Naglabas ng sama ng loob ang aktres na si Saab Magalona sa social media tungkol sa isang restaurant nang hindi payagan ang anak niya na kumain dito.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Saab Magalona nireklamo ang isang restaurant dahil sa nangyari sa kaniyang anak
- Restaurant naglabas ng pahayag tungkol sa pagpopost ni Saab Magalona
Saab Magalona nireklamo ang isang restaurant dahil sa nangyari sa kaniyang anak
Masakit para sa parent na matanggihan ang anak sa isang bagay, lalo sa pagkain. Ganito ang naramdaman ng aktres na si Saab Magalona noong hind umano payagang makakakain ang kaniyang anak na si Pancho sa isang restaurant.
Ito ay dahil mayroon silang dalang sariling food dahil si Pancho ay special needs child. Pagpapaliwanag ng aktres, marami raw dietary restrictions si Pancho kaya nagawa nilang magdala ng pagkain sa restaurant.
Dahil dito napunta sa social media ang hinanakit ni Saab tungkol sa nangyari. Sa kanyang Instagram story pinost niya ang larawan ng kanyang anak na si Pancho, kasabay ng kanyang paghahayag ng sama ng loob sa nangayari,
“Ang hirap pala for a parent when someone turns away your children.”
Pagpapaliwanag niya, sinabi pa raw niya sa restaurant na mayroong kondisyon na cerebral palsy ang anak kaya may diet para sa kaniya. Pero hindi pa rin sila pinayagan na pakainin umano ito sa Rali’s Restaurant. Sabi pa ng aktres, walong adult naman silang kakain kaya baka naman mapagbigyan sila,
“They actually saw Pancho and Vito and still said “Pasensya na pero NO” Can you imagine? Even after we explained that Pancho has Cerebral Palsy and all that. That’s cold.”
Dagdag pa ni Saab, bagamat nauunawaan niya raw ang policy ng restaurant, nagulat pa rin siya na hindi nagbigay ng pang-unawa ang management para sa kanila.
“How disappointing and disheartening.”
Larawan mula sa Instagram account ni Saab Magalona
Sinabi rin niya na kung siya raw ang may-ari ng restaurant ay pagbibigyan niya ang mga ganitong pangyayari at bibigyan na lang ng reminder sa mga susunod na pagkakataon ang customer.
“If I were the host I would have allowed it this time and reminded customers to call ahead and have the special food prepared next time. Oh well! Posting this so other restaurants could reconsider being black and white on policies. This one lost a potential returning customer because of this experience.”
Restaurant naglabas ng pahayag tungkol sa insidente
Dahil sa naging usap-usapan ang isyu, naglabas naman ng pahayag ang Rali’s Restaurant tungkol sa nangyari upang depensahan ang kanilang panig.
Sa kanilang pahayag ikinuwento nila ang nangyari noong araw na iyon. Ayon sa restaurant, nauna na raw silang nagpaalala na bawal ang outside food sa kanila. Binanggit din nila dito na mayroon ngang certain condition ang bata kaya kinakailangan ng pagkain na pwede lamang sa kanya.
Dahil sa pagpapaliwanag daw ng kampo nila Saab, sinubukan daw nilang magtanong kung ano ba ang kailangan nilang pagkain para sa bata. Lagi naman na raw nilang ginagawa ito para sa customer nilang may special needs.
“After all, this was not out of the ordinary for the Restaurant – in order to cater to the special needs of certain customers, it has grown to be a practice of the restaurant to, as far as practicable, prepare off-menu food as necessary.”
Larawan mula sa Facebook page ng Rali’s Restaurant
Nagsimula na raw hanapin ni Saab Magalona ang manager ng restaurant na noong panahong iyon ay wala doon. Kaya nauwi na lang sa pagpapakausap over the phone sa Chef and General Manager ng Rali na si Bel. Sa tawag daw ay nagsabi ng hinanakit si Saab sa ginawa ng resturant sa kanyang anak. Nagbigay pa raw ng statement si Saab na ipo-post niya raw sa kaniyang Instagram ang nangyari.
Hindi na raw nakapagpaliwanag pa ang restaurant sa kanilang panig sa nangyari sa tawag na ito. Dahilan upang maglabas sila ng pahayag.
“Unfortunately, no time during the call was allotted for the Restaurant to clarify the incident, explain our side of the situation and possibly offer alternative solutions.”
“The Bacarros followed through with their posts which have quite unfairly painted the Restaurant in a bad light. Thus this Statement.”
Agad naman itong sinagot ni Saab Magalona, na hindi naman daw nila hinihiling na baguhin ang kanilang policy. Gusto lang naman daw nila sana ng kaunting pag-unawa at konsiderasyon lalo na sa mga may special needs. Hindi rin daw sumubok ang restaurant na mag-reach out sa pamilya nila sa kabila ng pagta-tag niya sa kanila sa isang post.
“You can make it an “entitled influencer vs small establishment.” issue all you want, all I wish is for people to be more empathetic especially towards those with special needs.”
Saad pa ni Saab.
“You have no idea what we go through, We’re fine. Thanks for the statement, I guess.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!