Hindi mo aakalain na dahil sa hilig ng panonood ng mga video sa YouTube ay sisikat ang isang 6-year-old na bata. Kaya’t nakakatuwa ang kwento ni Ryan, na host ng Ryan ToysReview, dahil sa mura niyang edad, kumikita na siya ng humigit-kumulang na $11 million kada taon!
Ang kwento sa likod ng Ryan ToysReview
Nagsimula ang lahat noong 4 na taong gulang pa lamang si Ryan. Mahilig siyang manood ng mga toy review sa YouTube, at isang araw, tinanong niya ang kaniyang mga magulang kung pwede bang gumawa rin siya ng videos.
Naging mabagal ang simula para sa kanilang YouTube channel. Pero dahil sa isang video na naging viral, na kasalukuyang mayroong 900 million views, nagsimulang lumago ang Ryan ToysReview.
Dahil dito, nagtuloy-tuloy na ang success ng kanilang YouTube channel. Naging mas maganda na ang quality ng videos, at hindi lang mga laruan ang kanilang nire-review. Sumasama na rin ang mga magulang ni Ryan sa video at nakikipaglaro sa kanilang anak.
Madaling makita ang appeal ni Ryan sa mga bata. Ito ay dahil siya rin ay batang mahilig sa laruan, at infectious ang tuwang kaniyang nararamdaman habang naglalaro.
Kaya’t hindi nakapagtataka na malayo na ang narating ng kanilang YouTube channel.
Kumikita sila ng $1 million sa isang buwan!
Kasalukuyang may 15 million na followers sa YouTube ang kanilang channel. Dahil dito, kumikita sila ng mahigit $1 million kada buwan mula sa advertising.
Habang tumatagal, ay siguradong lalo lang lalaki ang kanilang YouTube channel. Hindi na rin kami magugulat kung balang araw, si Ryan na ang maging pinakasikat na YouTuber paglaki niya!
Source: Insider
Basahin: 5 Lessons parents and children can learn from Kid YouTubers
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!