Magarbong selebrasyon ang inihanda ng aktres at vlogger na si Riva Quenery kasama ang non-showbiz boyfriend niyang si Vern Ong sa binyag ng anak nilang si Athena Rae.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- LOOK: Binyag ng anak ni Riva Quenery na si Athena dinaluhan ng mga artista
- Ano-ano ang dapat tandaan kung magpapabinyag?
LOOK: Binyag ng anak ni Riva Quenery na si Athena dinaluhan ng mga artista
Pinaghandaang mabuti ng aktres at vlogger na si Riva Quenery kasama ang non-showbiz boyfriend nitong si Vern Ong ang magarbong pagdiriwang ng binyag ng kanilang baby girl na si Athena Rae.
Sa latest vlog ni Riva sa kanyang YouTube channel na may pamagat na ‘Athena Rae’s Christening’ ay ibinahagi niya ang ilang kaganapan mula sa baptismal ng kanyang anak. Makikita sa video na excited na sinalubong ng mga bisita sa simbahan ang anak ni Riva na nakasuot ng isang cute at napakagandang dress. Mapapanood din ang actual na pagbibinyag sa bata.
Sa Instagram post ni Riva, kanyang binahagi ang kanyang mensahe para kay Athena Rae ngayong nabinyagan na ito.
“May God bless you, guide you and protect you in all that you do as you grow up.”
Star-studded din ang ganap dahil dinaluhan ito ng ilan sa mga bigating artista at influencers ngayon. Sa video ipinakita kung gaano namangha ang aktres at malapit na kaibigan ni Riva na si Kathryn Bernardo sa ganda ni Athena Rae.
Nagkaroon din ng picture taking kung saan nakita na kabilang sa dumalo ay ang mga co-stars ni Riva sa series na The House Arrest of Us na sina Daniel Padilla, Alora Sasam, at Arlene Muhlach.
Present din sa event ang mga social media influencer na sina Awra Briguela, Benedict Cua, at Christine Samson.
Sinundan ang binyag ng Christening party na mayroong Greek mythology-themed na inakma sa pangalan ni Athena na mula sa Greek goddess. Nakakaaliw namang ibinahagi ng mga artistang dumalo ang ilan sa mga larawan mula sa party.
Sa Instagram account ng komedyanteng si Alora Sasam, pinost niya ang picture niya kasama si Riva at si Athena na umiiyak. Pagbibiro niya bakit daw sa dami ng nagpapicture kay Athena ay sa kanya lang umiyak ang bata.
Ibinahagi niya rin ang relasyon nito kay Riva at kung gaano kalapit sila sa isa’t isa.
“Alam ko mahirap magsalita ngayon pero try mo explain @athenaraeong bakit sa akin ka lang umiyak sa dinami-dami ng nagpapic sayo? Welcome to the Christian world baby.”
Hindi rin nagpahuli sa pagpopost ng mga larawan ang iba pang dumalo. Sa Instagram account ni Arlene Muhlach ipinaramdam niya kung gaano kamahal ng mga tao sa paligid niya ang baby na si Athena. Sa kanyang caption sinabi niyang,
“God’s blessings on your baptism dear ATHENA. You are so loved!!!”
BASAHIN:
Riva Quenery sa hirap ng pag-aalaga sa baby: “Sometimes I’m too tired to function”
John Prats and Isabel Oli celebrate 6th birthday of Feather: “Stay mabait and sweet my love”
LJ Reyes shares heartfelt message to Aki: “Ako pa rin ang nanay, ikaw pa rin ang anak.”
Ano-ano ang dapat tandaan kung magpapabinyag?
Binyag ang isa sa mga pinaghahandaang ganap sa panahong sanggol pa lang ang anak. Ginagawa ito upang kilalanin ang relihiyon at upang magcelebrate ng pagdating ng bata sa pamilya. Katulad ng iba pang selebrasyon, marami rin ang kailangan tandaan at planuhin bago magpabinyag. Kung nagbabalak ka nang magpabinyag narito ang ilan sa maaaring gawin:
- Pagpapa-book sa simbahan. Unang-una sa lahat dapat ay mayroong sigurado nang booking sa simbahan para sa binyag. Matutulungan ka ng vicar para sa ibang clarification pa na tungkol sa pagpapabinyag.
- Magdesisyon ng araw. Kailangang magplano sa tamang araw kung saan makakadalo ang ilan sa mga importanteng tao kabilang ang iyong mga magulang, malapit na kaibigan, at mga ninong at ninang.
- Pumili ng tamang ninong at ninang. Naririyan ang ninong at ninang upang magabayan ang iyong anak sa panahong kailangan mo ng tulong para sa kanila kaya nga nararapat na responsable sila para dito.
- Organizing the after party. Pagtapos ng binyag ay parating may after party kung saan doon ipagdiriwang ang binyag. Planuhin nang mabuti ang lahat ng kailangan para dito.