Dahil nagbabago ang panahon, marami ring nagbabago sa bawat buhay ng mga tao. Tulad na lamang ng mga nangyayaring pagbabago sa buhay ng mag-asawa. Nagiging moderno na rin ang mga paraan para mapanatiling matatag ang pagsasama.
Dagdag pa, tumutuklas na rin tayo ng mga paraan na dati ay hindi pinag-uusapan kahit pa ng mag-asawa. Kaakibat ng mga pagbabagong ito, nagiging bago rin ang mga hamon sa pagsasama ng married couples.
Kabilang na sa mga hamon na ito ay ang mga sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa. Sa Pilipinas, hindi pa legalized ang divorce o tuluyang paghihiwalay. Kung gayon, mas pinipili ng iba na resolbahan ang mga nararanasan nilang pagsubok sa pagsasama.
Sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa
Hindi na matagal na isyu ng mga mag-asawa ang mga problemang kinakaharap sa loob ng tahanan. Kalimitan, ang nagiging sanhi nang paghihiwalay ng mag-asawa ay bunga ng hindi pagiging tapat sa isa ng isa.
Maliban pa rito, ang pagkakaiba ng interes at mga napupunuang mga personal growth ng bawat isa ang ilan pa sa mga nagiging sanhi ng paghihiwalay. Maaaring dulot ito ng kawalan ng self-esteem ng isa dahil nakakatanggap ng rewards sa buhay ang isa.
Sa ibang sitwasyon naman ay ang kawalan ng tiwala, na maaaring dulot ng mga nakaraang karanasan sa buhay. Ayon sa pagtalakay ng Psychology Today, ang pagsasama ng mag-asawa ay hindi lamang konsepto ng destiny. Ito ay commitment, kaya nangangailangan din ito ng resiliency.
Mula pagkasilang at paglaki ng bawat tao, natutunan na natin ang social contact at pakikisalamuha sa ibang tao. Dagdag pa dito, hindi hiwalay ang mga external factors at kung paano natin tinatanggap ang mga sitwasyon sa paligid.
Kung kaya, ang mga problema at sanhi ng paghihiwalay ng mag-asawa ay ibinubunga rin ng pagtanggap natin at kung paano magresolba ng mga suliranin.
Hamon sa mag-asawa
Nagiging hindrance ba o hamon ang pagiging successful sa trabaho ng iyong asawa sa inyong pagsasama? Nawawalan na ba kayo ng amor sa isa’t isa?
May mga paraan para hindi maging dahilan ang mga hamon na ito sa pagsasama ng mga mag-asawa. Pinakamabisa pa rin ang pag-uusap at pag-communicate ng inyong nararamdaman at nararanasan. Kailangan tiyakin na nagtatagpo ang mga mag-asawa sa kanilang kagustuhan, interes, at pagbibigayan.
Tandaan
Bagaman bukas tayo sa usapin ng mga hamon at dahilan ng hiwalayan ng mag-asawa, nasa batas pa rin na labag ang pakikiapid at adultery. Wala rin sa batas ng ating bansa na legal ang divorce.
Kung hindi nabanggit ang mga problema ng mag-asawa tulad ng pang-aabuso, mangyari na umugnay sa awtoridad para isuplong ang ganitong sitwasyon. Bagaman walang divorce sa bansa, ilegal pa rin ang pang-aabuso sa anomang paraan.
Mainam din ang pag-consider sa counseling bago ang pagpapakasal para malaman ng bawat isa ang mental health at kung ready na ba ang mag-asawa sa pagpapakasal.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.