X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

WATCH: Bagong panganak na sanggol, aksidenteng nahulog ng doktor

3 min read
WATCH: Bagong panganak na sanggol, aksidenteng nahulog ng doktor

Nakuhanan pa ng ama ng sanggol ang malagim na insidente kung saan kitang-kita ang kaniyang sanggol na nahulog ng doktor habang nililinisan.

Ang mga doktor ay pinagkakatiwalaan ng mga magulang upang siguraduhin na ligtas ang kanilang mga anak, lalong-lalo na sa mga bagong panganak na sanggol. Kaya’t hindi lubos akalain ng isang ama na ang mismong doktor pa ang magiging dahilan upang mapahamak ang buhay ng kaniyang anak.

Ito ay dahil habang kinukuhanan niya ng video ang kaniyang mga sanggol, ay nakita niyang aksidente itong mahulog ng isang doktor. Dagdag pa niya, dahil raw dito nagkaroon ng pagdurugo ng utak ang kanilang sanggol na nahulog.

Ating alamin kung ano ang mismong nangyari.

Nakuhanan sa video ang sanggol na nahulog ng doktor

Nangyari raw ang insidente sa USA, at nakuhanan ito ng video ng ama na si Derrick Rodgers. Aniya, ipinanganak ng premature ang kambal nila ng asawang si Monique, kaya’t naisipan niyang kumuha ng video habang nililinis ang mga bata.

Lakig gulat niya nang habang buhat-buhat ng doktor ang sanggol ay bigla na lang itong nahulog sa bakal na mesa sa ilalim. Dali-daling binuhat ng doktor ang sanggol, at sinubukang palabasin na walang problema.

Ngunit kitang-kita ni Derrick ang insidente sa video, kaya’t nilapitan niya ang doktor at sinabihan na nahulog nito ang anak niya. Noong una raw ay walang masabi ang doktor at sinabing muntik lang mahulog ang baby, kaya’t pinakita ni Derrick ang video sa kaniya. Matapos nito, wala raw imik ang doktor.

Matindi pala ang naging pinsala sa kanilang anak

Dahil dito, nagreklamo ang mag-asawa sa ospital, dahil lubos na nag-aalala sila sa kalusugan ng kanilang mga anak. Ngunit hindi man lang raw humingi ng tawad ang staff ng ospital, at tila ay hindi pinapakinggan ang kanilang reklamo.

Pagtagal ay nadischarge rin sa ospital ang isa sa mga kambal, ngunit nagtagal pa raw ng 12 araw ang isa nilang anak, ang sanggol na nahulog ng doktor. Napansin raw nila na madalas raw magsuka ang bata, at minsan ay bigla na lang raw nangingisay ang sanggol.

Naisipan nilang dalhin ang bata sa ibang pediatrician at dito napag-alaman na mayroon palang internal bleeding ang sanggol. Napag-alaman rin nila na natagpuan na palang may internal bleeding ang kanilang sanggol sa ospital pa lamang, ngunit hindi raw sila sinabihan tungkol dito.

Matapos ang insidente, naisipan ni Derrick na ikalat ang video sa Facebook upang ipaalam sa mga magulang ang mga posibleng mangyari sa kanilang mga anak, at siguraduhing inaalagaang mabuti ng mga doktor ang kanilang mga pasyente.

Dagdag pa ng mag-asawa, matapos mag-viral ang video ay doon lang sila kinausap ng mga nakatataas sa ospital, ngunit para sa kanila ay tila huli na ang lahat. Umaasa silang malayo sa panganib ang kanilang sanggol, at sana ay hindi magkaroon ng long-lasting na epekto ang nangyaring pagkahulog sa kaniya.

Panoorin dito ang video ng insidente:

Source: Honey

Photo: Facebook

Basahin: Sanggol, patay matapos aksidenteng maihulog sa sahig ng isang nurse

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • WATCH: Bagong panganak na sanggol, aksidenteng nahulog ng doktor
Share:
  • Lalaki, isinilid sa dryer ang 13-buwan na baby

    Lalaki, isinilid sa dryer ang 13-buwan na baby

  • 11 na maling paniniwala sa pag-aalaga kay baby na hindi dapat sundin, ayon sa doktor

    11 na maling paniniwala sa pag-aalaga kay baby na hindi dapat sundin, ayon sa doktor

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Lalaki, isinilid sa dryer ang 13-buwan na baby

    Lalaki, isinilid sa dryer ang 13-buwan na baby

  • 11 na maling paniniwala sa pag-aalaga kay baby na hindi dapat sundin, ayon sa doktor

    11 na maling paniniwala sa pag-aalaga kay baby na hindi dapat sundin, ayon sa doktor

  • This amazing baby saves her family's life

    This amazing baby saves her family's life

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.