Rica Peralejo on importance of self-care for mommies: "Kung kailangan mo na mag-rest, then do it."

Paalala ni Rica sa mga mommies, dapat isama sa iyong schedule ang pagpapahinga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rica Peralejo nagbigay ng tips sa kaniyang vlog para sa mga mommies tulad niya tungkol sa kahalagahan ng pagpapahinga.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rica Peralejo nagpapahinga matapos makunan for the third time
  • Tips ni Rica Peralejo sa mga mommies tungkol sa pagpapahinga

Rica Peralejo nagpapahinga matapos makunan for the third time

Rica Peralejo at mister na si Joseph Bonifacio/Larawan mula sa Facebook account ni Rica Peralejo

Nitong nakaraang linggo ay ibinahagi ng aktres na si Rica Peralejo sa kaniyang vlog na siya ay nakunan sa pangatlong pagkakataon.  Ikinuwento niya ang hindi inaasahang pagbubuntis at paano rin ito agad na nagtapos.

“I was positive. Positive not for COVID thankfully. I was positive for pregnancy. So yehey happy good news! But the bad news there is, I was positive that means I’m no longer am.”

“Na-feel ko nagdo-drop na ‘yong pregnancy symptoms nawawala na siya paisa-isa. I feel less pregnant. Nawala ‘yong sciatica ko then I started bleeding. I knew the pregnancy ended.”

Ito ang kuwento ni Rica tungkol sa 3rd miscarriage na naranasan.

Nitong Linggo sa kaniyang latest vlog na pinamagatang ‘I need to rest’ ay ibinahagi ng aktres kung paano siya nagmo-move-on sa miscarriage na naranasan. Unang ginawa daw ng aktres ay sumailalim siya sa detox at nagbakasyon kasama ang kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Right after the thing I needed to have like a reset. So I thought of going on a detox. And the detox that was given to me by my nutritionist is a kind of fast.”

Ito ang sabi ni Rica tungkol sa detox na ginawa niya. Pero maliban sa pagde-detox ay binigyan daw ni Rica ang sarili niya ng oras na magpahinga. Napakahalaga daw nito hindi lang para sa kaniya na nakaranas ng miscarriage ngunit para narin sa iba pang mga ina.

Tips ni Rica sa mga mommies tungkol sa pagpapahinga

Larawan mula sa Facebook account ni Rica Peralejo

Ayon parin kay Rica Peralejo sa isang vlog, may ilang bagay siyang isinaisip para magawa ang rest na kinakailangan ng katawan niya. Sa kaniyang vlog ay ibinahagi niya ito sa mga mommies na tagasubaybay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Una ay ang pagkakaroon ng schedule na kung saan naka-set ang oras ng pahinga niya. At hindi na ipilit ang sarili pang gawin ang mga bagay kung ito ay lagpas na sa oras na itinalaga para sa iyong trabaho.

Tulad nalang kung 9 am to 5 pm ang iyong trabaho ay huwag ng i-extend pa ito after 5. Ganoon rin dapat umano sa mga gawaing-bahay, walang masama kung ipagpapabukas pa ang hindi mo magawa sa ngayong araw.

“Kapag di ko natapos ‘yong mga gawaing-bahay sa isang araw feeling ko di ako kumpletong tao. So gumawa ako ng kasabihan para sa sarili ko – ‘Rica, may bukas pa.’”

“Sabi pa nga ng kaibigan ko, ‘Kung importante yan ngayon, importante pa rin yan bukas. Puwede mo siyang gawin bukas.’”

Ito ang sabi pa ni Rica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalaga rin daw na ilagay rin sa iyong schedule ang rest o pagpapahinga. Ang rest na tinatawag ay hindi lang daw basta matutulog at walang gagawin. Maaring ito rin daw ay pagkakaroon mo ng oras sa iyong sarili o iyong ‘me time’.

“Sabi ko kasi kapag nagising na ‘yong mga anak ko, hindi na ko makakapagpahinga niyan tuloy na tuloy na ‘yong hihingin nila sa’kin. So gumawa ako ng panahon na right before they wake up meron na akong sariling quiet time.”

Ito daw ang strategy na ginawa ni Rica para magkaroon siya ng oras na makapagpahinga. Minsan daw ang quiet time niyang ito ay maaring sa paggising niya sa umaga, sa tanghali o sa hapon sa kung saan napagdesisyunan muna niyang tumigil sa kaniyang ginagawa at magpahinga.

Para nga sa mga daw sa mommies na tulad niya na busy sa pagtugon ng pangangailangan ng anak at mga gawaing-bahay. Napakahalaga daw na magpahinga. Kaya ito ay dapat daw gawan ng paraan.

“Ang totoo is meron naman tayong mga trabaho, so paano natin gawin ‘yan bilang isang ina.”

“Ang kailangan mo lamang ay humanap ng paraan, hindi y’upg maghihintay ka lang.  Dapat alam mo sa sarili mo kung paano mo ito bigyan ng oras. Kung alam mo sa sarili o na kailangan mo na mag-rest, then do it.”

Ito ang sabi pa ni Rica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook account ni Rica Peralejo

Dagdag pa ni Rica, dapat ring maging holistic ang gagawin mong pahinga. Hindi lang dapat basta katawan mo lang ang mag-rerest. Pati dapat ang iyong isip ay ipapahinga mo rin. Ito ay para makamit mo ang relaxation at peace na iyong hinahanap.

“Ang ating katawan ay gumagawa ng mga bagay, so dapat alam mo kung anong parte ng katawan mo ang nangangailangn na ng pahinga at gawan ito nga appropriate ways. Dapat isaisip na rin atin yung ating mind. Minsan hindi natin alam na ito ay kailangan na ng pahinga.”

Ito ang sabi pa ni Rica.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement