X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

4 min read
41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit

Kumpirmado: Isang lalaki ang nahawaan ng dengue virus ng kaniyang partner sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

Sanhi ng dengue hindi lang naihahawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Maari na daw itong maipasa sa pamamagitan ng pakikipagtalik. Ito ang pinakabagong balita tungkol sa sakit.

Sanhi ng dengue

sanhi ng dengue

Image from Freepik

Isang 41-anyos na lalaki mula Madrid, Spain ang nagkaroon ng dengue sa hindi matukoy na dahilan. Dahil unang-una wala namang naitalang kaso ng sakit sa lugar na kaniyang tinitirhan. At hindi rin siya bumayahe sa kahit anong bansa na talamak ang naturang sakit tulad sa Pilipinas.

Pero may nakitang isang posibilidad ang mga doktor na maaring naging dahilan ng kaniyang pagkakasakit. Ito ay pagiging positibo ng partner ng biktima sa dengue na nakuha umano nito ng siya ay bumayahe sa Cuba.

“His partner presented the same symptoms as him but lighter around ten days earlier, and he had previously visited Cuba and the Dominican Republic.”

Ito ang pahayag ni Susana Jimenez, health officer mula sa Madrid Public Health Department.

Nang eksaminin nga ang kanilang sperm dito nila natuklasan na hindi lang parehong may dengue ang dalawa. Magkapareho din ang dengue virus na sanhi ng dengue nila na tulad ng kumakalat sa Cuba.

Dito na nagkaroon ng konklusyon ang mga sumuri sa dalawang dengue victims na naihawa ng isa ang virus sa kaniyang partner sa pamamagitan ng pakikipagtalik.

“An analysis of their sperm was carried out and it revealed that not only did they have dengue but that it was exactly the same virus which circulates in Cuba.”

Ito isang pahayag mula ulit kay Jimenez.

Sakit na dengue

Una ng pinaniwalaan na ang sakit na dengue ay nakukuha o naihahawa sa pamamagitan ng kagat ng lamok. Kaya naman ang findings at kumpirmasyon ng Spanish health authorities sa pagkakahawa ng isang lalaki sa sakit dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki ay kauna-unahang kaso na naitala sa buong mundo. Ito ay ayon sa isang pahayag mula sa European Centre for Disease Prevention and Control o ECDC.

Dahil ayon parin sa Spanish health authorities, kamakailan lang sa South Korea ay naging topic din ng isang pag-aaral ang sexual transmission ng dengue sa pagitan ng isang lalaki at babae bagamat ito ay hindi pa kumpirmado.

Ayon sa WHO o World Health Organization ang virus na sanhi ng dengue ay nai-tratransmit sa isang tao sa pamamagitan ng Aedes Aegypti mosquito. Ito ay nabubuhay sa mga lugar na may tropical climates at namamalagi sa mga lugar o bagay na na maaring pag-ipunan ng tubig. Tulad ng mga bote, lata, drum, timba o kaya lumang gulong. Dagdag ng ahensya ang sakit ay pumapatay ng higit sa 10,000 na tao sa mundo taon-taon. Habang 100 million naman ang naitalang nahahawaan ng virus.

Dito sa Pilipinas naitalang may 371, 717 na Pilipino ang nagkaroon ng dengue mula noong Enero hanggang Oktubre ngayong taon. At 1,407 sa mga ito ang nakumpirmang nasawi dahil sa sakit.

Sintomas, lunas at paano makakaiwas

Ilan sa sintomas ng sakit ay pagkakaroon ng biglaang mataas na lagnat, na maaring sabayan ng pananakit ng tiyan at pagsusuka.

Sa ngayon ay wala pang specific na gamot para sa sakit. Ang tanging paraan para gumaling ang isang dengue victim ay sa pamamagitan ng pagkokontrol ng mga sintomas nito. Ito ay para maiwasang mauwi ang sakit sa mga komplikasyong nakakamatay kung mapapabayaan at hindi agad malulunasan.

Nauna ng naipakilala ang vaccine na maaring maging proteksyon umano ng mga tao mula sa sakit. Ngunit ito naman ay napabalitang naging dahilan ng pagkakasawi ng ilang nabigyan ng bakuna. Bagamat hanggang ngayon, ito ay hindi pa matibay na napapatunayan.

Ayon sa DOH, ang tanging paraan para makaiwas sa sakit ay ang pag-iwas na makagat ng lamok na may dala ng virus. Ngunit dahil sa bagong balitang ito, mas makakabuting umiwas din muna ang sinumang makipagtalik sa kanilang partner na positibong taglay ang impeksyon.

Source: GMA News, Telegraph UK, Relief Web International

Photo: Freepik

Basahin: 7 paraan para makaiwas sa dengue

 

 

Partner Stories
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Pagdating sa Gatas ni Anak, Choose Wisely!
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids
Fun gadget-free tips on how to spend quality time with kids

 

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 41-anyos na lalaki nagkaroon ng dengue matapos makipagtalik sa partner na positibo sa sakit
Share:
  • Child actress na namatay sa dengue, isang beses lang nilagnat

    Child actress na namatay sa dengue, isang beses lang nilagnat

  • 8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

    8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Child actress na namatay sa dengue, isang beses lang nilagnat

    Child actress na namatay sa dengue, isang beses lang nilagnat

  • 8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

    8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

  • 3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

    3 paraan ng pagdidisiplina na nagreresulta sa mas pasaway na bata

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.