 nang ipinanganak ni Rica Peralejo ang kanyang panganay na si Philip. Nasundan siya noong 2019 kanilang bunsong si Manu.
“It was a special time.”
“I must admit when he said that my heart stopped. I was in the middle of drying the second born from bath when flashes of our old life came back. 𝐼𝑡 𝑤𝑎𝑠 𝑎 𝑠𝑝𝑒𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑡𝑖𝑚𝑒.” aniya.
Bagama’t nabigla si Rica sa mga salitang binitawan ng anak, nakuha niyang gamitin ang pangyayari ‘yun para tanungin si Philip tungkol sa kanyang nararamdaman at bakit niya ito nasabi.
Kinuwento naman ni Philip na napansin niya na ang mga bagay na gusto niya noon ay wala na. Inamin rin niya na mas madali noon nung wala pa isang baby na inaalala.
Tinanong umano niya ang anak kung bakit niya ito nasabi, nag-isip muna ito bago siya ng kaniyang anak. Ang sabi umano ng kaniyang anak,
“…he realizes many of the things he liked before when he was younger, are now gone. And that life was easier when we didn’t have to navigate around a little baby too much.”
Napahinga ng malalim ang dating aktres sa kanyang narinig, pero sa tulong ng mga counseling sessions na kaniyang napuntahan, naintindihan niya kung saan nanggagaling ang emosyonal na pahayag ng anak.
Parte ng pagbabago ang kalungkutan
Sinabi niya na maging siya ay nami-miss ang mga araw na iyon dahil napaka-espesyal nito sa kaniya. Ibinahagi rin niya na nakakaramdam rin siya ng lungkot nang magbago ang ilang bagay sa kabila ng kasiyahan nila sa pagdating ng bunsong anak na si Manu.
Sa pagdalo ni Rica sa mga counselling session na-realize niya ito’y kalungkutan ng kaniyang anak. Ini-express lamang ng kaniyang anak sakit ang lungkot sa mga bagay na para sa kaniya noon ay magandang buhay.
“This happens to all, as we get older. Also, and this is what I told him after letting him express his feelings, validating him by saying I, too, sometimes miss those days cause those were very special days for me, as well.”
“He is not alone in feeling a bit sad about a change in what was rather a good life, even if it meant having Manu around.”
BASAHIN:
WATCH: Rica Peralejo, idinokumento ang kaniyang VBAC home birth
Rica Peralejo, ikinuwento kung paano sinabi sa anak na magiging Kuya na ito
Ayon sa isang psychologist, narito ang maaaring gawin para maging close ang magkapatid
Pinaalala ni Rica kay Philip na walang masama sa kaniyang nararamdaman, at parte ito ng proseso kapag nagmamahal ka ng ibang tao. Mayroon kang mga bagay na isasakripisyo para sa taong iyon.
“Then I shared with him that what we are feeling is the cost of loving a person. Of wanting another person around. That to have another human being in your midst will challenge your own wants, likes, preferences, life, and that it isn’t exactly easy.”
I-proseso muna bago solusyunan
Ayon din sa celebrity mom na si Rica Peralejo, mahalagang naproseso muna nila ang sinabi ni Philip bago nila tinapos ang kanilang pag-uusap.
Kinuwento pa niya na paulit-ulit ang panganay sa pagsasabing masaya siya na nasa buhay nila si Manu, at kinailangang ipaalala ni Rica na walang masama sa kaniyang nararamdaman. May mga araw na pwede siyang mainis sa kaniyang kapatid kahit mahal na mahal niya ito.
“That was a big part of the processing. We just had to admit that it was hard, before getting to some kind of closure or resolution. He actually kept saying, “But I like having Manu around also.” I think he was feeling a little bit guilty for sometimes not wanting his brother around. So I had to assure him that it is okay to feel both.”
“That the truth is he can feel annoyed by the existence of his brother, but also feel tremendous love for him. The point is never to give in to false dichotomies. Love is not easy. Relationships can really be an inconvenience and yet we are still right to want it.”
Pagkatapos ng kanilang masinsinang pag-uusap ay nagyakapan ang mag-ina, bilang tanda na tanggap niya ang anumang sasabihin ng kaniyang anak at maaari siyang magpakatotoo sa kaniyang nararamdaman.
“After this talk, we hugged. Sometimes big feelings only need a hug, especially when it isn’t completely resolved yet. A reassurance that we will not shun you for thoughts that are not that easy to hear.”
“That we can actually be a place that allows you to be yourself, and a place where we can stay broken and lost with no deadlines of getting fixed.”
“We can wait and walk with you through it all, and sometimes that message makes healing faster than if we we pressured them to do just do the “right” thing.” kwento ni Rica.
Paalala rin ni Rica, huwag agad balewalain o sabihin na mali ang ganitong damdamin ng mga bata dahil hindi agad nila matanggap na may mga bagay na kailangang mawala kapag may panibagong tao sa ating buhay.
Sa ibinahagi niya sa kanyang Instagram story, mariin niyang sinabi na ito ay isang mahalagang proseso na kailangang matutunan ng mga bata.
“We shouldn’t be too quick to dismiss feelings like this or label it as wrong because they don’t immediately warm up to the idea of having to give up so much of whatever freedom they had before just because a new person is in town. Process is so important. Important.” diin niya.
Paano mo kakausapin ang iyong anak
Maraming netizens ang humanga kay Rica Peralejo sa pagbabahagi ng pangyayaring ito sa social media. Bumilib din sila kung paano tinugunan at naproseso ng celebrity mom ang sinabi ng anak.
Napakarami ring nanay ang naka-relate sa kwento ni Rica. Gaya ng kwento niya, nararanasan na rin ito ng mga magulang na dalawa o higit pa ang mga anak.
Ang pagkakaroon ng bagong miyembro sa pamilya ay maituturing na isang malaking pagbabago para sa isang bata.
Kung hindi mo siya ihahanda sa pagbabagong ito, maaari siyang makaramdam ng mga negatibong emosyon sa kaniyang nakababatang kapatid gaya ng selos o inggit.
Pero pwede tayong makapulot ng aral sa kwento ni Rica kung paano niya tinugunan ang damdamin ng anak.
Narito ang ilang bagay na dapat tandaan:
- Bago mag-react, pag-isipan muna ang iyong sasabihin. Ipaulit mo rin sa iyong anak ang kaniyang sinabi para masiguro mong tama ang iyong pagkakaintindi.
- Huwag nating sabihin na mali o masama ang kanilang sinabi. Sa halip, maging malumanay at iproseso niyo ito ng magkasama.
- Tanungin mo ang iyong anak: anu-ano ang mga bagay na nami-miss mo noong tayo pa lang? Bakit mo nasabi ito?
- Ipahiwatig mo rin ang iyong nararamdaman. Kung ikaw man ay nalulungkot na wala na ang mga panahong iyon, maaari mo itong aminin sa iyong anak, para malaman niyang hindi siya nag-iisa.
- Ipaalala sa kaniya na ang mga emosyon tulad ng kalungkutan o inis ay normal at parte ng pagmamahal. Pwede siyang mainis sa kapatid niya kahit mahal na mahal niya ito.
- Bago matapos ang inyong pag-uusap, ipaalala sa iyong anak na hindi magbabago ang pagmamahal mo sa kanya kahit meron na siyang bagong kapatid.
Tapusin niyo nang masaya ang iyong usapan sa pamamagitan ng pagyayakapan.
Source:
Facebook
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!