Ronaldo Valdez death usap-usapan ngayon sa social media. Singer at aktor na si Janno Gibbs kinumpirma ang pagkawala ng ama.
Mababasa dito ang sumusunod:
Ronaldo Valdez death
Usap-usapan ngayon ang biglaang pagkamatay ng beteranong aktor na si Ronaldo Valdez.
Sa edad na 76-anyos ay nasawi ang aktor sa kadahilanang hindi pa ibinabahagi ng kaniyang pamilya. Pero base sa isang report na kung saan na-interview ang pulis na humahawak sa kaso ng aktor ay sa loob ng bahay niya sa New Manila ito nasawi. Ang nakakita daw sa bangkay ng biktima ay ang driver nito. Sa loob ng kaniyang kwarto, si Ronaldo natagpuang nakaupo at may hawak na 45 caliber pistol sa kaniyang kamay.
Ang nasabing insidente patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis. At hanggang ngayon ay hindi pa nila kinukumpirma kung suicide ang naging dahilan ng pagkamatay ng beteranong aktor.
Janno Gibbs sa pagkawala ng kaniyang ama
Larawan mula sa Instagram account ni Ronaldo Valdez
Samantala, sa Instagram ay kinupirma ng aktor at singer na si Janno Gibbs ang pagkamatay ng kaniyang ama. Hindi niya ibinahagi ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Pero hiling niya at ng kanilang pamilya ay i-respeto muna sa ngayon ang privacy nila.
“It is with great sorrow that I confirm my father’s passing. The family would like to request that you respect our privacy in our grieving moment. Your prayers and condolences are much appreciated.”
Ito ang sabi pa ni Janno sa kaniyang post.
Si Ronaldo Valdez ay nakilala dahil sa mga award-winning niyang pagganap sa iba’t-ibang pelikula at tv shows. Ang pinaka-huli niyang palabas na nagawa ay ang “2 Good 2 Be True” na pinagbibidahan ni Daniel Padilla at Kathryn Bernado. Ang aktor makikitang active sa pag-comment sa mga Instagram post ni Kathryn. Sa kaniyang mga IG post tungkol kay Kathryn ay sinabi niyang itinuturing niya itong parang tunay niyang apo.
Larawan mula sa Instagram account ni Ronaldo Valdez
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!