X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Ruffa Gutierrez pumalag sa rumor na siya'y buntis: "I am not pregnant with twins"

4 min read
Ruffa Gutierrez pumalag sa rumor na siya'y buntis: "I am not pregnant with twins"

Mariing pinabulaanan ni Ruffa Gutierrez ang nagsulputan na usap-usapan na siya raw ay buntis.

Sinagot na ni Ruffa Gutierrez ang mga usap-usapan sa social media na siya raw ay pregnant.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ruffa Gutierrez hindi totoong pregnant
  • Relationship history ni Ruffa
  • Ruffa Gutierrez malapit nang maka-graduate

Ruffa Gutierrez hindi totoong pregnant

Kinontra ni Ruffa Gutierrez ang mga rumor na siya raw ay buntis sa magkambal. Ito’y matapos kumalat sa social media ang rumor na siya raw ay magkakaroon ng panibagong baby.

Sa Instagram post ni Ruffa, binahagi nito ang ilang screenshot ng tungkol sa umano’y pagbubuntis nito. Dinamay pa sa mga fake news ang dating Quezon City mayor na si Herbert Bautista.

Karamihan sa mga rumor na siya raw ay preggy ay nanggaling sa mga account sa YouTube.

Paglilinaw ni Ruffa Gutierrez, hindi totoo ang rumor na siya’y pregnant. Klinaro din niya na hindi pa siya ulit nagpapakasal at hindi rin siya nakunan.

Isa pa sa sinagot ni Ruffa ay ang rumor na may boyfriend na raw siya. Ayon sa dating beauty queen, wala pa siyang inaamin na siya ay may nobyo.

ruffa gutierrez pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

 

Heto ang parte ng pahayag ni Ruffa tungkol sa naturang rumor:

“Good afternoon to the Titas and Titos who have made me a favorite topic at parties and dinner tables. After the 75th call from a Marites, let me set the record straight, I am not pregnant with twins I never got married, I did not have a miscarriage, I did not admit to having a boyfriend.”

Ilang mga kaibigan naman ni Ruffa sa showbiz industry ang hindi makapaniwala sa fake news. Isa sa napa-react ay si Vina Morales na nagbiro kung magiging ninang na raw ba siya ulit.

“Hahaha am I gonna be a ninang again hahaha”

Napa-comment din sa naturang post ni Ruffa sina Donita Rose, Sarah Lahbati, at kanyang kapatid na si Raymond Gutierrez.

ruffa gutierrez pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

BASAHIN:

Ruffa Gutierrez’s funny comment sa sexy photo ng anak na si Lorin: “Nag-shorts ka pa!”

Nadine Lustre pumalag sa intriga: How TH I’m pregnant every year

LOOK: Pregnant or not, Iya Villania tuloy sa pag-woworkout!

Relationship history ni Ruffa

Noong Pebrero ay inalala ni Ruffa ang kanilang pumalyang pag-iibigan sa kanyang dating mister na si Yilmaz Bektas. Sa isang Instagram post ay sinabi ni Ruffa na wala siyang pinagsisihan sa nangyari sa kanyang love life.

“What a bittersweet journey it has been. I now realize that not everyone is going to stay forever but I still have to keep on going and thank them for the life lessons that made me the woman I am today.”

“No regrets, just love.”

Matatandaan na noong 2003 ay nagsimula ang love story nina Ruffa at Yilmas. Dalawang beses pang ikinasal ang dating mag-asawa. Ginanap ito sa Manila, sumunod ay sa Turkey. Ito’y para naman sa pamilya at mga kaibigan ni Yilmaz.

Taong 2007 ay bumalik sa Pilipinas si Ruffa matapos ang kanilang pagsasama ni Yilmaz. Ikinuwento noon ng aktres na sinasaktan umano siya ng kanyang dating mister at tinatakpan niya lang ang mga pasa at marka ng make-up.

2012 naman noong tuluyang ma-annul ang kasal ng dalawa. Ito’y matapos aminin ni Ruffa na natatakot na siya kay kay Yilmaz at tuluyan nang nakipaghiwalay sa negosyante mula sa Turkey.

Happy naman si Ruffa sa piling ng kanyang mga anak na sina Lorin at Venice. Pareho itong nasa pangangalaga niya.

Sa ngayon, nadidikit ang pangalan ni Ruffa kay Herbert. Ngunit wala pang pag-amin ang dalawa kung sila ba ay in a relationship na.

Sa mga nakaraang post ni Ruffa, sinabi niya na “#1” umano sa kanyang puso si Herbert.

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Sa nakaraang panayam kay Ruffa sa ‘Magandang Buhay’, nilarawan naman niya ang relasyon niya kay Herbert bilang “platonic”.

Nang matanong din si Ruffa tungkol sa kanyang special someone, sinabi niya na masaya siyang private ang kanilang relationship.

“Alam mo, a happy life is a private life or a private life is a happy life.”

ruffa gutierrez pregnant

Larawan mula sa Instagram account ni Ruffa Gutierrez

Ruffa Gutierrez malapit nang maka-graduate

Samantala, sa kabila ng kanyang busy na showbiz career ay hindi natinag si Ruffa Gutierrez. Ito’y matapos niyang ianunsyo na makakapagtapos na siya ng kolehiyo!

Sa noontime show na ‘It’s Showtime’ nabanggit ni Ruffa ang nalalapit na panibagong accomplishment sa kanyang buhay. Ayon sa dating beauty queen, sa July ay matatapos na niya ang kanyang kinukuhang kursong Bachelor of Arts in Communications Arts.

Nagsimulang magtrabaho sa showbiz si Ruffa noong siya’y 13 years old pa lamang. Kaya naman hindi muna niya natutukan ang kanyang pag-aaral. Nag-focus siya sa kanyang career bilang aktres at modelo.

Pero ngayong edad 47 na ito ay makukuha na niya ang matagal nang minimithi na college diploma.

Mensahe ni Ruffa sa mga katulad niyang gustong makapagtapos, “You’re never too old to chase your dreams.”

Instagram, YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ray Mark Patriarca

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Ruffa Gutierrez pumalag sa rumor na siya'y buntis: "I am not pregnant with twins"
Share:
  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

    Gay Kid Steals the Show at Sagayla, Thanks to His Proud Rap Artist Dad

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko