Isang bagong panganak na sanggol ang kinidnap sa Austin, Texas sa United States. Napag-alaman na ang kumuha sa kanya ay ang kinikilalang best friend ng kanyang ina. Ayon sa mga saksi ay sinasabi ng best friend ng kanyang ina na ang sanggol ay anak niya. Ang masama pa nito, kalaunan ay natagpuan ang naaagnas na bangkay ng ina sa sasakyan ng kanyang best friend. Alamin ang buong kwento tungkol sa sanggol na kinidnap.
Pinilit di umano ng suspek ang bata na pumasok sa kaniyang bahay.
10 taon ng pagkakaibigan
Nagkakilala sila Heidi Broussard at Megan Fieramusca nasa 10 taon na ang nakakaraan. Sila ay parehong dumalo sa Texas Bible Institute in Columbus, Tex. Mula nuon ay kinikilala na ni Fieramusca si Broussard na best friend niya. Nanirahan man sila sa magkaibang siyudad, patuloy ang pag-uusap ng dalawa sa telepono.
Nuong simula ng 2019, nag-anunsyo si Broussard na siya ay nagdadalang tao. Ipinahayag sa kanya ni Fieramusca na siya rin ay buntis nuon. Iniisip pa nga niya kung sabay kaya silang manganganak.
Nuong ika-26 ng Nobyembre taong 2019, pumutok na ang panubigan ni Broussard. Nang malaman ito ni Fieramusca ay nagpunta ito agad sa kanyang best friend. Nagawa niyang magmaneho ng nasa 265 na kilometro para makasama ang kanyang best friend sa panganganak nito. Kanya rin hinawakan ang kamay ni Fieramusca habang iniluluwal nito ang kanyang bagong sanggol. Dahil dito, isa siya sa mga unang tao na nakahawak sa bagong silang na si Margor Carey.
Sabay na pagbubuntis
Si Fieramusca ay naninirahan sa Houston, Texas kasama ang kanyang ex-boyfriend na si Christopher Green. Subalit naghiwalay ang dalawa sa mga panahon na sinabi ni Fieramusca na buntis siya sa anak nila ni Green. Ganunpaman, patuloy na nanirahan ang dalawa nang magkasama.
Ayon kay Green, sa kanilang patuloy na pagtira nang magkasama ay napapansin niya ang unti-unting paglaki ng tiyan ni Fieramusca. Nang mahawakan niya rin ito minsan, naramdaman niya na matigas ito at hindi isang unan lamang. Ganunpaman, hindi niya nakita ang mismong tiyan ni Fieramusca dahil simula nang maghiwalay ang dalawa ay hindi niya na nakitang nakahubad ito.
Nang magtungo si Fieramusca sa panganganak ni Broussard, nasabi ng fiance ni Broussard na si Shane Carey na mukha ngang buntis si Fieramusca. Subalit, tila hindi naniniwala ang iba nilang mga kakilala. Ayon pa kay Vickie Shreves, isa pang malapit na kaibigan ni Broussard, hindi mukhang buntis si Fieramusca.
Nawala ang mag-ina
Matapos manganak ni Broussard ay kanilang pinatuloy sa kanilang tahanan si Fieramusca. Kanila itong binigyan ng susi sa kanilang bahay na pinangako nitong iiwan sa counter sa kanyang pag-alis kinabukasan. Mula nuon ay hindi na nila muling nakita ang pinahiram na susi.
Ika-12 ng Disyembre taong 2019 ay inihatid ni Broussard kasama ang 2 linggong gulang na si Margot ang kanyang 6 na taong gulang sa paaralan. Matapos ay umuwi na ito sa kanilang apartment sa Austin, Texas. Subalit, nang umuwi ang si Carey ay hindi niya na ito nakita. Natagpuan niya ang sasakyan ni Broussard na nasa garahe at hindi naka-lock. Sa pagsusuri nito, natagpuan niya rin ang bag ni Broussard sa loob nito. Napansin niya na ang kagamitan ng baby ba kakailanganin ni Broussard kapag namasyal ito kasama ang sanggol ay naiwan sa kanilang apartment.
Matapos ang ilang oras ng pagtatanong sa mga kaibigan at kamag-anak kung kasama nila ang mag-ina, tumawag na ng pulis si Carey. Sa pagsusuri ng mga surveillance camera, may napansin na sasakyang kahawig ng sasakyan ni Fieramusca patungo sa apartment nila Broussard.
Inangkin ang bata
Nuong ika-12 ng Disyembre, ang araw na nawala ang mag-ina, nagsabi si Fieramusca kay Green na magpupunta ito sa beach kasama ang kanyang pinsan. Umuwi si Fieramusca kinabukasan na may dalang sanggol. Ayon kay Fieramusca ay hindi niya pinagbigay alam kay Green na siya ay nagtungo sa isang paanakan para ipanganak ang sanggol. Ganunpaman, hindi niya maalala ang panggalan ng clinic at wala siyang kasama nang siya ay manganak. Ang tanging naging saksi ay ang mga nurse at duktor na nagpa-anak sa kanya.
Ika-19 ng Disyembre ay nagtungo si Green sa tindahan para mamili ng mga damit ng sanggol at ng formula. Sa kanyang pag-alis ay hinarang siya ng mga imbestigador mula Texas Department of Public Safety. Siya ay pinakitaan ng larawan ni Broussard at ng sanggol na si Margot. Nagulat si Green at nasabi niyang ang sanggol sa larawan ay ang sanggol na nasa kanyang bahay.
Agad nagtungo ang mga imbestigador sa bahay ni Green kung saan natagpuan ang sanggol. May natagpuan din na Nissan Versa sa likuran ng bahay na tila itinatago. Mula dito ay mayroong hindi maipagkakailang amoy ng naaagnas na katawan. Nang buksan ang trunk ng sasakyan, dito natagpuan ang bangkay ni Broussard. Ayon sa imbestigasyon ay sinakal siya hanggang sa mamatay.
Ilang araw na nalagay ang sanggol sa foster care matapos ang pangyayari. Nang makumpirma sa pamamagitan ng DNA testing na siya nga si Margot, siya ay nabalik sa pag-aalaga ni Carey bago magpasko.
Pagkahuli kay Fieramusca
Ayon sa mga imbestigasyon, 162 beses ginoogle ni Fieramusca ang “Heidi Broussard” 5 linggo bago ang pag-aresto sa kanya. Sa araw din ng pagkawala ng mag-ina, siya ay naggoogle ng “reasons for Amber Alert” at “Amber Alert issued Austin.”
Ayon sa imbestigasyon, hindi malinaw kung totoong nagbuntis si Fieramusca. Sa behavioral analysis ng FBI, pasok ang profile niya sa isang tao na magagawang kumidnap dahil sa “maternal desire.” Maaari itong dahil sa nalalaglagan ng bata sa pagbubuntis, o kaya naman ay sa pagsisinungaling na nagbubuntis.
Iwasan ang makidnap
Upang maiwasan ang na makidnap ang iyong anak, may ilang mga maaaring gawin.
- Magkaroon ng alternatibong ruta kapag pakiramdam ay nanganganib.
- Ituro sa bata huwag makipag-usap at tumanggap na sumabay sa hindi kakilala.
- Panatilihing ligtas ang bahay sa pamamagitan ng pag-lock ng mga pintuan at bintana.
- Ipaalam sa mga pinagkakatiwalaan kung saan magpupunta at kung sinong kikitain.
- Magtabi ng self defense na kagamitan tulad ng pepper spray at tazer.
Basahin din: 2-day-old newborn, na-kidnap sa loob mismo ng paanakan
Source: Washington Post, TBO Tech
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!