Saab Magalona nag-share ng mga developmental milestones ng eldest son niyang si Pancho matapos sumailalim ito sa therapy.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Saab Magalona eldest son Pancho.
- Kondisyon ni Pancho.
Saab Magalona eldest son Pancho
Sa Instagram ay masayang ibinahagi ng celebrity mom na si Saab Magalona ang improvements sa kondisyon ng eldest son niyang anak na si Pancho matapos sumailalim ito sa therapy. Masayang pagbabahagi ni Saab maraming bagong skills na ang alam gawin ni Pacho ngayon. Ito ay matapos ang Oral Replacement Therapy na pinagdaanan niya sa loob ng isang taon. Si Pancho daw ngayon ay marunong ng uminom ng drinks gamit ang straw, nakakain na ng maayos at maraming salita na ang kaniyang bigkasin.
“Pancho has come a long, long way! He is able to eat better, say more words clearly and today he was able to drink a thick mixture from a complex straw!!👏 Always so grateful for Team Pancho 💖”
Ito ang bahagi ng post ni Saab sa kaniyang Instagram account.
Kondisyon ni Pancho
Ang anak ni Saab na si Pancho ay ipinanganak na may cerebral palsy. Ito ay ipinanganak noong 2018 kasama ang kakambal nitong si Luna na hindi pinalad na mabuhay. Dahil sa sakit, naging delayed ang development ni Pancho at hindi ito lumaki ng normal katulad ng maraming bata. Kaya naman si Saab, tinutukan ang pag-aalaga sa anak at binigyan ito ng kaukulang pansin para mapabuti ang kondisyon nito. Sa pagdaan nga ng panahon ay patuloy ang improvement ng kondisyon ni Pancho. Marami na siyang nagagawa ngayon na hindi niya nagagawa noon.
Samantala, kamakailan lang, si Saab ay na-diagnose rin na may rare health disease na kung tawagin ay Meckel’s Diverticulum.
Ayon sa health website na Healthline, ang Meckel’s Diverticulum ay isang congenital health issue na kung saan nagkakaroon ng abnormal sac o pouch sa bituka ng isang tao na tinatawag na diverticulum. Ito ay madalas na nag-dedevelop sa fifth o seventh week ng fetal development.
Kung ang diverticulum ay binubuo ng intestinal cells, ito ay maaring hindi magpakita ng mga sintomas. Pero kung ang diverticulum ay binubuo ng stomach o pancreatic cells, ito ay maaring magpakita ng significant na sintomas tulad ng mga naranasan ni Saab. Kabilang na dito ang pagsusuka, anemia, pagdurugo sa bituka at pananakit ng tiyan.