Richard Gomez sa pagkakaroon ng isa pang baby with Lucy Torres: "We tried so many times."

Kinuwento rin ni Richard kung papaano nagsimula ang kanilang pag-iibigan ni Lucy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kilala bilang isang aktor at politiko si Richard Gomez, ngunit bukod dito ay isa rin siyang family man. Sa kasalukuyan, higit dalawang dekada na ang pagsasama nina Richard Gomez at wife niyang si Lucy Torres-Gomez.

Maaaring mabasa sa artikulo na ito ang mga sumusunod:

  • Richard Gomez at wife na si Lucy Torres sa planong muling magka-baby
  • Relasyon nina Richard Gomez at kaniyang wife na si Lucy Gomez

Richard Gomez at wife na si Lucy Torres sa planong muling magka-baby

Sa interview ni Nelson Canlas kay Richard Gomez, naitanong ang tungkol sa pagkakaroon ng another baby. Sinagot naman ito ni Richard Gomez ng sinubukan nila ito ng kaniyang wife na si Lucy. 

Ngunit paliwanag ng public servant, hindi na sila nabiyayaan ng isa pang anak para masundan ang kanilang unica hija na si Juliana.

“We tried. We tried so many times. Siguro we’re not fortunate lang to have another one. Parang siguro sinabi ng Diyos na, tama na 'yan, isa lang muna. Isa na lang, pagtiyagaan niyo na si Julianna.”

Tuwing si Lucy naman ang tinatanong tungkol sa pagkakaroon ng isa pang anak, sinasabi nito na kanila nang ipinapaubaya sa Diyos kung sila ay mabibigyan pa ng isa pang blessing sa kanilang pamilya.

“Everytime i talk to Mayora and everytime i ask her this, ang sinasabi niya is parang; It will come if it God wills it. Pero I think 'yong sa ngayon, I'm just so happy and content with our small family.” 

Sa kabila ng pagiging small family nila ay masaya naman ang kanilang pamilya, ayon kay Richard Gomez.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Masaya naman kami, kung kaming tatlo lang. Ano lang kami, tawa lang kami nang tawa, we talk about so many things in life, we talk about ano ba yung gusto naming gawin, ano ba yung future plans natin. It’s small happy family.”

BASAHIN:

10 nakakakilig na posts ni Richard Gomez tungkol kay Lucy Torres

Bettinna Carlos nabuntis ilang buwan matapos makunan: "Si God talaga 'yong may hawak ng time."

Ogie Diaz proud sa daughter niyang high school achiever: "Kung saang kurso ka masaya, support lang kami."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Relasyon nina Richard Gomez at Lucy Torres

Naitanong din kay Richard kung totoo bang nagsimula ang relasyon nila ni Lucy Gomez na walang label. Oo ang naging tugon ng aktor. Kuwento niya, nagsimula sila sa isang shampoo commercial noong 90’s at gumawa rin sila ng iba’t ibang commercial na umabot sa lima.

Dagdag pa niya, almost every other year ay nagkikita sila, kung kaya noong sinabi ng producer at brand na last na ng kanilang series ay napaisip si Richard.  Ika niya parang nai-take for granted niya na laging nakikita si Lucy. 

“Parang, alam mo you just take it for granted that si Lucy’s there. You know once in a while nakikita mo siya. Pero nung alam mo nung last na 'yon, na hindi na kayo magsasama parang don ko na-feel na, ayoko naman ng ganoon."

"Parang nag-sink in sa akin na, may gusto pala ako dito sa babae na 'to. And then na-realize ko na in love pala ako sa babae na to.”

Noong natapos din ang kanilang commercial, napasama sa Philippine fencing national team si si Richard patungong Germany at nag-training din doon sa loob ng isang buwan. Habang nasa Germany si Richard ay tinatawagan niya si Lucy sa phonebooth. September 1997 noong umuwi sa Pilipinas si Richard at pumunta sa Ormoc at doon na sila naging magkasintahan. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa instagram account ni Richard Gomez

Kuwento pa ni Richard, long distance talaga ang relasyon nila, puro cellphone, email at chat. Dagdag pa niya, umuwi siyang muli sa Ormoc, December at kaarawan ni Lucy ay nag-propose na siya rito.

“Nung December, nung birthday niya December 11. I was here December 10, nag-propose na ako sa kaniya. Sabi ko, “Will you marry me?” and then nag-yes siya kaagad. So nung nag-yes siya, sabi ko we will get married. We got married, the following year after four months, nung April kinasal kami in 1998 dito rin sa Ormoc City.”

Napag-usapan din nina Nelson at Richard ang kuwento na mayroong mga cutout picture ni Richard sa kwarto ni Lucy. Sinagot naman ito ni Richard na totoo ang kuwentong ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kuwento pa ni Richard, binaha ang bahay nina Lucy kung kaya nagdesisyon ang mga itong lumipat sa subdivision, ang bahay ay hindi na inayos pa. Noong dumaan sila sa dating bahay at pinasok ang lumang kwarto, biglang napahinto ang asawa.

“Nung dumaan kami, sabi niya this where we used to live, sabi niya lika pakita ko sayo. In fact nung papasok kami sa kwarto, alam mo yung napahinto siya na ganoon, “This is my room” tapos nakaganoon siya, then na-realize niya siguro na 'di ko pa natatanggal 'yong mga cut-outs na pinaste ko sa cabinet.”

Larawan mula sa instagram account ni Richard Gomez

Nang mabuksan ang kwarto ay tawa nang tawa ang asawa. Ika ni Richard ay nakita niyang nakadikit sa cabinet ni Lucy ang mga litrato niya na mula sa iba’t ibang movie at TV shows. 

Ika ni Nelson, hindi kaya’y vision board ito na sinang-ayunan din ni Richard. Dagdag pa niya, laging sinasabi ni Lucy na ipinagdasal nito ang kaniyang mapapangasawa. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Sabi niya, 'Lord kung mag-aasawa ako give me a good husband, 'yon 'yong number one. Give me a good husband, pero kung pwede, bigyan Mo ako ng kamukha ni Richard Gomez tapos kung talagang papalarin Lord, si Richard Gomez na talaga yung ibigay Mo sa akin.'”

Palagay naman ni Richard, ang nagdala sa kaniya sa Ormoc City ay ang mga dasal ni Lucy.

“Siguro that was what brought me to Ormoc City, that was what brought me to Lucy, 'yong mga dasal niya.”

Sinulat ni

Nichole Samson