Sa patuloy na paglawak ng Internet at mga smartphones, hindi imposibleng makisabay ang lahat sa mga makabagong teknolohiyang ito. Ngunit mayroon ding mga negatibong epekto ng paggamit ng cellphone sa malawak na digital world na mayroon tayo ngayon.
Sadyang imposible raw na ihiwalay ang digital world sa iyong relasyon—minsa’y ito pa nga ay nagiging parang third party sa inyong karelasyon. Talaga nga naman na ang paggamit ng cellphone at laptop sa makabagong mundo ngayon ay mayroong negatibong epekto sa inyong pagsasama ng inyong partner na hindi niyo napagtatanto.
Ito ang apat na paraan upang ang digital na part ng inyong relasyon ay healthy.
Paano makakaiwas sa masamang epekto ng paggamit ng cellphone?
1. Humiwalay paminsan-minsan sa inyong mga cellphone
Hindi naman masama na humiwalay sa inyong mga cellphone paminsan-minsan at magpahinga sa digital world kahit isang araw lamang. Malaking tulong ito kahit papaano sa inyong love life lalo na kung ang atensyon niyo lamang ay sa isa’t-isa.
Ayon sa isang pag-aaral noong 2017 sa isang mag-asawa, nalaman na ang phubbing sa iyong asawa ay nagiging sanhi ng depresyon ng isa at hindi magandang relationship satisfaction. Ang “phubbing” ay isang paraan na pangii-snob sa tao na pisikal mong kasama ngunit ‘di mo pinapansin dahil sa paggamit ng iyong cellphone.
Mayroon ding isang pag-aaral na lumabas sa isang journal Psychology of Popular Media Culture na kapag dependent ka raw sa iyong smartphone kahit na hindi mo naman talaga siya ginagamit ay sanhi rin daw ito di-umano sa mababang relationship satisfaction. Kahit yung feeling na kailangan kadikit mo lagi ang iyong telepono ay related daw ito sa kalungkutan at distraction.
Ayon din sa pag-aaral na ang palaging pagamit daw ng teknolohiyang ito (tulad ng pagsagot sa work emails) ay maari ring magkaroon ng epekto sa mental health ng nage-email at kasiyahan di-umano ng significant other nito.
Kung kaya’t ipinayo ni Robert Weiss, isang California-based psychotherapist at digital intimacy relationship expert, kung gagamitan daw ng stratehiya ang paggamit ng cellphone maaaring ipagtibay pa ito ang inyong relasyon. Tulad na nga lang di-umano ng paglalaro ng mga app-based games kasama ang iyong partner o di kaya nama’y “sexting,” upang mapanatili ring exciting ang inyong pisikal na relasyon. “Play in the digital world, but play with your partner,” sambit ni Weiss.
2. Mag-post ng maayos sa social media
Ayon muli sa pag-aaral na inilathala ng Psychology of Popular Media Culture ang “excessive” social media PDA di-umano ay nauugnay sa lower levels ng relationship satisfaction.
Ngunit hindi naman lahat ng couple-based social media activity ay masama. Sa isang pag-aaral noong 2013, nalaman na ang pagpo-post ng content na may pagsasang-ayon o pagkakaisa ng magasawa, tulad na nga lamang sa Facebook profile picture, maaring epekto nito ay ang karagdagang pagiging malapit ng bawat isa at syempre ng kanila relationship satisfaction din.
Ang susi lamang ay nasa pareho kayong pahina ng iyong partner, sambit nga ni Weiss, “You’ve got to understand what to put where. Don’t set your partner up to be embarrassed. Take a social media inventory with your partner and say to them, ‘What’s important to you? Is it important to you that a picture of us goes up?’” At ayon, mag-post ng naaayon.
3. Mag-set ng expectation pagdating sa pagte-text
May mga ibang magasawa na gusto lagi silang nagu-update, may iba naman na hindi naman kailangan lagi. Sabi ni Weiss pareho lang naman daw ayos yun, as long as nasa pareho silang pahina.
“It’s very much up to the couple, and what works for them,” giit niya. “But your commitments are important, and you should follow them. If you say you’re going to be in touch once a day, you should do it.” Huwag na huwag makaka-miss ng mga importanteng okasyon. “You have 15 calendars,” lahad niya. “There is no reason, in the digital age, to miss an anniversary or a birthday.”
Hindi naman dapat masyado mag-dwell sa pagte-text, lalo na kung hindi nakasagot ang isa agad sa text, malay mo busy lang ang tao kaya di siya nakasagot agad sa text mo. Pero syempre maganda kung paminsan-minsan ay mag-text ka ng isang magandang message na maaaring makapagpasaya sa iyong partner o di kaya naman para mawala ang stress nito sa trabaho. “You have no idea how meaningful it can be when they’re stressed out to hear from someone they love. It takes so little; it doesn’t have to be deep,” pahayag ni Weiss.
4. Mag-ingat sa micro-cheating
Ang micro-cheating ay isang pag-uugali o isang paraan ng paglalandi na may kasamang pagtataksil. Ang mga aksyon na ganito ay mahirap tukuyin sapagkat maraming paraan kung paano nila ito nagagawa—at ang digital communication na talamak ngayon ang marahil isa sa sumisira talaga ngayon ng isang relasyon. “Boundaries can be much more easily crossed digitally than in the IRL world,” lahad ni Weiss.
Ang pinakamagandang gawin ay open communication at shared understanding kung ano ang acceptable na gawin sa online world, tulad ng pagme-message sa isang ex o di kaya naman sa panonood ng porn. Sabi nga ni Weiss, “Gaining your partner’s trust by helping them understand that you’re not going to do anything online that would make them uncomfortable without them knowing is the most important thing you can do. Within the boundaries of what that couple has agreed to, they need to run their decision-making and their interests by each other.”
Kung napansin mong sadya kang gumagawa ng pagtataksil online o di kaya naman feeling mo hindi na maganda ang ginagawa mong online activity, red flag na ‘yon.
“It’s more than any particular digital experience. It’s secrecy that breaks couples up,” dagdag pa ni Weiss.
Source: TIME
Basahin: 5 Ways to have your husband spend time on you… and not on social media
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!