Saab Magalona and Jim Bacarro sa pagkakaroon ng anak na may special needs: “Parang comparing it to all the parents go through, we live in a completely different world.”

Saab ipinagmamalaki ang asawa dahil ito daw ang dahilan kung bakit sila naka-survive ng anak niyang si Pancho mula sa peligro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saab Magalona emosyonal na ikinuwento ang pinagdaanan ng anak na si Pancho. Si Pancho ay mayroong cerebral palsy na ayon kay Saab ay sinisi niya ang sarili noong una na kasalanan niya.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Saab Magalona ikinuwento ang pinagdaanan niya at ng anak na si Pancho.
  • Paano naging miracle baby si Pancho at ano ang ginawa ni Saab at mister na si Jim Bacarro para mag-survive ang anak.

Saab Magalona ikinuwento ang pinagdaanan niya at ng anak na si Pancho

Image from Saab Magalona’s Facebook account

Sa naging panayam sa kaniya ng journalist at host na si Karen Davila ay emosyonal na ibinahagi ni Saab Magalona ang pinagdaanan niya at ng anak na si Pancho.

Si Saab minsang nalagay sa panganib ang buhay ganoon rin si Pancho ng wala sa oras at sa hindi inaasahan ay naipanganak niya ito.

Kuwento ni Saab, ipinagbuntis niya si Pancho at kambal nitong si Luna noon ng hindi nila pinaplano at ini-expect ng mister niyang si Jim Bacarro. Pero nang malaman nila ang magandang balita ay sobrang saya nila. Lalo pa’t ng malamang kambal na lalaki at babae ang magiging panganay nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Parang a fairy tale thing. We weren’t trying, we weren’t expecting. Then biglang ‘Oh it’s my first pregnancy’ tapos biglang twins, then boy and girl. It was so magical. Everything was so smooth sailing. No problems at all.”

Ito ang kuwento ni Saab.

Saab at anak na si Pancho nalagay ang buhay sa peligro

Pero ang saya nila bilang magulang ay sinubok ng nasa ika-6 na buwan ng pagbubuntis si Saab. Si Saab biglang dinugo at kinailangang sumailalim sa emergency cesarean section delivery para mailigtas ang anak niyang si Pancho.

Ang kambal nitong si Luna nang magpunta si Saab sa doktor ay wala nangg heart beat at tuluyan ng iniwan sila. Kasabay nito si Saab nalagay rin ang buhay sa peligro.

“I was losing a lot of blood. They said we have to do an emergency C-section and they tried to saved Pancho. I was also given a second chance because my hemoglobin level is really really low. I shouldn’t have made it, I was in the ICU for 10 days and was out of it.”

Ito ang pagkukuwento pa ni Saab.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag niya habang kritikal ang kondisyon niya, ang anak niyang si Pancho ay nakikipaglaban din sa murang buhay niya noon. Wala nga siyang kaalam-alam noon na nagsabi na ang doktor na maaaring hindi na magtagal ang anak dahil sa malalang kondisyon nito.

Pero may milagrong dumating sa pamilya ni Saab naging maayos at stable ang kalagayan niya. Habang si Pancho ay milagro ring nawala ang mga health conditions na iniinda.

Ngunit hindi natapos dito ang pagsubok sa pamilya ni Saab at mister na si Jim. Dahil sa pinagdaanan na kritikal na kondisyon, ayon sa mga doktor si Pancho ay magkakaroon ng disabilities at hindi mabubuhay ng tulad sa mga normal na bata. Si Pancho 17 days old pa lamang ng maagaw buhay at sumailalim sa brain surgery.

“You have to prepare yourself because he will have some disabilities talaga. I remember lang na I broke down.”

Ito umano ang naging reaksyon ni Saab ng malaman ang mangyayari sa anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Saab sinisi ang sarili noong una sa nangyari sa anak

Image from Saab Magalona’s Facebook account

Ayon pa kay Saab, noong una ay sinisi niya ang sarili sa kinahinatnan ng anak. Dahil kung sana raw noong una ay pinilit niyang matingnan ng husto ang anak noong ipinagbubuntis niya palang ito, sana ay hindi nalagay ang buhay nito sa peligro. At hindi rin tuluyang nawala ang kakambal nitong si Luna.

“When I was being told by the doctors, when I first went there and they were like not really doing all the tests that I feel like they should have, I trusted them.

I feel like I should have asserted myself and said, ‘No, there’s really something wrong. You have to check it now. You have to do something. I think there was a lot of blame, self-blame sa ‘kin na ‘Why didn’t you do it?’”

Pero nalampasan na raw ni Saab ang phase na ito. Sa ngayon, natanggap niya na ang mga nangyari at walang dapat sisihin dahil wala naman ang may gusto nito.

“Of course, now I know it’s not my fault. I never got pregnant before, I read all the baby books but this is something that no one wanted to happen.”

Ito ang sabi pa ni Saab.

Ang anak ni Saab na si Pancho ay na-diagnose na may sakit na cerebral palsy. Pero sa kabila nito, itinuturing ni Saab at mister na si Jim na milagro ang pagdating sa buhay nila ni Pancho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Lalo pa’t sa kabila ng mga prognosis noon ng doktor na magiging gulay nalang ito ay kasama nila ngayon ang anak na pagsasalarawan ni Saab ay very smart, loving at sweet na anak at kapatid kay Vito.

“It was not expected of him. Based on the doctor’s prognosis there was a chance that he’ll be a vegetable and we would just take care of him and accept that. But thankfully being guided by all of the experts, being guided by Jim and my love, we did a great job.”

Ito ang masayang sabi ni Saab.

BASAHIN:

LOOK: Saab Magalona shares first crawl of son with cerebral palsy

Mas late nga bang natututo magsalita ang baby boys? Ito ang research tungkol sa speech development ng mga sanggol

Mom of special needs child to Cebu resort: “I just felt discriminated and excluded”

Saab laking pasalamat sa mister na si Jim na siyang dahilan sa survival nila ni Pancho

Image from Saab Magalona’s Facebook account

Sabi pa ni Saab lahat ng ito ay naging possible ng dahil sa mister niyang si Jim na nagiging matatag sa kabila ng mga pinagdadaanan nila noon.

“I really have to say that my husband si Jim was such a rock talaga. Can you imagine he was going back and forth? Me in the ICU, our son in the NICU and our daughter in the morgue. So he was putting on a brave face holding my hand not breaking down.”

“I wish I could have been there but si Jim would be there with him every day especially when I couldn’t. He would sing to him, play him music, touch his hand and give him all the positive energy.

He will talk to him and tell him that they will gonna get out of there. That’s why I think so highly of my husband because he really saved my son and in turn saved me.”

Ganito kung paano naluluhang ipinagmamalaki ni Saab ang kaniyang mister.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ngayon sa pagkakaroon ng anak na may special needs, ayon kay Saab at Jim ay iba ang mundo nila kumpara sa ibang mga magulang. Pero natanggap na nila ang kanilang tadhana at wala silang pinagsisihan dito.

“The hardest part was making sure that he would survive. In the very beginning that was the hardest part and dealing with the fear of losing him. Parang comparing it to all the parents go through we live in a completely different world.”

Ganito kung paano ilarawan ni Jim ang pagiging ama sa isang batang may special needs. Samantalang si Saab, tinanggap na may iba’t-ibang karanasan ang bawat pamilya. Tulad ng pamilya nila ni Jim at mga anak na sina Pancho, 4-anyos at Vito, 2-anyos.

“It’s difficult to see and to read about typical children and their families. I can’t help but feel a little sting when I see especially other parents sort of complain about the small stuff.

It used to make me resentful, but then I learned that everyone had to go through different experiences. It’s not their fault, this is their experience.”

Ito ang sabi pa ni Saab.

 

YouTube