Pag-bebless sa same sex couples sinang-ayunan na ng Santo Papa.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Vatican sinang-ayunan na ang pagbebless ng same sex couples.
- Same sex marriage tanggap narin ba ng simbahan?
Vatican sinang-ayunan na ang pagbebless ng same sex couples
Magandang balita ang sumalubong sa mga same sex couples ngayong darating na pasko. Dahil ang Vatican naglabas ng dokumentong nagsasabi ng sinasang-ayunan na nila ang pagbibigay ng blessings sa mga same sex couples. Ang nasabing dokumento ay nanggaling umano kay Pope Francis at ipinadala niya sa dalawang konserbatibong cardinal nitong Oktubre.
Base sa bahagi ng dokumentong nanggaling sa Santo Papa ay maari na daw magbigay ng blessings ang Katolikong simbahan sa mga same sex couple. Ito daw ay maaring gawin sa mga ilang circumstances lang. Dahil sa pamamagitan nito ay mas napapalapit ang mga gay couples sa Diyos.
“Ultimately, a blessing offers people a means to increase their trust in God. The request for a blessing, thus, expresses and nurtures openness to the transcendence, mercy, and closeness to God in a thousand concrete circumstances of life, which is no small thing in the world in which we live.”
Ito ang mga nakasaad sa nasabing dokumento.
Same sex marriage tanggap narin ba ng simbahan?
Pero malinaw na paliwanag rin sa dokumentong inilabas ng Santo Papa na hindi nangangahulugan ito na sinasang-ayunan na nila ang same sex marriage. Dahil hindi magbabago ang paninindigan nila na ang sakramento ng kasal ay para lang sa lalaki at babae. At ang blessing na sinasang-ayunan nila ay hindi nangangahulugan na aprubado narin ang same sex marriage o pagpapakasal ng dalawang tao na may parehong kasarian.
Kamakailan lang ay ipinakita rin ni Pope Francis ang pagsuporta niya sa mga homosexual. Tinuligsa niya ang mga batas na nag-cricriminalize ng homosexuality. Paliwanag ng Santo Papa mahal ng Diyos ang lahat ng anak niya. At kabilang na dito ang mga miyembro ng LGBTQ na hindi dapat pigilang mag-simba at mapalapit pa sa mga aral o salita ng Diyos.