Richard Gutierrez to Sarah Lahbati: “My love, my bestfriend, my wife. 11 years together and my love and loyalty for you remains steadfast.”

Sarah Lahbati may pasabog sa kaniyang 30th birthday.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Richard Gutierrez may sweet na mensahe sa misis na si Sarah Lahbati sa 30th birthday nito. Sarah may pasabog din sa kaniyang birthday.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Richard Gutierrez birthday message to wife Sarah Lahbati.
  • Pasabog ni Sarah sa kaniyang 30th

Richard Gutierrez birthday message to wife Sarah Lahbati

Larawan mula sa Instagram account ni Sarah Lahbati

Sa Instagram ay ibinahagi ng aktor na si Richard Gutierrez ang isang sweet na mensahe sa misis niyang si Sarah Lahbati. Si Sarah nagdiwang ng kaniyang 30th birthday nitong October 9. Syempre, una sa bumati sa aktres ay walang iba kung hindi ang mister niyang si Richard Gutierrez.

Si Richard pinasalamatan ang kaniyang best friend at wife na si Sarah sa ginagawa nitong pag-aalaga sa mga anak niya at sa kaniya. Proud din nitong ibinahagi na sa 11 years nilang pagsasama ni Sarah ay nanatili siyang loyal sa aktres.

“My love, my bestfriend, my wife. 11 years together and my love and loyalty for you remains steadfast. I want to express my deepest gratitude for everything that you do for our family, and the boundless nurturing love that you give Zion and Kai. May God bless this day with laughter, happiness and a renewed sense of love and strength. Happy Birthday my love.❤️”

Ito ang birthday message ni Richard kay Sarah.

Si Sarah at kaniyang pamilya ngayon ay nasa Siargao at doon ipinagdiwang ang kanyang birthday. Sa isang IG video na ibinahagi ng aktres ay maririnig na kinakantahan siya ng happy birthday ng mga anak na sina Zion at Kai habang ang mga ito ay naglalaro sa pool.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gutierrez

Pasabog ni Sarah sa kaniyang 30th birthday

Samantala, sa Instagram parin ay may pasabog si Sarah sa kaniyang 30th birthday. Ang aktres nag-share ng isa niyang dance number. Ayon kay Sarah, ilang linggo pa lang ang nakakaraan ng magbalik siya sa passion niya ng pagsasayaw. Ito ay matapos ang tatlong taon ng saglit niya itong iwanan at isantabi. Ngayon si Sarah balik ulit sa pagsasayaw na talaga namang nag-ienjoy sa pagrerediscover umano ng kanyang sarili.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Richard Gutierrez

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement