Rita Daniela as a first time mom, masaya at sinabing hindi siya pinahirapan ng anak na si Uno.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Rita Daniela as a mom.
- First mother’s day celebration ni Rita Daniela.
Rita Daniela as a mom
Blooming na blooming ngayon ang singer at aktres na si Rita Daniela. Makikitang tila hiyang na hiyang si Rita sa pagiging ina. Disyembre ng nakaraang taon ng ipanganak ni Rita ang kaniyang baby boy na si Uno.
At sa kabila ng kaniyang busy na schedule bilang celebrity, ibinahagi ng aktres na breastfed ang anak niyang si Uno, sa event ng Johnson’s Baby noong May 12 sa campgain ng Johnson’s Baby na #LoveMomWithEveryTouch at #LoveMoreWithEveryTouch sa BGC.
Sa isang panayam sa kaniya ng theAsianparent Philippines ay ibinahagi ni Rita na noong una ay nahirapan siya sa pagpapasuso sa anak. Pero sa tulong ng isang lactation consultant na inalalayan siya sa kaniyang breastfeeding journey mula ng makapanganak sa ngayon daw ay everything is under control ang pagpapasuso para kay Rita.
“There was someone na tinuruan ako how to breastfeed the right way. Because of her sobrang hindi ako nahirapan at nagagamit ko par in siya until now. Obviously, ok siya kasi healthy ‘yong baby ko, Malusog siya.”
Ito ang pagbabahagi ni Rita sa panayam.
Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela
First mother’s day celebration ni Rita Daniela
Sa parehong panayam ay ibinahagi rin ni Rita ang perfect gift para sa kaniyang first mother’s day celebration bilang isang ganap ng ina. Ito ang isinagot ni Rita.
“Medyo surreal for me to say this, but I think sasabihin ko rin yung sinasabi ng ibang mothers and it’s to be with them (child). That actual time spending time with them to be with the family that’s the perfect gift for me.”
Ito ang sabi ng first time mom na si Rita Daniela.
Sa kaniyang Instagram ay may maikling mensahe ring inalay si Rita para sa kaniyang anak na si Uno.
“My first mother’s day with you, my Uno✨ You have been such a good boy! Hindi mo pinahihirapan si Nanay. A very sweet boy! To more memories with you, anak! Nanay loves you.💙”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!