Dating maliit, 6-footer na ngayon! Ito ang secret ng 15-year-old kung paano siya tumangkad

Nakakatulong ba talaga ang gatas para tumangkad ang isang bata? Para sa isang child star na 6 footer na ngayon sa edad na 15-anyos, ito ay totoo!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Rong Zi Shan ay isang 15-anyos na binatang dati ay maliit lang na bata pero 6 footer na ngayon. Alamin dito kung ano ang kaniyang ginawa para tumangkad.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang ginawa ng binatang si Rong Zi Shan para maging 6 feet ang kaniyang tangkad.
  • Ang mga benepisyong naibibigay ng pag-inom ng gatas sa katawan ng mga bata.

Kilalanin si Rong Zi Shan, ang 15-anyos na binatang 6 feet ang taas

Image source: Weibo / Rong Zi Shan

Tayong mga magulang ay laging kinukumbinsi ang ating mga anak na uminom ng gatas. Dahil sa tulong nito sila ay tatangkad at magiging malakas ang kanilang katawan.

Ito ang parehong sinasabi sa atin noon ng ating mga magulang kaya naman lagi nila tayong pinipilit noon na uminom ng gatas. Pero, ang tanong, totoo nga bang nakakatangkad ang pag-inom ng gatas?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para sa Chinese celebrity at binatang si Rong Zi Shan, ito ay may katotohanan. Dahil ito ay napatunayan niya sa kaniyang sarili. Dahil si Rong na dating maliit na bata lang noon ay 6 footer na ngayon. Ito umano ay dahil sa pagpapainom sa kaniya ng gatas ng kaniyang ina araw-araw.

Si Rong Zi Shan ay kilalang Chinese actor at model. Pero maliban sa galing niya sa pag-arte at pagmomodelo kilala rin siya dahil sa kaniyang height na 1.83m o 6 feet ang taas.

Paano nakuha ni Rong ang ganitong height sa kaniyang edad? Ito umano ay sa pamamagitan ng pagpapainom sa kaniya ng kaniyang ina ng isang litro ng gatas araw-araw.

Isang litro ng gatas araw-araw ang dahilan umano ng pagtangkad niya na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Food photo created by jcomp – www.freepik.com 

Ang height o tangkad ni Rong ay malinaw na hindi niya umano namana sa kaniyang mga magulang. Dahil ang mga ito ay tama lang ang tangkad o mayroon lang average height.

Para nga umano hindi matulad sa kanila ang anak na si Rong ay humingi ng payo mula sa doktor ang kaniyang ina. Mula sa maliit na bata ay na-predict umano ng doktor na magiging 1.74m ang tangkad ni Rong kapag ito ay binata na.

Pero ang height na ito ay hindi sapat para sa kaniyang ina. Kaya naman lahat ay ginawa nito para tumangkad pa siya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pangunahing ginawa nga daw ng ina ni Rong Zi Shan ay ang painumin siya ng isang litro ng fresh milk araw-araw. Maliban dito ay may iba pang nakasanayang gawin si Rong na pinaniniwalaan nilang nakatulong rin sa kaniyang pagtangkad.

  • Pagtulog ng 12 oras araw-araw.
  • Paglalaro ng basketball.
  • Hindi pagkain ng mga pagkain o snacks na nagtataglay ng labis na sugar o asukal.

Ang goal umano ng ina ni Rong na si Mama Rao ay magkaroon ng 1.85m na height ang kaniyang anak. Sa ngayon, masasabing maaabot nila ang goal na ito. Dahil si Rao sa edad na 15-anyos ay 1.83m o 6 feet na ang tangkad.

BASAHIN:

Paano nga ba malalaman kung tumatangkad ang baby mo?

Pampatangkad na ehersisyo na makakatulong sa iyong anak

9 pagkain na pampalakas at pampatangkad sa mga bata

Benepisyo ng pag-inom ng gatas ng bata araw-araw

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image source: iStock

Ang pagdadagdag ng gatas sa diet ng iyong anak araw-araw ay makakatulong sa kaniyang overall growth at health. Dahil ito ang number one source niya ng calcium na nakakatulong sa kaniyang bone development. Puno rin ito ng mga mahahalagang nutrients tulad ng vitamin A at protein na nagpapalakas ng kaniyang katawan.

Maliban sa mga ito ay narito pa ang ibang benepisyo sa katawan ng pag-inom ng gatas ng iyong anak.

  • Sa tulong ng gatas ay mas nagiging energized, focused at alert ang iyong anak sa buong araw. Dahil dito ay mas nagagawa niya ang kaniyang mga school activities at mas nakakapag-focus siya sa kaniyang pag-aaral.
  • Mas nagkakaroon rin ng extra energy sa paglalaro ang isang batang umiinom ng gatas. Kahit na ba isang buong araw siyang nag-aral ay mayroon pa rin siyang energy para makipaglaro sa kaniyang mga kaibigan sa loob o labas man ng inyong bahay.
  • Nakakatulong ang pag-inom ng gatas para pakalmahin ang iyong anak matapos ang isang active o nakakapagod na araw. Bagamat nagbibigay ito ng energy sa araw, nakakatulong rin ang pag-inom ng gatas para ma-relax siya sa gabi.
  • Ang pag-inom ng gatas ay nakakatulong rin para magkaroon ng mahimbing na tulog sa gabi ang iyong anak. Ito ay sa tulong ng special protein na taglay nito. Kaya naman siguraduhin na bigyan ng mainit na gatas bago matulog ang iyong anak. Ito ay para masiguro na magiging mahimbing at kumpleto ang tulog niya. At para magkaroon rin siya ng energy at mas maging alert sa kinabukasan sa kaniyang paggising.

Lead image source from Weibo / Rong Zi Shan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

With reports from Nalika Unantenne.

Ang artikulong ito ay orihinal na inilathala sa wikang Ingles sa theAsianparent Singapore at isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz