Sa interview ni Ogie Diaz kay Rita Avila sa kaniyang YouTube channel, binahagi niya ang kaniyang kwento tungkol sa pagkahilig niya sa mga dolls. Inalala rin niya ang kaniyang only child na si Jesu.
Mababasa sa artikulong ito:
- Rita Avila sinariwa ang kaniyang pumanaw na anak
- Reaksyon ni Rita Avila sa mga nanghuhusga sa kaniya
- Mensahe sa mga kapwa magulang na nawalan ng anak
Rita Avila sinariwa ang kaniyang pumanaw na anak
16 years ago, nang isilang ni Rita Avila ang kanilang only child ni Direk Erick Reyes. Makalipas ang tatlong linggo ay agad na binawi ito sa kanila dahil sa sakit sa puso.
Unang check-up pa lang daw sa child ni Rita Avila ay nabatid na agad ng mga doktor na may problema ito sa puso.
“Noong day na inooperahan siya, nagdasal ako non. Sabi ko, Lord, mas alam mo ‘yong bigger picture. Basta ang ayaw ko lang po mag-suffer ‘yong anak ko,” kwento ng aktres.
Hindi na raw niya iniisip ang sarili nang mga panahong iyon. Ang mahalaga aniya ay hindi masaktan ang child ni Rita Avila kung sakaling buhayin ito ng Panginoon. Pero hindi kinaya ng bata ang operasyon na ikinasawi nito.
“After sometime, masaya ako kasi I’m a privileged mother kasi totoong may anghel ako.”
Saad pa ni Rita Avila, may mga paraan talaga ang Diyos para ipakita sa kaniya kung saan siya nito iniligtas. Namatay ang child ni Rita Avila noong November 2006. Pagsapit daw ng December ay nanganak naman ang kaniyang aso. Nag-iisa ang tuta na anak nito at palagi umanong nakadikit kay Rita Avila.
Noong tatlong taon na ang aso, nagkaroon ito ng sakit sa puso. Habang ginagamot ang aso ay nakararanas ito nang halos sampung seizure sa loob ng isang araw.
Dito sinabi ng doktor kay Rita Avila na if her child was able to live, posibleng ganoon din ang danasin nito.
“Sabi ko, ha? Ayaw ko hindi ko kaya. Ito pa lang aso hindi ko na kaya, tao pa? Anak ko pa. Buti na lang nandon na siya sa taas.”
Sampung taon daw ang ginugol ng aktres bago niya nasabing fully recovered na siya. Ngunit nilinaw din nito na hindi kailanman mawawala ang sakit na nararamdaman bilang isang ina.
“Sabi ko nga ‘yong moving on parang hindi naman siya talaga mangyayari. Kasi habang may pagmamahal nandiyan ‘yan eh.”
“Ang intindi ko kasi sa move on, ‘yong okay ka na, parang nakalimutan mo na ‘yong pain. But as a mother, nandiyan ‘yan lagi.”
Kumbaga ay tanggap naman na raw niya na parang putol na ang isa niyang kamay pero kailangan niya pa ring magpatuloy.
“But I have to live, pwede pa akong magmaha.”
BASAHIN:
Mom Confession: “Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho.“
Winwyn Marquez ilang araw umiyak matapos manganak: “I find myself fold under the pressure.”
Kris Aquino lumala ang sakit; nakiusap na huwag nang i-bash sina Bimby at Josh
Reaksyon sa mga nanghuhusga sa kaniya
Kilala ng ilan sina Popoy, Mimay, at Pony, mga dolls na itinuturing na anak nina Rita Avila at Direk Erick. Nabili raw ito ng mag-asawa noong bagong kasal pa lamang sila.
Dahil child-at-heart si Rita Avila ay binili nila sina Popoy at Mimay habang si Pony ay binigay naman sa director.
Elementary pa lang daw ay mahilig nang magdala ng dolls sa school si Rita Avila. Normal lamang ito para sa kaniya pero para sa iba ay pinag-iisipan ito nang masama.
“Parang mas siraulo ‘tong mga namimintas sa akin kasi mas iba ‘yong imagination nila. Ganoon ata talaga ang mundo. Kapag ‘di nila gusto ‘yong ginagawa mo, mali na agad sa kanila.”
Iniisip ng iba na kaya nagkaroon ng dolls sina Rita Avila ay dahil nawalan sila ng anak. Pero ang totoo ay nauna sina Popoy at Mimay bago pa isilang si Jesu. Totoo rin daw na kinakausap ng mag-asawa ang mga manika na parang mga tao.
Parang katatawanan at bahay-bahayan lang naman daw nila ito. Masaya sila at wala naman daw silang tinapakang tao.
Hindi man daw ito maintindihan ng iba pero para sa mga mahilig din sa manika, alam umano ng mga ito ang sinasabi ng aktres.
Therapeutic para kay Rita Avila ang kaniyang mga manika at mga alagang aso. Katunayan ay ang tatlong manika ang character sa librong sinulat niya.
Isang pari sa St. Paul ang nagbigay sa kaniya ng ideya na gamiting karakter sa libro ang kaniyang tatlong manika. May titulong The Invisible Wings ang nasabing libro ar apat na parts na nito ang napublish niya.
14 years nang nagsusulat ng libro si Rita Avila at ang lahat ng royalty niya bilang author ay napupunta sa mga orphanage. Ito rin daw ang kaniyang paraan para maipagpatuloy ang pagiging isang ina.
“Siguro nga nanggaling ako sa pagkawala ng anak, ng baby. Kaya gusto kong ma-extend ‘yong ability ko sa kanila para maging mommy.”
Mensahe sa mga kapwa magulang na nawalan ng anak
Sa pagtatapos ng vlog nag-iwan ng mensahe si Rita Avila sa mga magulang na tulad niya’y namatayan ng anak.
“Naging mahina din ako. Iniyak ko ‘yan. Ang lagi kong sagot sa kanila, is to hold on to their faith. Kasi sobra akong naniniwala na God always sees the bigger picture. Masakit o hindi, kailangan natin mag-trust kay God.”
“Sa bawat nanay masakit na maunahan kang mamatayan ng anak…Para sa mga taong nawawalan na ng pag-asa, para sa akin hindi totoong walang pag-asa. Pwede ka munang mag-pause. Namnamin mo ‘yong nararamdaman mo. Lilipas din yan.”