6 karaniwang sakit sa balat at mga panandaliang gamot dito

Alamin ang iba't ibang mga karaniwang sakit sa balat ng mga pinoy. Alamin din ang mga kinikilalang sanhi at kaalaman sa mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Araw-araw, may nakikita tayong mga sakit sa balat sa ating mga nakakasalamuha. Ang ilan sa mga ito ay hindi naiiwasan habang ang ilan naman ay nakuha ang kundisyon mula sa pagkapanganak. Sa kasamaang palad, ang mga sakit na ito ay nagiging basehan ng pangungutya dahil sa mga maling kaalaman. Talakayin natin ang mga karaniwang sakit sa balat ng mga pinoy at ang paggamot sa mga ito.

Larawan mula sa Freepik

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon

6 na karaniwang sakit sa balat

Tigyawat

Ang tigyawat ay karaniwang nakukuha ng mga teenagers ngunit hindi parin ligtas ang matatanda dito. Nakukuha ito kapag ang oil at dead skin cells ay bumabara sa mga pores. Ito ay dulot ng pabago-bagong hormones, sobrang oil production, at dumi at polyusyon. Napapabilang din dito ang mga whiteheads at blackheads.

Karaniwan, ginagamot ang mga tigyawat gamit ang creams o gamot. Para maiwasan ito, ugaliing maging malinis, huwag mag-exfoliate, at iwasan ang over-drying.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Freepik

Pantal

Ang pantal ay mga bukol sa balat na makakati. Ang mga kinikilalang sanhi nito ay allergies, stress, sakit, o masisikip na kasuotan. Maaaring magkaroon ng malalaki o maliit na pantal, depende sa reaksiyon ng katawan sa sanhi nito. Kung dulot ng allergy, ang pinakamabisang pag-iwas dito ay ang pag-iwas sa mga pagkain, gamot o bagay na nagti-trigger ng allergy.

Kulugo

Ang mga kulugo ay nakakahawang sakit sa balat na dulot ng human papillomavirus (HPV). Pumapasok ang virus sa katawan sa pamamagitan ng mga pagbukas sa balat. Ito ay makikita bilang na maaaring flat at makinis o bukol at magaspang. Maaaring makahawa sa pamamagitan ng pagdikit sa balat ng iba o paggamit ng kagamitan ng isang taong may kulugo. Karaniwan itong nakikita sa mga kamay, paa at joints ngunit maaari ring tumubo sa iba pang bahagi ng katawan.

Kadalasan, kusang nawawala ang mga kulugo. Ganunpaman, kung ang tingin ay hindi ito kanais-nais, maaari itong ipatanggal sa mga dermatologists.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

“Nagbabalat si baby!” Mga dapat alamin tungkol sa pagbabalat ng bagong-silang

Bakit nangangati ang iyong balat at ano ang mga gamot para rito

Eczema sa mga bata: 10 bagay na dapat malaman tungkol sa sakit sa balat na ito

Eczema

Ang eczema ay karaniwang nakikita sa mga bata ngunit maaaring magpatuloy hanggang sa pagtanda. Ito ay makikita bilang masasakit, makakati at tuyong patse ng balat. Kadalasan itong nakikita sa mukha, kamay, leeg at hita. Nauugnay ang sakit na ito sa asthma, allergic rhinitis at allergy sa pagkain.

Sa ngayon, wala pang kinikilalang gamot sa eczema. Kadalasan, kusa itong nawawala. Maaari rin itong gamitan ng creams at pag-inom ng gamot. Maiiwasan ang pagbalik nito sa pamamagitan ng pag-moisturize ng balat, hindi paggamit ng matatapang na produkto sa balat, at pagsuri kung ano ang mga nagdudulot nito sa tao.

Age spots

Ang age spots ay mga pekas sa balat. Makikita ito bilang mga tuldok sa balat ng tao na masma-itim kumpara sa paligid nito. Karaniwan itong makikita sa mga mukha, kamay, at braso. Ito ay dulot ng pagiging bilad sa araw sa paglipas ng mga taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Wala mang dulot na sintomas, may ilan na hindi gusto ang itsura nito. Dahil dito, ginagamot ang age spots base sa rekumendasyon ng dermatologists. Para maiwasan ang pagkakaroon nito, makakabuting gumamit ng sunscreen.

Psoriasis

Larawan mula sa Freepik

Ang psoriasis ay isang autoimmune disorder na nagdudulot ng mga patse sa balat. Ang mga bahaging apektado nito ay makikitang namumula, namamalat, at makakati. Kadalasan itong nakikita sa anit, mukha, siko, palad, hita, tuhod, at talampakan.

Ang paggamot ng psoriasis ay nagdedepende sa uri ng psoriasis na nakuha. Maaaring gumamit ng topical na gamot, light therapy, o medikasyon. Makakabuting magpasuri sa ispesyalista para malaman ang naaayon na paggamot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Source:

Medical News Today

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement