X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Rita Daniela nagsalita tungkol sa ama ng kaniyang baby: "Our relationship has always been private."

5 min read

Rita Daniela binahagi ang ilang detalye tungkol sa kaniyang pregnancy. Ayon kay Rita Daniela, ang ama ng kaniyang ipinagbubuntis ay ang kaniyang non-showbiz boyfriend.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Pagsasalita ni Rita Daniela tungkol sa ama ng kaniyang dinadalang baby
  • Reaksyon ng ina ni Rita Daniela sa kaniyang pagbubuntis
  • Reaksyon ng love team partner ni Rita na si Ken Chan sa kaniyang pagdadalang-tao

Pagsasalita ni Rita Daniela tungkol sa ama ng kaniyang dinadalang baby

rita daniela baby

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

Nitong Linggo ay isinapubliko na ng singer-actress na si Rita Daniela ang kaniyang pagdadalang-tao. Ito ay una niyang ginawa sa programang All Out Sundays ng GMA na kaniyang kinabibilangan. Doon ay sinabi ni Rita na wala naman siyang balak na itago ang pagbubuntis at humahanap lang ng tamang timing para i-share ito.

“I’m so happy and proud to say that I am soon to be a mother. Wala naman po akong planong ilihim ito. Naghanap lang po ako ng tamang oras para sabihin and to share the new blessing in my life.”

Ito ang bahagi ng sinabi ni Rita na revelation sa naturang programa. Sinundan ito ng Instagram post niya na open letter para sa anak na ipinagbubuntis. Doon sinabi ni Rita na dumating sa tamang oras ang anak at ito ay itinuturing niyang blessing mula sa Diyos.

“My child, You came just in time and you are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

Sa naging revelation na ito ni Rita, ang tanong ng marami sino ang ama ng kaniyang dinadala? Sa isang panayam sa kaniya sa programang 24Oras ng GMA ay nagsalita na ang singer-actress tungkol sa daddy ng kaniyang baby.

Ayon kay Rita Daniela, non-showbiz ang kaniyang boyfriend at ama ng kaniyang dinadalang sanggol at pinili niyang huwag na munang magsalita tungkol dito. Dahil noon pa man ay pribado na ang kanilang relasyon at nais niyang ganito muna ito manatili sa ngayon.

“It’s my non-showbiz boyfriend,” sabi ni Rita Daniela. “It’s my decision not to share anything about us or about him to everybody. He is not a showbiz personality and he’s a private person. And our relationship has always been private.”

Dagdag pa niya, tinapos niya muna ang 3rd trimester ng kaniyang pagbubuntis bago ito i-share sa publiko. Ninamnam niya daw muna ang magandang balita ng kaniyang pagbubuntis at ini-enjoy ito.

“There are some things in life na ang sarap na ikaw lang muna yung tinetreasure mo yung blessing na yun. ‘Yong ninamnam mo yung good news.”

Ito ang nangingiting sabi ni Rita.

Sa ngayon, sabi pa ng actress-singer ay very excited siya sa pagdating ng anak . Dahil sa pamamagitan daw nito ay mawawala na ang mga insecurities na nararamdaman niya. At may isang tao ng mamahalin siya ng buong puso na ganoon rin ang gagawin niya para rito.

“Am I enough? Was I good? Was I great? That has always been my struggle. But this blessing reminded me na, ‘No, I won’t feel that anymore’. Because I will have someone that whatever I do I may fail or not but that someone will see me and he or she will love me with all his heart.”

Ito ang sabi pa ni Rita.

BASAHIN:

LOOK: Rachel Peters took snaps of her body 8 months after giving birth

Angeline Quinto nilalabanan antok para alagaan si Sylvio: “Kinukurot ko na ‘yong sarili ko para magising.”

Iya Villania nagpayo sa mga mommies tungkol sa postpartum workout: “Please wait until bleeding subsides.”

Reaksyon ng ina ni Rita Daniela sa kaniyang pagbubuntis

ria daniela mom

Larawan mula sa Facebook account ni Rosanna Iringan

Samantala, sa pamamagitan ng Facebook post ay nag-share ang ina ni Rita sa nararamdaman niya sa pagbubuntis ng anak. Kuwento ng ina ni Rita na si Rosanna Iringan, bagamat alam niya na ang pagbubuntis ng anak ay naiyak pa rin ito sa ginawang pag-amin ni Rita sa national television. Very proud daw ito sa anak at hinahangaan nito ang katapangang ipinapakita ni Rita.

“I’m so proud of you anak!!! Ganun pala yun kahit pa alam ko na ano yung big revelation mo parang nag-pause ng saglit ang mundo ko at iyak ako ng iyak while watching you today sa Queendom All-Out Sundays.”

Ito ang bungad sa post ng ina ni Rita.

Sinabi niya rin na lagi lang siya nasa tabi ng anak at naniniwala siyang magiging mabuting ina ito.

“GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!! I trust and believe that you will be a good and perfect nanay sa apo ko.”

“Nandito lang ako palagi anak at gagabay sa lahat ng kailangan mo at ng apo ko!!! Mahal na mahal ko kayo and you made me more prouder!!”

Ito ang sabi pa ng ina ni Rita.

Reaksyon ng ka-love team ni Rita na si Ken Chan sa kaniyang pagdadalang-tao

rita daniela with ken chan

Larawan mula sa Facebook account ni Rita Daniela

Ang love team partner ni Rita na si Ken Chan ay nagpakita rin ng suporta sa aktres. Sa kaniyang Instagram ay ito ang mensahe niya para kay Rita.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

“I’m here if you need anything, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support & love to surround you & your baby.”

“As a friend, as someone who cares, I’ll be here for you no matter what. I am so proud of you!”

24 Oras, Facebook

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rita Daniela nagsalita tungkol sa ama ng kaniyang baby: "Our relationship has always been private."
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

    Mister hindi inakalang kapatid niya ang babaeng kaniyang napangasawa at ina ng dalawa niyang anak

  • Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

    Andi Eigenmann 60 lbs ang ibinawas sa timbang matapos ang dalawang taon ng makapanganak, ito ang kaniyang sikreto!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.