Ano ang tulo o sa medical terms ay gonorrhea? Ito ang pangalawa sa pinakakaraniwang sakit na naipapasa sa pagtatalik. Karamihan ay napapalagay na sa pagtatalik lamang ang paraan kung saan nakukuha ang tulo. Ngunit, may mga bagong pagaaral ang nagpapakita na maaarin maipasa ang throat (oropharyngeal) gonorrhoea sa paghahalikan lamang.
Ano ang tulo?
Mayroong bagong pag-aaral na inilabas sa Sexually Transmitted Infections na journal. Ayon dito, hindi naiisip ng mga tao na ang “french kissing” (paghalik na may kasamang dila) ay isang paraan upang maipasa ang impeksiyon. Karaniwan itong nangyayari sa mga homosexual at bisexual na lalaki.
Ang gonorrhea ay maaaring mabuo sa rectum, lalamunan o mata. Maaari rin na mahirap itong gamutin dahil may ilang klase nito ang hindi tinatablan ng antibiotics.
Ang naka-sanayan na turo upang maiwasan ang tulo ay ang paggamit ng condom sa pagtatalik. Ngunit, ayon sa isang pagaaral na isinagawa sa Melbourne, Australlia, maaaring hindi ito sapat.
Pag-aaral sa throat gonorrhea
Upang masuri kung talagang maipapasa ang impeksiyon sa pagtatalik lamang, data mula sa 3,091 na lalaki ang sinuri. Ang pagsusuri ay isinagawa sa Melbourne mula 2016 hanggang 2017.
Lahat ng mga lalaki na sinuri ay puro homosexual o bisexual. Ito ay sinadya dahil karamihan sa mayroon ng impeksiyon na ito ay nasa bahagi ng komunidad na ito.
Ang mga lumahok ay pinasagot ng survey na naglalarawan sa kanilang mga gawaing seksuwal sa mga lalaking partners sa nakaraan na 3 buwan. Kinakailangan nilang ipahayag kung nagkaroon ng partners na nahalikan pero hindi nagtalik, hindi nahalikan pero nagtalik, o kaya nahalikan at nakipagtalik.
Image from Freepik
Sa pagsusuri, lumalabas na 95% ng mga lumahok ay nagkaroon ng partner na nahalikan at nakatalik. 70% naman ay nagkaroon ng partner na nakahalikan ngunit hindi nakatalik. Ang pinaka-mababa ay 38% na mga nagkaroon ng partner na pagtatalik lamang at walang halikan.
Halos isa sa apat na lumahok ang nagkaroon ng partner sa 3 kategorya sa loob ng 3 buwan. 1.4% lamang sa mga lumahok ang nagkaroon ng partners na nakahalikan lamang at walang pagtatalik. Ngunit, ang dami ng mga ito na nagpositibo sa gonorrhea ay mas mataas kumpara sa nagkapartners na nakatalik at hindi nakahalikan.
Saan nakukuha ang tulo?
Matapos suriin ang iba pang posibleng sanhi ng throat gonorrhea, mas mataas nang 46% ang maaaring magpositibo sa throat gonorrhea ang mga nagkaroon ng apat o higit pang partners na halikan lamang at walang pagtatalik kumpara sa mga may isa o walang partners.
Mas mataas naman nang 81% na posibilidad ang mga nagkaroon ng apat o higit pang partners na nakahalikan at nakatalik kumpara sa nagkaroon ng isa o walang partners.
Image from Freepik
Dahil dito, nasasabi ng mga nanaliksik na ang pakikipaghalikan ay maaaring sanhi kung saan nakukuha ang tulo.
Nais ipaalala ng mga nanaliksik na ang pagsusuri ay pagmamasid lamang. Hindi nila maku-kumpirma ang tunay na sanhi at epekto.
Ayon kay Professor Eric Chow ng Melbourne Sexual Health Centre, ang paggamit ng mouthwash ay isang paraan upang mapababa ang posibilidad na magkaroon ng throat gonorrhea. Ito ay importante kaugnay ng mga kaso ng tintatawag na super-gonorrhea.
Idinagdag din ni Chow na kakailanganin pa nila ng higit pang pananaliksik upang masuri kung ang paggamit ng mouthwash ay epektibong paraan.
Ang sintomas ng tulo ay ang sumusunod:
- Sa mga kababaihan, may mararamdaman na pananakit sa pag-ihi, hindi karaniwang vaginal discharge, o pagdurugo sa gitna ng menstrual cycle.
- Sa mga kalalakihan, ang pamamaga ng foreskin at pagkakaroon ng pagtulo mula sa ari ang mga kilalang sintomas.
Source: Independent
Basahin: Tulo: Alamin ang sintomas at gamot para sa STI na ito
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!