Rita Daniela sa rumor na hiwalay na sila ng ama ng kaniyang ipinagbubuntis: “Fake news.”

Rita mas pinipili paring gawing private ang kaniyang pagbubuntis. Ito daw ay ini-enjoy niya na muna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rita Daniela may paglilinaw sa isyung hiwalay na sila ng boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang baby.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Rita Daniela may sagot sa balitang hiwalay na sila ng ama ng kaniyang baby
  • Pagbubuntis ni Rita Daniela.

Rita Daniela may sagot sa balitang hiwalay na sila ng ama ng kaniyang baby

Larawan mula sa Instagram account ni Rita Daniela

Fake news! Ito ang sagot ni Rita Daniela sa usap-usapan na hiwalay na sila ng boyfriend niya at ama ng ipinagbubuntis na baby. Si Rita, agad na sinita ang isang pahayagang naglabas ng naturang isyu na nagdulot na daw ng damage sa kaniya. Ito ay matapos makatanggap ng masasakit na komento mula sa netizens.

Si Rita may paalala rin sa mga netizens na agad siyang na-judge ng kumalat ang balita.

“So, this is the source. This page proudly edited a picture of me with their headline. Proud sila sa fake news. Don’t support this page for they are spreading fake news.”

“But the damage has been done. Nakapagkomento na ang mga tao at naniniwala na sila dito. Nakapag-judge na rin sila.  Netizens, not all you see online and on social media are facts.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Sa isa pang hiwalay na Facebook post ay nilinaw rin ni Rita na isang beses palang siyang nakapagpa-interview tungkol sa pagbubuntis niya. Kaya naman mariin niyang pakiusap sa mga fans at followers niya na huwag makinig sa kumakalat na maling balita.

Sa ngayon ay pinili niya daw maging pribado ang pagbubuntis niya. Ganoon rin ang tungkol sa kanila ng boyfriend niya at ama ng dinadala niyang sanggol.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way”, sabi pa ni Rita.

Pagbubuntis ni Rita Daniela

Matatandaang nitong Hunyo inanunsyo ni Rita ang kaniyang pagdadalang-tao. Ito ay una niyang ginawa sa programang 'All Out Sundays' ng GMA na kaniyang kinabibilangan. Doon ay sinabi ni Rita na wala naman siyang balak na itago ang pagbubuntis at humahanap lang ng tamang timing para i-share ito.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ito ang bahagi ng sinabi ni Rita na revelation sa naturang programa. Sinundan ito ng Instagram post niya na open letter para sa anak na ipinagbubuntis. Doon sinabi ni Rita na dumating sa tamang oras ang anak at ito ay itinuturing niyang blessing mula sa Diyos.

“My child, You came just in time and you are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Facebook accout ni Rita Daniela

Sa isang exclusive interview sa kaniya ng showbiz reporter na si Nelson Canlas sa '24 Oras' ay nagsalita na ang singer-actress tungkol sa daddy ng kaniyang baby.

Ayon kay Rita Daniela, non-showbiz ang kaniyang boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang sanggol at pinili niyang huwag na munang magsalita tungkol dito. Dahil noon pa man ay pribado na ang kanilang relasyon at nais niyang ganito muna ito manatili sa ngayon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“It’s my non-showbiz boyfriend," sabi ni Rita Daniela. "It’s my decision not to share anything about us or about him to everybody. He is not a showbiz personality, and he's a private person. And our relationship has always been private."

Dagdag pa niya, pinili niyang gawing pribado ang naging pagbubuntis para namnamin ito at ma-enjoy.

“There are some things in life na ang sarap na ikaw lang muna yung tinetreasure mo yung blessing na yun. 'Yong ninamnam mo yung good news.”

Ito ang nangingiting sabi pa noon ni Rita.

Birthday message ni Rita para sa kaniyang ina

Larawan mula sa Facebook accout ni Rita Daniela

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Samantala, nitong August 27 ay nagdiwang ng kaarawan ang ina ni Rita na si Rosanna Iringan. Siya ay all out sa pagsuporta sa pagbubuntis ng anak. Sa Instagram ay may short but sweet na mensahe si Rita para sa kaniyang ina.

“Happy birthday, mama. I’m such a proud daughter here because you showed the world how powerful God is through your faith — because of your faith, because you believed, you were healed. Because of God, cancer and fear is gone."

"I will not be this strong woman now if it weren’t for you. I will do my best to honor you, to thank you for all the sacrifices and good things that you’ve done for us, as long as I live. Your apo and I loves you.”

Ito ang mensahe ni Rita sa kaarawan ng kaniyang ina.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement