X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

13 sanggol at batang lalaki, naging biktima ng panggagahasa

3 min read
13 sanggol at batang lalaki, naging biktima ng panggagahasa13 sanggol at batang lalaki, naging biktima ng panggagahasa

Nahuli na raw sa Australia ang rapist na si Ruecha Tokputza, na ayon sa mga ulat ay nanggahasa ng 13 na sanggol at batang lalaki

Isang notorious na pedophile at rapist ang nahuli ng mga awtoridad sa Australia. Ayon sa mga report, ang suspek na si Ruecha Tokputza, ay di umano'y nambiktima ng 13 na sanggol at batang lalaki, at kumuha pa ng video ng kaniyang mga ginawa sa mga bata.

Ito na raw ang isa sa pinakamatinding kaso na hinarap ng korte sa Australia.

Ruecha Tokputza, notorious na pedophile, nahuli ng mga pulis

Ang suspek na si Tokputza ay di umano'y guilty sa 51 na kaso ng pang-aabuso sa 13 na sanggol at batang lalaki sa loob lang ng 6 na taon. Di umano'y nagpupunta raw sa iba't-ibang bansa ang suspek upang doon maghanap ng mga batang mabibiktima. Isa siya sa mga "sex tourist" na pilit na pinipigilan ng mga awtoridad sa buong mundo.

Dagdag pa ng mga awtoridad, kinkuhanan raw niya ng video ang kaniyang mga malalaswang gawain. Binansagan pa siyang "worst pedophile" sa kasaysayan ng Australia dahil sa mga ginawa.

Bukod dito, hindi man lang raw nagpakita ng pagsisisi ang suspek sa kaniyang mga ginawa. Napag-alaman rin na niloko raw ng suspek ang mga bata upang magawa ang kaniyang mga krimen.

Wala pang balita tungkol sa desisyon ng korte tungkol sa kaniyang kaso, ngunit siguradong maikukulong ang suspect dahil siya ay umamin na guilty sa mga ginawang krimen. Posible rin siyang humarap sa mahigit 35 na taon sa kulungan.

Nahuli ang suspek dahil sa pagtutulungan ng Australian Federal Police, SA Police, NSW Police at ng Interpol.

Paano mapoprotektahan ang mga bata sa pang-aabuso?

Heto ang ilang mga tips na dapat tandaan ng mga magulang pagdating sa pagprotekta sa kanilang mga anak:

  • Huwag iwanan ang iyong anak na mag-isa sa inyong bahay o sasakyan.
  • Pumili ng mapagkakatiwalaang taong mag-aalaga at titingin sa anak sa oras na wala kayong mga magulang niya.
  • Iwasang pagsuotin ang anak ng mga damit na may pangalan niya lalo na sa labas ng bahay. Madalas na nakukuha ang tiwala ng bata ng mga taong alam ang pangalan niya.
  • Paalalahanan ang iyong anak na huwag basta sasama sa kung sino kahit na kilala o malapit pa sa kaniya ng hindi nagpapaalam sa iyo.
  • Paalalahanan rin siya na huwag makikipag-usap o tatanggap ng kahit anong bagay mula sa isang tao na hindi niya kilala gaya ng candy, lollipop o kahit anong regalo.
  • Mahigpit na ibilin sa kaniya na huwag basta sasama sa hindi kilalang tao kahit na ba nagpapatulong o nangangako ito na may magandang ibibigay sa kaniyang kapalit.
  • Turuan siyang magsabi ng salitang “no” o “hindi” kapag may ginagawa o pinapagawa sa kaniya na hindi siya komportable. Turuan din siyang tumakbo sa oras na may nagpilit sa kaniyang sumama.
  • Paalalahanan siya na laging magsabi sayo sa tuwing may taong nagtanong sa kaniya ng mga personal na impormasyon o kaya naman ay may ipinangako sa kaniya.
  • Lagi ring ipaalala sa kaniya na magpaalam sa iyo sa tuwing may lugar siyang pupuntahan o bagay na gusto siyang gawin.
  • Siguraduhin ding ipakabisado sa anak ang buong pangalan niya, address, pangalan ninyo na kaniyang magulang pati narin ang mga contact number na pwedeng tawagan sa oras na magkaemergency.

 

Source: Daily Mail

Basahin: Pregnant woman bites penis of the rapist who assaulted her

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 13 sanggol at batang lalaki, naging biktima ng panggagahasa
Share:
  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • 4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki

    4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

app info
get app banner
  • 3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

    3-taong gulang na bata, ginahasa ng 40-taong gulang na security guard

  • 4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki

    4 paraan para maturuan na maging mas responsable ang mga batang lalaki

  • REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

    REAL STORIES: "41 weeks na, ayaw pa rin lumabas ni baby—lahat na ginawa ko"

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.