TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

LOOK: Roxanne Barcelo, ipinakilala na ang kaniyang asawa sa publiko

4 min read
GIFLOOK: Roxanne Barcelo, ipinakilala na ang kaniyang asawa sa publiko

Ayon sa aktres, answered prayer ang pagdating ng mister sa buhay niya.

Roxanne Barcelo introduces husband Jiggs and says he’s worth the wait.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Roxanne Barcelo finally shows face of her husband.
  • Roxanne Barcelo and husband Jiggs love story

Actress Roxanne Barcelo and husband Jiggs

Kahapon ay ipinakilala at ipinakita na ng aktres at singer na si Roxanne Barcelo ang mister niya sa publiko. Ito ay ginawa ni Roxanne sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account na kung saan nagbahagi ng mensahe ang aktres para sa kaniyang mister.

Roxanne Barcelo and husband with baby Cinco

Image from Roxanne Barcelo’s Instagram account

Sa caption ng kaniyang Instagram post ay sinabi ni Roxanne na isang honor ang maging misis ng mister niyang nagngangalang Jiggs. Ang pagdating umano nito sa buhay niya ay ang katuparan ng pinagdasal niya.

Worth it daw ang ginawa niyang paghihintay sa pagdating nito. Pinasalamatan niya rin ito sa pag-aalaga at pagmamahal na ibinigay nito sa kaniya at sa anak nilang si baby Cinco.

“When I prayed for happiness, the heavens blessed me with true joy and love. You are worth the wait.”

“It is my honor and privilege to be your wife, Jiggs. I am forever grateful for the day you asked me to start a family with you. Thank you for your unconditional love. I love and adore you and @dababycinco with all that I am.”

Ito ang nasabi ni Roxanne sa mister na unang beses niyang ipinakita ang mukha sa publiko.

Roxanne Barcelo and husband love story

 
View this post on Instagram
  A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo)

Disyembre 25, araw ng Pasko noong nakaraang taon ng ipinaalam ni Roxanne sa publiko na siya ay ikinasal na. Ito ay ginawa ng aktres sa pamamagitan ng pagbabahagi ng aktres na larawan niya at kaniyang mister sa kanilang kasal.

Ngunit sa larawan ay nakatalikod sa camera ang mister niya at hindi nakikita ang mukha. Sa caption ng post ni Roxanne ay sinabi niyang ito daw ang best gift na ibinigay sa kaniya ng Diyos.

“My Creator’s best gift ever,” sabi ni Roxanne.

Nitong Nobyembre, sa kanilang 2nd wedding anniversary ay bahagyang ipinasilip ni Roxanne ang mukha ng mister. Habang karga nito ang anak nilang si Baby Cinco na ipinanganak ng aktres nito lamang Hunyo.

Muli sa kaniyang IG post ay may very sweet na mensahe si Roxanne sa mister.

“Happy Anniversary, aking Mahal. Thank you for the best two years of my life. You are so worth the wait. Wǒ ài nǐ.????”

Ito ang sabi ni Roxanne.

BASAHIN:

LOOK! Nanganak na ang actress na si Roxanne Barcelo

Rica Peralejo: “Sa dami ng saya at issues ng isang pamilya, talagang dapat one is enough na pala.”

Iwa Moto on step-son Thirdy: “Mula bata siya tuwing may injection, lagi niyang hinahawakan ang kamay ko”

Roxanne Barcelo and husband with baby Cinco

Image from Roxanne Barcelo’s Instagram account

Samantala, sa isang panayam sa programang Magandang Buhay ay ikinuwento ni Roxanne kung paano niya nakilala ang mister na si Jiggs.

Kuwento niya, dumating daw ito sa kaniyang buhay noong mga panahong nais niya na muna sanang tumigil sa pakikipagrelasyon. Ito ay matapos ang traumatic breakup nila ng boyfriend for 4 years niyang si Will Devaughn noong 2017.

“Sobrang iba sa lahat ng pinagdaanan ko. I never felt this much joy, this much contentment. Sigruo ngayon nahihiya ako na i-share ng i-share pero I want to enjoy and share this hope kasi alam naman ng ibang tao ang pinagdaanan ko especially the year before I met my husband.”

Nang dumating umano sa buhay niya ang mister na si Jiggs ay marami ang nagbago. At nakaramdam siya ng contentment at saya na hindi niya pa noon nadama.

“I was able to rediscover happiness in a different way. I am a so amazed on how our creator works in mysterious ways.

Kung kelan hindi ko na iniiisip, kung kelan sabi ko ayoko na munang ma-inlove, I will just focus on myself that’s the time I met him.”

Ito ang kuwento pa ni Roxanne tungkol sa mister na si Jiggs sa nasabing panayam.

Roxanne Barcelo and husband

Image from Roxanne Barcelo’s Instagram account

Mas minabuti ni Roxanne na hindi agad na ipakilala ang mister sa publiko dahil sa pagnanais na manatiling pribado ang buhay nila.

Pero sa kasiyahan ngayon na nadarama lalo pa’t sila ay may anak na ay hindi na napigilan pa ng aktres na ipakita sa buong mundo ang masaya niyang buhay sa ngayon.

Sa mga post ni Roxanne tungkol sa kaniyang mister at anak ay hindi nawawala ang panda icon. Ito ay dahil ayon kay Roxanne, ang panda ay may mahalagang papel sa relasyon nilang mag-asawa.

Dahil para ipakita sa kaniya ng mister ang kagustuhan nitong bumuo ng pamilya kasama siya ay ibinigay daw nito sa kaniya ang isang panda doll na pinagmamay-ari nito mula noong siya ay bata pa.

 

Source:

Instagram

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • LOOK: Roxanne Barcelo, ipinakilala na ang kaniyang asawa sa publiko
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko