Inanunsyo nina Sandra Lemonon at Sol Mercado na sila ay may baby na! Ibinahagi rin nila ang ilang detalye tungkol sa kanilang firstborn.
Mababasa sa artikulong ito ang mga sumusunod:
- Sandra Lemonon gives birth to a baby boy
- Love story of Sandra and Sol
Sandra Lemonon gives birth to a baby boy
Isa nang ganap na mommy ang beauty queen na si Sandra Lemonon. Ito ay matapos niyang isilang ang kanilang baby ni Sol Mercado.
Sa Instagram post ni Sandra, binahagi niya ang larawan ng kamay ng anak na pinangalanan nilang Zaiah Rafael Mercado.
“Pinky promise, now and forever,” parte ng caption ni Sandra, na kilala sa pageant world at dating sumali sa Miss Universe Philippines 2020 kung saan pumasok siya sa Top 16.
Ayon pa sa post ni Sandra Lemonon, ang kanilang baby ni Sol Mercado ay ipinanganak noon pang June 21, 2022, bandang 10:17 ng gabi.
Samantala, sa hiwalay na post ng partner ni Sol Mercado ay nagbigay pa siya ng karagdagang impormasyon tungkol kay Zaiah Rafael. Ayon kay Sol, ang kanilang anak ay 8.3 pounds ang bigat, at may tangkad na 22 inches.
Makikita rin sa post ni Sol na kaniyang karga si Baby Zaiah habang kaniya itong pinapa-bottle feed. Nagbahagi rin si Sol ng Bible verse para sa kaniyang anak mula sa Jeremiah 1:5.
“Before I formed you in the womb I knew you, before you were born I set you apart…”
Larawan mula sa Instagram account ni Sol Mercado
Matatandaan na noong March ngayong taon ay inanunsyo nina Sandra Lemonon at Sol Mercado na sila ay magkakaroon na ng baby. Dito rin binahagi ng dalawa ang gender ng kanilang anak na isang little boy.
“I’ve always imagined myself having a little baby boy, for it to actually happen is a surreal feeling.”
“[Sol Mercado] you are an amazing life partner/friend & now Papa, thank you for another priceless gift in helping me become a Mama.”
Ito ang caption ni Sandra.
Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati para kina Sandra at Sol para sa bagong lessing sa kanilang buhay. Kasama rito ang mga dating kakampi ni Sol sa Philippine Basketball Association (PBA) na sina LA Tenorio, Mark Caguioa at Chris Ross.
LA Tenorio: Congratulations Daddy Sol!
Mark Caguioa: yoooooo Congrats!!! Welcome to the world baby Z
Chris Ross: Blessings!!!!
Samantala, ang mga dati namang nakakasama sa pageant ni Sandra Lemonon ay natuwa rin sa balita. Ilan sa mga bumati kay Sandra ay sina Katarina Rodriguez, Rachel Peters at Miss Universe 2018 Catriona Gray.
Katarina Rodriguez: Congrats again!! Excited for you!!!
Rachel Peters: Yaaaaay I’m so happy for you! And excited to see you be the best mama
Catriona Gray: Huhu such a blessing
Larawan mula sa Instagram account ni Sandra Lemonon
Love story of Sandra and Sol
Si Sandra Lemonon ay nakilala sa Philippine pageantry noong sumali siya sa Miss Universe Philippines ng dalawang beses, taong 2018 at 2020.
Siya ay isang French-Filipino ngunit ipinanganak siya sa Macau. Kaya naman ilang language ang kaniyang kayang sabihin tulad ng Filipino, French, Spanish at English.
Si Sol Mercado naman ay unang naging tanyag dahil sa basketball. Naging star player siya para sa Rain or Shine Elasto Painters. Ngunit nagsimulang umarangkada ang kaniyang career noong siya ay malipat sa Ginebra San Miguel.
Sa naturang koponan na itinuturing na crowd favorite sa PBA, tatlong championship ang kaniyang nakuha. Huli siyang naglaro sa professional league taong 2019.
Ang kanilang pag-iibigan ay kinumpirma ni Sandra Lemonon noong September 2021. Nag-post siya sa Instagram ng ilang larawan nila ni Sol Mercado habang sila ay nasa ibang bansa.
Nilarawan ni Sandra si Sol bilang ‘biggest blessing’ na kaniyang natanggap sa kaniyang buhay.
“You make me feel all the butterflies and always put a big smile on my face.”
“I can never seem to be upset with you for [too] long because you always know how to make me laugh and be accountable while giving us grace and being patient in moments when we need it the most.”
Wika pa ni Sandra Lemonon, para sa kaniya ay perfect si Sol Mercado at tinuturing din niya na ‘pure’ ang kanilang pagmamahalan.
“I admire and respect the man you are today. You have so much depth, strength, resilience, passion and compassion with in your heart & many other amazing qualities.”
“I am so grateful to share and build life together, I can confidently say that you are the one for me.”
Larawan mula sa Instagram account ni Sandra Lemonon
Noong March 2021 bago nila ianunsyong pregnant na si Sandra ay kanila ring hinayag ang kanilang engagement. Pinakita ng beauty queen ang kaniyang engagement ring na binigay sa kaniya ni Sol.
“Everything that is YOU @sandralemonon, is all I ever needed!” mensahe ni Sol para kay Sandra.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!