Roxanne Guinoo on long lasting marriage, respeto umano ang sikreto.
Mababasa dito ang sumusunod:
Roxanne Guinoo on long-lasting marriage
Sa isang panayam ay ibinahagi ng aktres na si Roxanne Guinoo ang sikreto sa kaniyang long lasting marriage. Si Roxanne ay higit sa 12 years ng kasal sa mister niyang si Elton Yap. Nang matanong nga kung ano ang sikreto ng pagsasama nila, ay ito ang nasagot ni Roxanne.
“It really takes two to tango. Ang laging sinasabi ng tatay ko, dapat laging nandun ang respeto. Kasi kung walang respeto, mawawala ang pagmamahal saka ang tiwala.”
Ito ang sabi ni Roxanne.
Larawan mula sa Instagram account ni Roxanne Guinoo
Mahalaga rin sa mag-asawa na laging pahalagahan ang isa’t-isa. Dahil darating ang panahon umano na magkakaroon rin ng sariling pamilya ang mga anak nila at silang dalawa nalang ding ang maiiwang magkasama. Kaya naman mas mabuting mapanatili ang respeto at pagmamahal sa isa’t-isa.
Aktres sa pag-focus sa pamilya
Proud ding ibinahagi ni Roxanne kung paano siya nag-focus sa kaniyang pamilya at mga anak. Wala daw siyang pinagsisihan dito, kahit kapalit pa nito noon ay ang career niya sa pag-aartista.
“Ayokong mamiss yung time na maguguide ko sila, yung formative years very important di ba. Yung zero to 10 nandyan ka, kasi pag nandyan na yung ugali at wala ka. Yung presence mo, hindi mo na mabrebreak yan.”
Ito ang pagbabahagi pa ni Roxanne tungkol sa pagiging ina sa mga anak niya.
Larawan mula sa Instagram account ni Roxanne Guinoo
Malaking tulong nga rin daw sa pagtupad ng tungkulin niya bilang ina sa mga anak ang suportang nakukuha niya mula sa kaniyang mister. Isang bagay na pinagdasal niya daw sa Diyos. At malaking pasalamat niya na ito naman ay ipinagkaloob sa kaniya.
“Pinagdasal ko yun na sana “Lord, bigay mo naman sakin yung right person. Kapag ito na-meet ko ‘tong taong ito, siya na talaga yung makakasama ko habang-buhay.”
Ito ang pag-aala pa ng aktres.
Si Roxanne ay ikinasal sa mister niyang si Elton Yap noong 2011. Sila ngayon ay may tatlong anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!