Nagbigay si Ruffa Gutierrez ng hint sa kaniyang Instagram post tungkol sa pagkikita nina Lorin at Venice, at ang kaniyang ex-husband at tatay ng dalawa na si Yilmaz Bektas.
Mga maaari mong mabasa sa artikulo na ito:
- Ruffa Gutierrez nag-post tungkol sa ‘beautiful’ reunion
- Mga natutunan ni Ruffa Gutierrez sa pagiging ina
Ruffa Gutierrez nag-post tungkol sa ‘beautiful reunion’
Nakarelasyon noon ni Ruffa Gutierrez ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas, na ngayon ay ex-husband na niya. Dati silang ikinasal noong 2003 ngunit naghiwalay rin matapos ang ilang taon.
Sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez, makikita ang kaniyang post kung saan naroon ang mga litrato ng kaniyang mga anak na sina Loren at Venice. Sa video na ito, ipinakita ang mga baby pictures hanggang sa unti-unting paglaki nina Venice at Lorin.
Bukod pa sa mga litrato ng dalawa, makikita rin si Ruffa Gutierrez at kaniyang ex-husband.
Ayon sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez, matapos ang 15 years ay magkakaroon na ng isang magandang reunion na magaganap sa Istanbul.
“After 15 long years apart, a beautiful reunion will finally take place in Istanbul this weekend. #TogetherAgain”
Sa isa pang post ni Ruffa, pinakita niya ang kaniyang paghatid kina Lorin at Venice sa airport para magtungong Turkey. Ibig sabihin ay kumpirmadong magkakasama na muli si Yilmaz at kaniyang mga anak.
“The girls are super looking forward to reuniting with their Baba and Turkish loved ones after more than a decade. My cuties, have a meaningful, memorable and fun trip!”
View this post on Instagram
Ang post rin na ito sa Instagram ni Ruffa Gutierrez ay nakakuha ng mga komento mula sa kaniyang mga follower. Ang mga komento ay nagpapakita ng kanilang suporta para sa reunion at desisyong ito ni Ruffa Gutierrez.
Ana Roces: This is great news
Tim Yap: Soooo happy!!! Told you this should happen
Pinaulanan din ng mga netizens ng puso ang comment section ang naturang post ni Ruffa Gutierrez.
Ex-husband ni Ruffa Gutierrez, matagal hindi nakausap ang kaniyang mga anak
Sa YouTube vlog ni Ogie Diaz kasama si Ruffa, tinanong ang dating beauty queen tungkol sa relasyon nina Lorin at Venice kay Yilmaz. Wika ni Ruffa, sa matagal na panahon ay walang komunikasyon ang anak sa kaniyang ex-husband.
“For the longest time wala silang communication and it was only itong Holy Week when the sister of Yilmaz reached out to me and said Yilmaz had a dream about Venice.”
Matapos nito ay kinausap ni Ruffa ang anak at hiningi naman ng anak ang number ng kaniyang papa.
Kuwento pa ni Ruffa, dati kasi ay hindi niya ibinibigay ang number at lahat ay dumaraan sa kaniya dahil daw sa mga bata pa ang kaniyang mga anak. Dagdag pa niya, nang ibinigay niya ang number at habang nag-uusap ang mag-ama ay nag-iiyakan daw ang mga ito.
Ayon pa kay Ruffa, tingin niya ay naroon pa rin ang sakit sa kaniyang mga anak na lumaki ang mga ito ng wala ang kanilang daddy. Lahad pa ni Ruffa, tingin niya ay naroon sa puso ng kaniyang mga anak ang sakit na pakiramdam nila ay inabandona sila.
“I hope one day magkita sila, magkausap sila and he can be a father to the kids.”
BASAHIN:
Ruffa Gutierrez malapit ng mag-graduate ng college at 47 years old: “It’s never too late!”
Lara Quigaman dismayado sa mga taong naghihintay na magkahiwalay sila ni Marco Alcaraz
LOOK: Aubrey Miles at Troy Montero, ikinasal na makalipas ang 18-year relationship!
Mga natutunan ni Ruffa Gutierrez sa pagiging ina
Naitanong din kay Ruffa kung ano ang nabago sa kaniya mula siya ay maging ina. Marami raw ang nagbago at ang priority na raw niya ay ang kaniyang mga anak.
“For me, it’s not about myself. I really focus on my kids first, sila ang priority ko. Sila ang importante para sa akin, and kung makita ko silang successful in life, magiging happy na rin ako. I’ll feel like a fulfilled woman.”
“I feel that I’m a very generous person in terms of dedicating my time, my energy, my loyalty to the people that I love. So why can’t I dedicate all that time for my kids?”
Para rin kay Ruffa Gutierrez, ang pinakamahirap na bahagi ng pagiging ina ay ang pagiging teenagers ng mga anak. Kung kaya marapat na i-enjoy ang mga mahahalagang sandali na bata pa ang mga ito.
Ika niya, dahil kapag tumuntong na ang mga bata sa kanilang pagiging teenagers o pre-teens ay nagbibigay na ito ng sakit ng ulo.
“Teenagers always worry mothers, I think.”
Pahayag pa niya, dahil din daw ito ang panahon kung saan nagi-explore ang mga bata at sumusubok ng iba’t ibang bagay.
“So I think the hardest part of being a mother is being a single mom because I have to be a good cop and a bad cop.”
Pero kahit na ganoon ay nagawa pa rin daw ito ni Ruffa kung kaya nagpapasalamat siya sa suporta ng kaniyang pamilya. Na-realize din ni Ruffa na hindi dapat masyadong higpitan ang kaniyang mga anak.
“If you set them free, they’ll keep coming back. Lalo mong hinihigpitan, lalo silang magrerebelde. Mahigpit ako, but I also let them explore and be independent.”