Ryza Cenon son na si Night 3 years old na! Tingnan dito ang inihandang birthday party ni Ryza para sa anak.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Ryza Cenon son Night’s third birthday.
- Pinapagawang bahay ni Ryza malapit ng matapos.
Ryza Cenon son Night’s third birthday
Ryza Cenon ipinagdiwang ang 3rd birthday ng anak na si Night nitong October 31. Ang aktres binati ang kaniyang anak sa pamamagitan ng isang Instagram post na kung saan ibinahagi niya ang larawan nito noong isang taong gulang palang at ngayong tatlong taong gulang na. Ayon sa aktres, sadyang napakabilis ng panahon.
“Happy 3rd Birthday, Night!!!!! Nakakaiyak ang bilis!! Parang kailan lang nag pictorial tayo para sa first birthday mo. Ngayon 3 years old ka na.. haaay… anak, lagi mong tatandaan love na love ka namin ni Dada @miguel.antonio.cruz ❤️ Andito lang kami para sayo. 🥰 Enjoy your day! I love you anak @iamnightcruz 🎂🥳.”
Ito ang mensahe ni Ryza para sa anak niyang si Night sa 3rd birthday nito.
Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon
Pinapagawang bahay ni Ryza malapit ng matapos
Sa Instagram ay ibinahagi rin ng aktres na malapit ng matapos ang bahay na pinapagawa niya para sa kanilang pamilya. Base sa huling post ni Ryza tungkol sa kaniyang dream house ay kinakabitan na ito ng tiles at wall accent.
Taong 2021 ng ibahagi ni Ryza ang pagbili nila ng lupa ng partner niyang filmmaker na si Miguel Antonio Cruz. Mula noon ay sinundan na ng mga fans ng aktres ang development ng kanilang dream house.
Larawan mula sa Instagram account ni Ryza Cenon
Samantala, sa isang panayam ay minsan ng sinabi ni Ryza na hindi pa sila ready magpakasal ni Miguel. Mas gusto nila daw muna mag-focus sa pinapagawa nilang bahay at sa future ng anak nilang si Night. Mas gusto rin daw nilang patibayin pa muna ang kanilang pagsasama bago pa tuluyang maikasal sa isa’t-isa.
“Hindi po namin yan priority. Kasi, for me po, naniniwala ako na kailangan muna namin magtayo ng foundation sa relationship namin, sa family namin, para mas tumibay po kesa yung bigla-bigla na lang kami magdesisyon na magpakasal, tapos ending, maghiwalay din. Mas okey po na magbuo muna kami ng foundation para hindi siya agad mabuwag.”
Ito ang sabi pa ni Ryza.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!