Rochelle Pangilinan ibinuking na dating "babaero" at "gimikero" ang asawa noong binata

Masaya at matatag na pagsasama, ano ang sikreto ng mag-asawang si Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap? Alamin dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap umaming ayaw sa isa’t isa noong una. Arthur dati umano kasing babaero at gimikero ayon kay Rochelle.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap love story.
  • The secret of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap’s happy marriage.

Bukingan ng mag-asawang sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Image from Rochelle Pangilinan’s Instagram account

Sa kanilang guesting sa programang Mars Pa More nito lamang nakaraang araw ay nagkabukingan ang mag-asawang sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Si Arthur ibinuking ni Rochelle na babaero at gimikero umani noong sila ay magkakilala.

“Kasi nililigawan ako may nililigawan din siyang iba.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Rochelle sa kung paano niya nasabing babaero noon ang mister niya na ngayong si Arthur. Dagdag pa ni Rochelle, gimikero din daw ito na tulad niya noong sila ay magkasama pa sa programang Daisy Syete.

Samantala, pag-amin naman ni Arthur sa parehong programa, hanggang ngayon ay hindi siya komportable sa mga pa-sexy outfit ni Rochelle kapag sumasayaw. Lalo na kapag ito ay naka-tangga at nag-isplit pa.

“Siguro kasi ‘yong kinalakihan ko sa Iloilo hindi kami sanay sa ganoon. Kaya noong dumating siya medyo na-culture shock ako.”

Ito ang paliwanag ni Arthur kung bakit. Sa katunayan noong kasal nga daw nila nang may pa-surprise sexy dance si Rochelle ay nagulantang ang mga auntie ni Arthur at napahawak nalang sa kanilang pamaypay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Rochelle at Arthur sinabi ring hindi nila bet ang isa’t isa noong una

Sa kanilang naging panayam sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” matapos ang kanilang naging kasal ay inamin ng dalawa na noong una ay ayaw nila sa isa’t-isa. Ang dahilan ay ang malaking pagkakaiba sa personality nila.

“Di ba ayaw mo sakin non? Ayoko rin yung dating niya. Kasi ‘yong image niya na Sexbomb masyadong kikay, pa-sexy. Ayoko talaga ng ganun. Sabi ko gimikera siguro tong babaeng to, di ko magugustuhan parang ganun.”

Ito ang sabi noon ni Arthur tungkol kay Rochelle.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang dalawa ay natutunan ding magustuhan ang isa’t isa. At sa kinatagalan ay nauwi narin sa tunay na pagmamahalan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagbabahagi naman ni Rochelle, bagamat noong una ay may alinlangan siya kay Arthur, nabago ito ng mas makilala niya ang other version ng babaerong nakilala niya.

“Yung 1st year namin mag-boyfriend-girlfriend kapag nag-away kami nilalayasan ko siya. Kung kami, kami. Kung hindi, hindi.

Tapos noong minsang napaaway ako sa isang lugar tapos naging isyu siya sinundo niya ko sa airport tapos dinala niya ako sa church nila.  Doon sabi ko, ah seryoso ‘to.”

BASAHIN:

LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

8 na dahilan kung bakit mahalaga sa mag-asawa ang “eye contact” sa pagtatalik

6 mistakes na ‘di mo alam na nagagawa mo kaya nagiging boring ang pagtatalik niyong mag-asawa

Sikreto ng masaya at matatag na relasyon nina Rochelle at Arthur

Image from Arthur Solinap’s Instagram account

Mula noon ayon kay Rochelle, ang Panginoon na ang naging sentro ng kanilang relasyon. Hanggang sila ay maikasal at magkaroon ng anak na si Shiloh na ngayon ay dalawang taong gulang na.

Kuwento pa ni Arthur, bilang lalaki ay may isang bagay rin siyang natutunan ng magkapamilya na. Ito ay ang mag-sorry kahit hindi niya kasalanan. Ito ang natatawang pagbabahagi ni Arthur.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Yong babae kasi minsan kasi kailangan talagang, ma-pride yan sila. So parang ako na lang ‘yong gumagawa ng way na pag-usapan yung issues namin. Ngayon natutunan ko na huwag sabayan ‘yong galit niya.”

Ito ang nasabi pa ni Arthur sa panayam sa kanila ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Love story ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Ang relasyon sa pagitan ni Rochelle at Arthur ay nagsimula ng magkasama sila sa afternoon drama series na Daisy Syete sa GMA. Sila ay naging opisyal na mag-boyfriend at girlfriend noong August 2008. Hanggang sa noong 2016 ay nag-propose na ng kasal si Arthur kay Rochelle na agad namang sinagot ng “yes” ng sexy dancer.

August 2017 sa kanilang 9th anniversary ikinasal sila Rochelle at Arthur. Ang kasal ay isang Christian wedding na ginanap sa Tagaytay.

Ito ay dinaluhan ng malalapit na kaibigan nila sa industriya ng showbizness, pati na ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Doon ay nagpalitan sila ng vows na kung saan pareho nilang sinabi sa isa’t isa na ang Panginoon ang magiging sentro ng kanilang pamilya. At kahit lumipas man ang panahon ay sisikapin nilang walang magbabago sa pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Rochelle Pangilinan’s Instagram account

Source:

Rappler, KMJS

Photo:

Image from Rochelle Pangilinan’s Instagram account

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement