X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Sanggol napugutan ng ulo habang nakasakay sa motor

2 min read

Kamakailan lang ay nagviral sa social media ang isang insidente na ikinamatay ng 19 na buwang gulang na sanggol. Ayon sa ulat, nakasakay daw sa motor ang lola at ina ng sanggol, at dahil sa isang malagim na aksidente, hindi sinasadyang mapugutan ng ulo ang sanggol sa motorsiklo.

Sanggol sa motorsiklo, napugutan ng ulo

Galing daw sa clinic ang mag-iina, at hawak-hawak ng ina ang sanggol sa kaniyang mga kamay. Pauwi na raw sila sa kanilang tahanan nang mangyari ang insidente.

Nakabalot raw ng malong ang sanggol upang hindi ito maarawan, ngunit hindi nila napansin na nahagip ito ng gulong ng sinasakyang motor. Dahil dito, nahila ang sanggol, at napugutan ito ng ulo nang mahulog.

Ayon sa pulisya, hindi raw nila agad nakausap ng maayos ang maglola dahil nabigla sila sa nangyari. Sinabi rin ng ilang witness na napugutan daw agad ng ulo ang sanggol. Wala na ring nagawa ang mag-ina upang sagipin ang bata.

Dahil sa nangyari, posibleng kasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide ang ina at ang lola ng bata.

Ito na raw ang pangalawang trahedya na kinaharap ng pamilya. Dahil noong 2016 ay namatay ang panganay na anak ng ina dahil matapos malunod sa isang ilog.

Hindi dapat nagsasakay ng sanggol sa motorsiklo

Mahalagang palaging mag-ingat ang mga magulang kapag kasabay nila sa sasakyan ang kanilang mga anak. Lalong-lalo na kung nakasakay sila sa motorsiklo.

Ngunit ayon sa batas, hinding-hindi dapat isinasakay ang mga maliliit na bata sa motorsiklo. Ito ay dahil sila ang pinakaposibleng mapahamak kung sakaling magkaroon ng aksidente sa motor.

Kapag hindi pa kayang abutin ng bata ang apakan sa motor, ay hinding-hindi dapat sila pinapasakay. Kahit na hawak pa sila ng nakatatanda.

Lalong-lalo nang hindi dapat pasakayin ang mga sanggol sa motorsiklo, dahil kahit mahulog lang sila sa motor ay matinding pinsala na ang puwedeng mangyari. Kung maaari, isakay sa kotse, o sa ibang mas ligtas na sasakyan ang mga sanggol kung kinakailangang bumiyahe.

Importante rin na mag-ingat ang mga nagmamaneho ng motor, at siguraduhing walang kahit anong puwedeng sumabit o mahila sa gulong ng motor. Ugaliin ding magsuot ng helmet, at huwag masyadong mabilis magpatakbo upang mapanatili ang kaligtasan ng driver at ng pasahero.

Sana ay magsilbing aral ito sa mga magulang na mag-ingat palagi kapag nagmomotor.

 

Source: Express

Basahin: 6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Sanggol napugutan ng ulo habang nakasakay sa motor
Share:
  • Paano magpakita ng pagmamahal ang mga sanggol?

    Paano magpakita ng pagmamahal ang mga sanggol?

  • 6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

    6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

  • Paano magpakita ng pagmamahal ang mga sanggol?

    Paano magpakita ng pagmamahal ang mga sanggol?

  • 6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

    6-buwan gulang na sanggol, patay matapos matapakan ang ulo

  • Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

    Mom Confession: "Naging pabaya akong nanay dahil inuna ko ang aking trabaho."

  • Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

    Mom shocked to discover second pregnancy just three months after delivery

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.