X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Sa Init ng Panahon, Gaano Ba Kadalas Dapat Maligo ang Bata?

4 min read
Sa Init ng Panahon, Gaano Ba Kadalas Dapat Maligo ang Bata?

Sa ganitong klaseng panahon, gaano dapat kadalas maligo ang bata? Sapat na ba ang isang beses sa isang araw?

Summer na naman, mga mommy. Grabe na ang init sa labas. At bagama’t ayaw natin silang naiinitan, bilang bata, hindi natin maiiwasan na pagpapawisan sila. Ang dating amoy-baby na pinanggigigilan natin, nagiging amoy-araw at amoy pawis na.

Sa ganitong klaseng panahon, ano ba ang pwede nating gawin para maiwasan ang pagbaho ng ating mga anak? Ang pinakamadaling solusyon diyan ay ang pagligo araw-araw. Pero sa tindi ng init at pawis, sapat na ba ang pagligo ng isang beses sa isang araw?

Sa nagdaang launch ng Johnson’s Baby Milk Moisturizing Shampoo sa BGC, tinanong namin si Dr. Ruth Alejandro, isang pediatrician mula sa Makati Medical Center kung ilang beses ba dapat maligo ang mga bata, at iba pang katanungang may kinalaman rito.

Gaano Kadalas Dapat Maligo ang Bata?

Ayon kay Doc Ruth, depende sa edad at activities ng bata kung gaano mo siya dapat paliguan.

“Babies are really supposed to take a bath every day. Babies less than one (year old). But because toddlers are more active, they’re always running, pawisin na, I think toddlers, it would be more appropriate to bathe them twice a day,” aniya. Ganito rin ang kaso sa mga batang pumapasok na sa paaralan at mas marami nang ginagawa kaya mas pinapawisan sa buong araw.

Tinanong rin namin si doc, anong oras ba dapat paliguan ang bata?

“One in the morning, maybe one around 6 to 7 p.m., not too late also in the night,” ayon sa eksperto.

Siyempre, gusto nating laging presko ang ating mga anak bago sila matulog, kaya naman kadalasan ay pinaliliguan talaga natin sila sa gabi. Pero, ayos lang kaya na makatulog sila na basa ang kanilang buhok?

“Actually pamahiin ‘yon, but there’s no scientific basis na hindi pwede maligo ng basa yung hair. Pwede, pero syempre, (hindi rin recommended) for hygiene because if it’s moist, diba, mas prone naman to bacterial growth. And that’s the reason why we want the hair to be dry before going to bed,” aniya.

Sa Init ng Panahon, Gaano Ba Kadalas Dapat Maligo ang Bata?

Image Source: iStock

Anong Shampoo ang Dapat Gamitin?

Advertisement

Napag-alaman rin namin sa eksperto na kung sa ating matatanda, ang unang pinagpapawisan ay ang ating mga singit, para sa mga bata, ang mas pawisin ay ang kanilang mga ulo at bunbunan. Kaya naman napakahalaga na gumamit ng tamang produkto para linisin ang ulo at buhok ni baby. Pero pwedeng bang gumamit ng kahit anong shampoo lang? Pwede rin bang baby wash na rin ang ilagay sa ulo ng bata?

“It’s advisable to use an age-appropriate shampoo because different stages of childhood also have different milestones, different physical characteristics. For example, 1 to 3 years old, they’re very active, takbo ng takbo, they start getting sweaty and smelly, so a single product for the hair and the body is not enough anymore,” ayon kay Doc Ruth.

“That’s why we need a shampoo at this stage that is still mild enough to cleanse the sensitive scalp of the toddler, but at the same time, has vitamins and proteins to nourish the growth of the hair and also the scalp,” dagdag pa niya.

Kung naghahanap ka ng shampoo tutulong para makaiwas sa amoy-asim ang iyong active toddler, mayroong produkto na subok na epektibo, banayad sa balat ni baby at nirerekomenda ng tatlong eksperto pagdating sa kalusugan ng bata –  ang bagong Milk Moisturizing Shampoo ng Johnson’s baby.

“Johnson’s Baby Milk Moisturizing Shampoo is a hypoallergenic product suitable for toddlers ages 1-year-old and up. It is triple-tested by pediatricians, dermatologists, and ophthalmologists,” ayon kay Kenvue brand manager Lance Trillanes.

“As moms, I am sure that the products you give your babies reflects your love for them. Which is why for babies ages 1 year old to 3 years old, it is best to look for products with no parabens, dyes, sulfates, and phthalates,” ani Doc Ruth.

“Toddlers’ shampoo should have ingredients to safely and gently nourish and moisturize hair. These ingredients will help in ensuring healthy hair growth for your babies while keeping them fresh, healthy, and asim-free,” dagdag pa niya.

Sa Init ng Panahon, Gaano Ba Kadalas Dapat Maligo ang Bata?

Johnson’s Baby launches newest Milk Moisturizing Shampoo para Iwas Asim ang Hair ni Baby

Partner Stories
Reading Books, Changing Lives: The Big Bad Wolf Takes  “Big Bad Tour: Mission 1 New Million Readers” to Parqal!
Reading Books, Changing Lives: The Big Bad Wolf Takes “Big Bad Tour: Mission 1 New Million Readers” to Parqal!
MILA App Launched on Mother’s Day to digitize Healthcare Records management for children
MILA App Launched on Mother’s Day to digitize Healthcare Records management for children
The Wolf Returns to Manila: The Big Bad Wolf Conquers Parqal!
The Wolf Returns to Manila: The Big Bad Wolf Conquers Parqal!
Singlife's Cash for Funeral Costs Provides Financial Relief In the Most Difficult Time
Singlife's Cash for Funeral Costs Provides Financial Relief In the Most Difficult Time

BASAHIN:

#AskDok: Ilang araw pwede maligo pagkatapos manganak?

Pwede ba maligo ang puyat? Ito ang sabi ng experts

Baby Hair Care: Best Baby Shampoo In The Philippines

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Eusebio

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Branded Content
  • /
  • Sa Init ng Panahon, Gaano Ba Kadalas Dapat Maligo ang Bata?
Share:
  • Reading Books, Changing Lives: The Big Bad Wolf Takes  “Big Bad Tour: Mission 1 New Million Readers” to Parqal!
    Partner Stories

    Reading Books, Changing Lives: The Big Bad Wolf Takes “Big Bad Tour: Mission 1 New Million Readers” to Parqal!

  • MILA App Launched on Mother’s Day to digitize Healthcare Records management for children
    Partner Stories

    MILA App Launched on Mother’s Day to digitize Healthcare Records management for children

  • The Wolf Returns to Manila: The Big Bad Wolf Conquers Parqal!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor

  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko