Rica Peralejo napaiyak dahil sa hindi makakasama ang pamilya sa US ngayong pasko. Ito ang paliwanag ni Rica kung bakit ganito nalang ang naging reaksyon niya.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dahilan kung bakit napa-ugly cry si Rica Peralejo ngayong mag-papasko.
- Kahalagahan ng pamilya para kay Rica Peralejo.
Rica Peralejo napa-ugly cry na lang ngayong nalalapit na pasko
Image from Rica Peralejo’s Instagram account
Kahapon ay nagbahagi ng larawan niyang umiiyak ang aktres at vlogger na si Rica Peralejo sa Instagram. Sa caption ng kaniyang post ay sinabi ng aktres na ang larawan niyang ito ay pinadala niya sa pamilya niya sa US para maipakita ang kalungkutan niya na hindi niya makakasama ang mga ito ngayong pasko. Pati na sa kasal ng kaniyang pamangkin na siguradong dadaluhan ng buong pamilya nila.
“Me sending my ugly crying photo to fam in the US. My nephew got married and I couldn’t make it bec my vaxx schedule didn’t make it. ”
Ito ang bahagi ng caption ng IG post ni Rica.
Dagdag pa ng aktres, maituturing niyang “not usual” ang magiging pasko niya sa ngayon. Ito ay dahil hindi niya makakasama ang pamilya niya sa US na nakasanayan niya ng gawin mula pagkabata.
Paliwanag pa ng aktres, tulad ng maraming pamilya ay hindi perfect ang pamilya niya. Nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaintindihan, pag-aaway pero ang mga ito lang ang nakita niyang nanatili sa tabi niya.
Ito ay sa lahat ng mga pagsubok at magagandang bagay na nangyari sa buhay niya. Pati na sa kalokohan at mga nakakatuwang karanasan na hinding-hindi niya umano malilimutan.
“Many will claim to be family to you but only those who will stay thru the differences, who will unconditionally love you, accept you, not change you, even when you don’t agree on everything, will prove to be true and lasting. Only time tells.”
“This Peralejo fam of mine is running 40 years and still going. People who carried me to the car when I was drunk, people who cried when I was harsh, people who nursed me when I was abandoned by those I had offered my life and service to. Maybe it had to take that much for me to know there is a gift in the family I am a part of.”
Ito ang sabi pa ni Rica.
BASAHIN:
Rica Peralejo natigilan sa sinabi ng panganay na, “I miss those days when it was just the two of us.”
WATCH: Rica Peralejo, idinokumento ang kaniyang VBAC home birth
Looking for Christmas Activities? Try Indoor Camping with McDonald’s Pokemon themed Happy Meal
Rica mamimiss umano ang fun ng kanilang pamilya tuwing Pasko
Image from Rica Peralejo’s Instagram account
Sa kaniyang post kagabi ay ibinahagi ni Rica ang tagpo na namimiss niya kasama ang kaniyang pamilya. Ito ay masayang pagkanta at pagsayaw ng mga ito ng kantang “Don’t Stop Me Now” ng Queen.
Ito umano ay isa sa mga musikang nakalakihan niyang kinakanta na ng kanilang pamilya at natutunan ring gayahin kahit ng mga nakakabata niyang pamangkin.
“I grew up hearing these songs from the garahe, while one kuya was cleaning his already clean car and another was covered with grease fixing what he could fix with the vehicles we owned back then. And my nieces who are younger only by a few years, inherited the music, the habits, the sense of family.”
View this post on Instagram
Ito umano ang dahilan kung bakit napa-iyak siya. Dahil hindi siya makakasama sa saya ng pagkanta at pagsayaw nito ngayong darating na Pasko.
Hindi niya makikita ang pamilya niya na napakasaya tuwing nagsasama-sama. Ito ang dahilan kung bakit nasabi niyang sa loob palang ng kanilang pamilya ay marami na siyang natutunan.
Sa loob pa lang ng kanilang pamilya ay nasaksihan niya ang saya at mga issues na sapat na para hindi na siya maghanap ng atensyon ng iba.
“And this is the reason why I never needed other people around me because I had more than enough. I had a thought nga eh. Sa dami ng saya at issues ng isang pamilya, talagang dapat one is enough na pala. ‘Wag na ‘yan hanapin pa sa labas”, sabi pa ni Rica.
Marami naman ang naka-relate sa post na ito ni Rica tungkol sa pagkakawalay sa pamilya ngayong Pasko, Ang ilan nga sa kanila ay mga celebrities na talagang tinamaan daw sa mga sinabi ni Rica.
Yakap mare..ramdam ko ang lahat ng sinabi mo ❤️
Sharing your sadness Ikang… ugly crying with you.. we’ll get through this loneliness this Christmas.. always by God’s grace.. 💙🙏🏻
Hindi man makasama ni Rica ang kaniyang Peralejo family sa Amerika, masaya pa rin naman siyang makasama ang kaniyang mister na si Pastor Joseph Bonifacio at dalawa nilang anak.
Agree ka ba sa sinabi ni Rica?
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!