Isang good news ang hatid ni Roxanne Barcelo para sa kaniyang mga badidaps! Siya ngayon ay pregnant na sa kaniyang first baby. Inanunsyo niya ito sa kaniyang vlog kasama ang kapatid habang sila ay abalang nagbe-bake.
Mababasa sa artikulong ito:
- Pregnancy annoucement ni Roxanne Barcelo
- 5 early signs ng pregnancy
“I’m preggo!” Roxanne Barcelo, soon to be celebrity mom na!
Noong nakaraang linggo, January 21, naglabas ng vlog ang aktres at singer na si Roxanne Barcelo na may pinagamatang “Baking bad, breaking bread! Brioche bun attempt with the bro.”
Sa video na ito, ipinakita niya ang kanilang bonding ng kapatid habang nagbe-bake ng tinapay. Ngunit hindi lang ito ang kaniyang anunsyo. May good news din siya!
BASAHIN:
Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: “Masyado pang maaga.”
LOOK: Andi Eigenmann, ipinanganak na ang kaniyang baby no. 3!
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
“While those buns are in the oven, there’s another bun in the oven. My bun is in the oven,” panimula ng 36-year-old na aktres.
“Mga Badidap, i wanted to share with you all that I’m preggo!”
Buwan ng March taong 2020 nang unang inanunsyo ng aktres ang kaniyang relationship sa non-showbiz boyfriend nito. At bago matapos ang 2020, masaya nitong inanunsyo na siya ay ikinasal na sa kaniyang asawa. Nananatiling tago pa rin ang pagkakakilanlan nito pati na rin ang ibang detalye sa kaniyang kasal.
Roxanne Barcelo pregnancy announcement | Image from Instagram
“When he said, ‘I want to start a family with you,’ I thought it was the most beautiful plan to have in my life.” pagbabahagi ni Roxanne Barcelo tungkol sa kaniyang asawa.
Sa kabila ng kaniyang natatanggap na mga blessings, hindi naman niya nakalimutang magpasalamat sa kaniyang mga fans sa walang sawang nagbibigay ng suporta sa kaniya.
“I really want to thank all the badidaps out there who have been praying for me and who have really been there for me.” panimula ng aktres. Ayon pa sa kaniya, labis siyang natutuwa kapag nababasa niya ang mga comments para sa kaniya.
“Hopefully, you will pray with me that our baby, me and my husband’s baby, will be happy, healthy, and normal. We are very excited to have this baby.”
Dagdag pa ni Roxanna, kahit na hindi masyado siyang active sa social media, sobra-sobra pa rin ang pasasalamat niya sa kaniyang mga taga suporta.
Roxanne Barcelo pregnancy announcement | Screenshot image from Youtube
5 early signs ng pregnancy
1. Labis na pagkapagod
Maraming mga babae ang nag-aakalang buntis sila kapag lagi silang nakakatulog kapag 3 PM ng hapon. Kung ikaw ay puyat sa gabi, maaaring ito ang dahilan. Subalit kung ikaw naman ay may sapat na pahinga at dinadalaw ka na ng antok bago ang dinner time, maaaring ikaw nga ay buntis.
Payo ng NSW Health, ugaliing matulog ng mga buntis nang nakatagilid para maiwasan ang stillbirth dahil maraming ebidensya na “sleep position can halve the risk of a late-pregnancy stillbirth.”
2. Mood swings
Maraming babae ang nakakaranas ng mood swings sa unang mga araw ng kanilang pagbubuntis. Uulitin natin, ang pagbabago ng level ng hormones ng mga babae ang dahilan nito at natatagpuan na lang ang sarili na umiiyak sa pinapanood na basketball at nagagalit sa cooking show.
Ito ay isang sintomas ng buntis at masasabing normal. Ngunit kung ikaw ay nakakaranas na ng kakaiba, kailangan mo nang magpatingin sa eksperto.
3. Pagiging sensitibo ng nipples
Maraming babae ang nakakaranas ng pagiging sensitibo ang kanilang nipples dahil sa pagtaas ng kanilang hormones, estrogen at progesterone. Sa early pregnancy, ang suso ng babae ay nagsisimulang magkaroon ng extra fat at milk ducts dahilan para lumaki ito at nagiging sensitibo. Ang areolas ay nagiging maitim na nakikita sa unang linggo nito.
Roxanne Barcelo pregnancy announcement | Image from Unsplash
4. Cramps
Ito naman ay mahirap na sintomas. Maaari kasing ito ay pagkamalan na padating na ang iyong period. Ang ibang babae ay nakakaranas ng mahinang cramps sa unang week ng conception. Maaaring ito’y dahil sa implantation, paglaki ng uterus, o kaya naman sa corpus luteum cyst na naglalabas ng progesterone hanggang ang placenta ay umabot ng 12 weeks. Kung ikaw ay nag-aalala, ‘wag mahiyang magpatingin sa eksperto.
5. Pagkahilo
Parte rin ng morning sickness and pagkahilo at pananakit ng ulo. Ngunit kung ikaw ay hindi nakakaranas ng nausea pero pakiramdam mo ay gumagaan ang iyong ulo? Baka ikaw ay buntis na. Ito’y may kaugnayan sa pagtaas ng blood supply at pagbabago ng takbo ng circulatory system nila. Kasama na rito ang pagbaba ng blood sugar bilang early sign ng pregnancy.
Ang pagkain ng kaunti subalit madalas at pagsusuot ng komportableng damit ay isang magandang paraan para mabawasan ang pagkahilo. Kung nakakaramdam ka na ikaw ay mawawalan ng malay, humiga lang at humingi ng tulong medikal.