X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

13 years-old patay pagkatapos manganak

4 min read
13 years-old patay pagkatapos manganak13 years-old patay pagkatapos manganak

Narito kung bakit dapat protektahan ang iyong anak na babae hangga’t maari sa maagang pagbubuntis.

Safe ba manganak ang 13 years old?

Safe ba manganak ang 13 years old

13 years old Luana Ketlen
Image from Express UK

13-anyos na batang namatay matapos manganak sa kaniyang murang edad

Isang 13-anyos na batang babae sa Coari, Brazil ang patay matapos manganak sa kaniyang batang edad. Ang batang babae ay kinilalang si Luana Ketlen na nasawi nito lamang Disyembre 11.

Ayon sa report, si Luana ay nakaranas umano ng sekswal na pang-aabuso dahilan upang siya ay magdalang-tao sa mura niyang edad.

Ang itinuturong suspek sa krimeng nagawa kay Luana ay ang mismong ama niya na si Tome Faba, 36-anyos.

Dagdag pa ng mga report ay matagal na umanong nakakaranas ng pang-aabuso mula sa kaniyang ama si Luana. Ngunit pinili niya itong sikreto dahil sa trauma at takot na dinulot nito sa kaniya.

Safe ba manganak ang 13 years old

Luana’s father, Tome Faba
Image from Express UK

Maagang pagbubuntis

Pero dalawang buwan ang nakakaraan ay hindi na naitago ng bata ang pang-aabuso na ginawa ng kaniyang ama. Si Luana ay nakaranas ng pananakit sa kaniyang tiyan na sinabayan ng pagbabago sa kaniyang katawan. Siya ay nagdalang-tao na produkto ng pang-aabuso ng kaniyang ama.

“The teenager lived with her parents in a rural area outside the city. She did not realize, until two months ago when she began to feel pains in her abdomen, that she was five months pregnant.”

Ito ang pahayag ni Coari police chief Jose Barradas. Ang pulis na humahawak sa kaso ni Luana.

Dagdag pa niya ay nai-report naman daw ng pamilya ng biktima ang ginawang pang-aabuso kay Luana. Ngunit sa kinasamaang palad, bago pa man lumabas ang warrant of arrest para sa kaniyang ama ay nasawi si Luana. At ito ay nangyari matapos niyang isilang ang sanggol na ipinagbubuntis niya.

“Members of the family tried to step in and protect the child by alerting social services. They reported the abuse to police and a warrant was issued for Tome’s arrest but before it could be executed Luana’s health deteriorated and she died shortly after childbirth.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Coari police chief Jose Barradas.

Ayon pa sa report, si Luana ay nakaranas ng liver cirrhosis, tubig sa kaniyang baga at mababang blood pressure. Ang lahat ng ito ay naranasan niya matapos na maipanganak ang kaniyang premature na sanggol.

Sa ngayon ang ama ni Luana ay naaresto na ng mga pulis at nahaharap sa kasong manslaughter at child abuse. Habang ang kaniya namang anak ay ligtas. At nasa mabuti ng kalagayan sa ilalim ng pangangalaga ng social services ng kanilang lugar.

Safe ba manganak ang 13 years old?

Safe ba manganak ang 13 years old

Image from Freepik

Ang sagot ng WHO o World Health Organization sa tanong na safe ba manganak ang 13 years old ay hindi. Dahil ayon sa datos at siyensya, ang mga batang nabubuntis sa edad na 10 hanggang 19-anyos ay mas mataas ang tiyansang makaranas ng komplikasyon sa pagbubuntis. Ito ay kung ikukumpara sa mga babaeng nagbubuntis sa edad 20-24 years old na tinatayang pinakaligtas na edad na magdalang tao. Ilan sa komplikasyon sa pagbubuntis na maari nilang maranasan ay ang eclampsia, anemia, puerperal endometritis at systemic infections. Habang ang sanggol na kanilang pinagbubuntis ay maaring makaranas ng low birthweight, preterm delivery at severe neonatal conditions.

Dagdag pa ng WHO, ang mga nabubuntis sa edad na 10-19 ay dumagdag din sa tala ng maternal at infant mortality rate. Ito ay dahil masyado pang bata ang kaniyang katawan sa malaking pagbabagong dulot ng pagbubuntis. Kaya naman kanilang ipinapayo na kung may isang bata ang nagdadalang-tao na edad 19-anyos pababa ay agad na magpatingin sa doktor upang masubaybayan ang kaniyang pagbubuntis. Umiwas sa pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng bawal na gamot. Uminom ng prenatal vitamins na inireseta ng doktor. At humanap ng emotional support na kung saan magsisilbing gabay niya sa maagang pagbubuntis at magpapalakas ng loob niyang harapin ang mga kaakibat nitong responsibilidad.

Paano maiiwasan na maging biktima ng sekswal na pang-aabuso ang iyong anak?

Samantala, maiiwasan sana ang kaso ng teenage pregnancy pati na ang rape kung gagabayan ng magulang ang kanilang anak. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon at pagiging bukas sa mga ito tungkol sa usapin at iba pang kanilang nararamdaman at nararanasan.

Ipaliwanag sa kanila kung bakit mahalagang hindi sila dapat nagtatago ng sikreto lalo na kung ito ay patungkol sa kanilang katawan. Dapat ding iparamdam sa kanila na ikaw ay kanilang pwedeng lapitan sa kahit anong oras upang sila ay makapagsabi ng kanilang problema o nararamdaman. Mahalaga ring malaman ang mga pagbabago sa kanilang kinikilos o katawan na maaring iyong maging hudyat kung siya ay may nararamdaman o itinatagong sikreto mula sayo. Dahil ang kapakanan ng iyong anak ay iyong responsibilidad na dapat mong tutukan at seryosohing gampanan.

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

Source: Express UK, WHO, Healthline

Basahin: Teenage pregnancy in the Philippines: Tips for pregnant teens and parents

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 13 years-old patay pagkatapos manganak
Share:
  • Toddler development and milestones: Your 1 year and 1 month old

    Toddler development and milestones: Your 1 year and 1 month old

  • Development at paglaki ng batang  24 buwan (2 years old)

    Development at paglaki ng batang 24 buwan (2 years old)

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

app info
get app banner
  • Toddler development and milestones: Your 1 year and 1 month old

    Toddler development and milestones: Your 1 year and 1 month old

  • Development at paglaki ng batang  24 buwan (2 years old)

    Development at paglaki ng batang 24 buwan (2 years old)

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

  • Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

    Mirriam Manalo muling namatayan ng baby: "Nothing is more painful than this!"

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.