Kilalang singer-actress na si Rita Daniela umaming buntis sa kaniyang first baby. Rita happy at excited sa pagbubuntis bagamat hindi pa pinangalanan ang ama ng kaniyang dinadalang sanggol.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Pag-amin ni Rita Daniela na siya ay buntis sa kaniyang first baby.
- Pakiramdam ni Rita na siya ngayon ay magiging isa ng ina.
Pag-amin ni Rita Daniela na siya ay buntis sa kaniyang first baby
May special revelation ang singer at aktres na si Rita Daniela sa episode ng All-Out Sundays sa GMA. Ito ay paga-announce niya at kumpirmasyon sa mga balita-balita nitong nakaraang linggo na buntis siya. Ang balitang ito masayang ibinahagi ni Rita.
“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”
Ito ang maluha-luhang pag-aanunsyo ni Rita sa pagbubuntis niya.
Nitong nakaraang linggo ay laman ng balita si Rita dahil sa kadahilanang mapapansin daw na lumalaki ang tiyan niya ayon sa kaniyang mga tagasubaybay. Pero si Rita, nanatiling tahimik hanggang sa napagdesisyunan niya nang magsalita. Dahil ayon mismo kay Rita excited siya na maging ina na at makita ang kaniyang baby na dinadala.
Si Rita hindi makapaniwala sa bilis ng panahon at inaalala ang pagsisimula niya sa showbizness sa edad na sampung taon at ngayon nga na siya ay magiging isang ina na.
“Akalain mo yun nagsimula ako dito sa GMA I was just 10 years old and soon I will have a 10 years old also,” sabi pa ni Rita.
Nagpasalamat rin siya sa suportang ibinibigay sa kaniya ng kaniyang mother network lalo na sa bagong chapter na ito ng kaniyang buhay.
Pakiramdam ni Rita na siya ngayon ay magiging isa ng ina
Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela
Dagdag pa ni Rita, masaya siya na naibahagi niya na sa ngayon ang pagbubuntis niya. At sa wakas ay maisusuot niya na ang mga damit na gusto niyang suotin at hindi na kailangan pang itago ang lumalaki niyang tiyan. Proud din siyang sabihin na siya ay buntis at hindi niya balak na iliihim pa ito o itanggi pa.
“Masaya, I am super happy and proud. At least I can wear na the dress that I want to wear at hindi ko na kailangan, you know. I’m so happy. Ang sarap sabihin.”
Ito ang sabi pa ng singer-actress na hindi pinangalanan o nagbanggit ng anumang detalye tungkol sa ama ng kaniyang ipinagbubuntis.
Matapos ng kaniyang revelation sa noontime show na kinabibilangan ay nag-post rin si Rita sa kaniyang Instagram account tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao. Siya ay nag-alay ng isang open letter sa kaniyang dinadalang sanggol. Kalakip nito ang masaya niyang larawan habang hawak-hawak ang kaniyang tiyan, sonogram ng kaniyang baby at tagpo sa prenatal check-up niya.
Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela
Sabi ni Rita sa kaniyang anak, dumating ito sa tamang oras at pinaka-magandang regalong natanggap niya mula sa Diyos. Kaya naman lahat ay gagawin niya para sa ikabubuti nito.
“My child, You came just in time. You are God’s greatest gift to me. And you give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”
Nagbigay hint narin si Rita sa kung ano ang gusto niyang itatawag sa kaniya ng kaniyang baby. Excited rin daw siya na makita ito at ngayon palang na nasa sinapupunan niya ay mahal na mahal na daw niya.
“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord. I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita.”
Ito ang sabi pa ni Rita sa kaniyang Instagram post.
BASAHIN:
Anne Clutz sinabing last baby na nila ang kaniyang pinagbubuntis: “Nalulungkot, nagsisisi tuloy ako…”
LOOK: Jennylyn Mercado and Dennis Trillo finally shows the face of Baby Dylan!
LOOK: Dimples Romana isinilang na si Baby Elio!
Reaksyon ng mga celebrity friends ni Rita
Ang mga celebrity friends ni Rita masaya sa revelation at announcement ni Rita na ito tungkol sa kaniyang pagdadalang-tao. Binati nila ito at sinabing hiling nila ang kasiyahan niya. Ang iba nga tsa kanila tulad ng Asia’s Nithingale na si Lani Misalucha ay nagulat at tila nahuli daw sa balita.
lanimisalucha Wait what?! Huli ako sa balita!
Ito ang sabi ng singer na agad namang sinagot ni Rita at nagpaaabot ng well wishes sa buntis.
lanimisalucha Congratulations my dear Rita. What a blessing from heaven above. You take care and I’ll see you soon.
Samantala, ang kilalang ka-love team ni Rita Daniela na si Ken Chan ay super happy din para sa kaniyang on screen partner.
Ayon kay Ken, lagi siyang nandiyan para kay Rita. At pinagdadasal din niya na maging maayos ang kalagayan ni Rita at baby nito.
“I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support & love to surround you & your baby.”
“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you!”
Wala pang detalye kung ilang buwang buntis si Rita. Pero isa lang ang sigurado, ito ay ang ready siya at excited na gampanan ang bagong role niya bilang isang ina.
Congrats Rita!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!