Magkakaiba ang paraan ng mga mag-asawa sa kung paano sila nakikipagtalik. Kung minsan ay sweet and gentle, kung minsan naman ay naughty and hard. Sa karanasan ninyo ni partner paano kaya malalaman kung rough sex na ba ang inyong pakikipagtalik?
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 12 signs na rough sex ang pagtatalik niyo ng mag-asawa
- Tips at ilang paalala para maging fun at safe ang rough sex ninyong mag-asawa
12 signs na rough sex ang pagtatalik niyo ng mag-asawa
Walang konkretong depinisyon para sa terminolohiyang “rough sex.” Ang iba pang tawag dito ay aggresive sex, forceful sex, hardcore sex, kinky sex, passionate sex, at violent sex.
Sa kasalukuyan, tila ba nagiging parte ang katagang “rough sex” ng pop culture dahil sa kasikatan nito. Kadalasang maririnig ito sa lyrics ng mga kanta. Nilalarawan nila ito sa pamamagitan ng pakikipagtalik na may halong pananakit.
Dahil sa pagiging popular nito, nagkaroon ng pag-aaral hinggil sa “rough sex” Sa isang bagong pananaliksik sa Journal of Sex and Marital Therapy, inalam nila kung ano ang konsepto nito sa mga tao.
Sinubukan nilang pagfocusan ang paghahambing ng konsepto sa kasarian, sexual orientations at political-ideological backgrounds.
Mayroong 4,898 na participants ang pinag-aralan. Binubuo ito ng 2043 na kababaihan, 1858 na kalalakihan, 10 transgender women, 15 transgender man, at 46 non-binary individuals. “Liberal” na pagtingin sa rough sex ang pinal na kinalabasan ng pag-aaral.
Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng pagtatanong sa kung ano ang ideya ng rough sex. Ang ilan sa nakita ay ang mga sumusunod:
- Hair pulling – Paghigpit sa hawak ng buhok ng partner.
- Being pinned-down – Paghahawak sa kamay nang mahigpit para hindi makagalaw.
- Biting – Panananakit gamit ang ngipin lalo sa na sa parteng kinatataasan ng libido.
- Being tied-up – Paggamit ng lubid o posas sa kamay at paa.
- Slapping – Paghampas nang sa parte ng katawan.
- Chocking – Paghigpit sa hawak sa leeg.
- Scatching – Pananakit gamit ang kuko sa balat ng partner.
- Hard thrusting – May gigil sa pagbaun ng ari lalo na sa kalalakihan.
- Punching – Pananakit gamit ang kamao.
- Spanking – Pananampal lalo na sa parte ng puwet.
- Throwing into bed – Paghagis sa higaan.
- Tearing clothes off – Pagpunit nang marahas sa suot na damit.
Ang mga gawaing ito ay maituturing na kink ng isang tao. Ang kink ay tumutukoy sa sexual practices na hindi conventional tulad na lang ng 12 bagay na inilista sa pag-aaral hinggil sa rough sex. Kadalasang taboo pa rin na maituturing kung pag-uusapan ito lalo na sa ating lipunan, pero halos karamihan ay minsan na rin itong nasubukan.
Sa kabila ng pagiging taboo, mayroon itong mga benepisyo para sa mag-partner. Maaaring maging mas bukas pa sa mga bagong karanasan, mabawasan ang pagiging rejection-sensitive, at nagiging extoverted.
BASAHIN:
3 reasons kung bakit mahalaga ang “after sexcare”
STUDY: Mga babae, mas maagang mawalan ng gana sa sex kaysa sa mga lalaki
Ilang tips sa sex para maglevel-up ang experience ng mag-asawa sa kama
5 tips at ilang paalala para maging fun at safe ang rough sex ninyong mag-asawa
Of course, gusto ng mag-asawa na ang kanilang sex experience ay fun at the same time ay safe pa rin. Para naman maiba ang style ng pakikipagtalik, subukan ang mga tips na ito:
Tip no. 1 Simulan parati nang may consent.
Ang consent ay ang pagpayag ng dalawang tao hinggil sa isang bagay. Mahalaga ang consent para sa healthy na sexual relationships. Lalo na sa usapin ng rough sex. Kinakailangang pumayag muna kayong dalwa sa gagawin niyo sa pagtatalik.
Tip no. 2 Parating gumamit ng “safe words.”
Kasama sa roguh sex ay ang fantasy na may kasamang restraints at resistance. Kasama rin kadalasan ang pagsasabi ng “Huwag na!” at “Tigil na!”Para malamang ligtas pa rin ang pagtatalik sa kabila nito ay dapat gumagamit ng safe words. Ang safe words ay tumutukoy sa signal na salita para itigil na ang pananakit.
Tip no. 3 Dapat ay pleasurable.
Ginagawa ang kink sa rough sex dahil ito ay nagbibigay ng pleasure. Kung ang pananakit ay ginagawa mo lang para ma-satisfy ang partner hindi na ito tama.
Tip no. 4 Aalalahanin palagi ang kalusugan.
Siguraduhing ang mga bagay na gagawin ay hindi makaaapekto sa kalusugan ninyong dalawa. Maaari kasing ang mga pananakit na ito ay hindi makapagbigay ng pleasure bagkus makapagbigay pa ng long-term damage sa tissue o nerves.
Tip no. 5 Huwag kalimutan ang aftercare.
Ang aftercare ay ang lambingan ng mag-asawa matapos ang pakikipagtalik. Mahalaga ito kahit pa sa normal na pakikipag-sex. Naipapakita kasi nito ang pagmamahal at respeto sa partner. Nababawasan din nito ang anxiety sa pakikipagtalik.
Darating talaga sa ppunto ng mag-asawa na magexxplore silang pareho when it comes to sex. Walang mali sa ganitong paraan ng pagtatalik. Ang dapat lamang na tandaan ay dapat parehong may consent at hindi sapilitan lamang ang gagawin.