Isang 33-year-old na lalaki ang kasalukuyang nasa poder ng mga awtoridad. Ito ay matapos niyang pinatay sa bugbog ang isang 4-buwan gulang na sanggol.
Nangyari raw ito dahil inakala ng lalake na siya ang tunay na ama ng sanggol.
Sanggol, pinatay sa bugbog
Nangyari ang karumal-dumal na insidente sa Tennessee, US.
Ang suspek raw na si Jose Avila-Agurcia ay sinampahan ng kasong murder matapos niyang bugbugin at patayin ang isang sanggol.
Noong Abril 12 raw ay rumesponde ang mga awtoridad sa isang tahanan kung saan mayroon raw sanggol na sinaktan. Wala raw malay ang sanggol, kaya’t agad nilang dinala sa ospital upang gamutin. Sa kasamaang palad ay idineklarang patay ang sanggol dahil sa tinamong pinsala.
Ayon sa ina ng sanggol, paulit-ulit raw na pinalo ng lalake ang baby nang malaman na hindi siya ang ama nito. Dahil sa ebidensyang ito, nadakip ang suspek at kasalukuyang nakakulong sa county jail.
Haharapin niya ang kasong murder dahil sa ginawa niyang pagpatay.
Importanteng pangalagaan ang ating mga anak laban sa pang-aabuso
Napaka-importante ang buhay ng mga bata. Sila ay dapat alagaan at buhusan ng pagmamahal ng kanilang mga magulang.
Kaya’t kapag mayroong insidente ng pang-aabuso ng bata na nagaganap, kailangang gawin natin ang ating makakaya upang pigilan ito.
Heto ang ilang mga hakbang upang pigilan ang child abuse.
- Kapag nakakita ka ng senyales ng pang-aabuso, huwag mag-atubiling lumapit sa mga pulis
- Protektahan ang mga batang sinasaktan o minamaltrato ng kanilang mga magulang
- Kapag mainit ang iyong ulo sa iyong anak, magpalamig muna bago sila kausapin o pagsabihan
- Huwag na huwag pagbuhatan ng kamay ang iyong anak
- Iwasan ring sigawan ang iyong anak
- Turuan ang iyong mga anak na maging mapagmahal at mapag-unawa ng iba
- Tandaan, hindi pa lubos na naiintindihan ng mga bata ang kanilang mga ginagawa. Kaya’t mahalagang intindihin at unawain sila.
Source: WBIR
Basahin: Sanggol, patay matapos aksidenteng maihulog sa sahig ng isang nurse
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!