Nakakabaog ang kemikal na ito—na matatagpuan sa halos lahat ng produktong ginagamit mo

Panganib dala ng Phthalates: Kadalasang matatagpuan ito sa mga plastic, personal care products at ipa pang produkto. Maaari itong maging sanhi ng pagkabaog.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Panganib dala ng Phthalates: Isang nakakabahalang hormone na kung tawagin ay phthalates. Maaari itong matagpuan mula sa mga plastic, gamit sa bahay at kahit na mga personal care products. Sa isang pag-aaral sinsabing ito’y nakakasama sa reproductive system at nagiging sanhi ng pagkabaog ng isang babae.

Mga kailangan malaman tungkol sa Phthalates 

Inakala ni Kaci Aitchison Boyle na ang pagkakaroon ng anak ay madali lamang. Magplano lamang ng romantic na gabi kasama ang iyong asawa at hayaan nang kumilos ang kalikasan. Kaya naman nang magpadesisyunang nina Boyle at kaniyang asawa na bumuo ng pamilya noong 2011, inasahan niyang madali siyang magkakaroon agad ng anak.

Nasa edad na 32-anyos si Boyle noon nang itigil niya ang pag-take ng birth control pills na sinimulan niyang inumin noong siya’y teenager pa lamang. Iniinom niya ito upang ma-regulate ang kaniyang “incredibly irregular” at masasakit na regla.

Iniisip niya na maaaring gumugol ng panahon bago siya muling magkaroon ulit ng regla. Subalit bumalik ulit ang pagkakaroon niya ng irregular periods. Sinubukan niya na lahat ng ovulation test upang ma-predict ng tama kung kailan siya fertile subalit walang gumana sa kaniya.

Phthalates dangers: It’s a chemical that can impair fertility, but hard to avoid | (Yukai Du/The New York Times)

Makalipas ang 8-buwan na hindi matagumpay na pagtatangkang mabuntis humingi na siya ng tulong sa kaniyang doktor. Natuklasan niyang mayroon pala siyang polycystic ovary syndrome (PCOS). Ito’y isang karaniwang dahilan ng infertility ng isang babae. Sinasabing may 1 in 5 na pagkakataon na maaaring mabuntis ang babae sa kada buwan hanggang tumuntong siya sa edad na 32.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagpapatuloy

Ang PCOS ay isang kundisyong pangkalusugan kung saan may sobrang androgen hormones at irregular na mensrual cycles. Nababawasan nito ang kapasidad ng obaryong maglabas o mag-release ng egg cells. Sa ganitong mga rason, mahihirapan si Boyle na magkaanak at mabuntis kaysa sa mga ibang babae na mas bata sa kaniyang edad.

Malinaw na hindi mabubuntis ang isang babae sa natural na pamamaraan kung hindi siya mag-o-ovulate. Subalit malinaw din na ang PCOS at iba pang kundisyon ay maaaring makabawas sa tiyansa na maging fertile ang babae.

Subalit ayon sa isang pag-aaral ang prenatal exporsure sa mga synthetic chemical ay nakakaapekto rin sa hormonal activity. Isa sa mga nabibigyan ng mas maraming atensyon ay ang phthalates. Ito’y industrial chemical na may kasaysayan na ng reproductive toxicity na maaaring makita sa daang-daang mga produkto. Mula sa mga plastic hanggang mga cosmetic.

APhthalates ay kilala bilang hormone-disrupting chemical, ayon ito kay Jodi Flaw, Ph. D., isang propesor ng comparative biosciences at director ng Interdisciplinary Environmental Toxicology Program sa University of Illinois.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“They can interfere with the production, elimination or binding of any hormones in the body. And the reproductive system in particular is extremely sensitive to these compounds.”

Ang phthalates ay dinagdag sa dizzying array ng mga plastic, gamit sa bahay, gamot, cleansers at personal care products. Para umano mas maging flexible, durable at fragrant ang mga ito. Madaling nakakatakas ang phthalates sa mga produktong ito bilang mga vapors o particles. Madalas itong makita sa ihi ng halos lahat ng Amerikano, gayundin sa dugo, pawis, breast milk, semilya, at ovarian fluids.

Image source: iStock

Nakukonsumo natin ang phthalates sa paghalo nito sa mga pagkain at inumin habang ito’y prinoproseso at sa mga packaging materials at sa mga pag-coat ng gamot. Na-absorb ito ng ating balat sa pamamagitan ng paglalagay rin ng lotions, makeup, shampoo, at nai-inhale pa nga natin ang particles nito mula sa ating mga blinds, shower curtains, at linoleum floors.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Here’s a class of chemicals we have a problem with and they’re ubiquitous,”

Winika ito Tracey Woodruff, Ph.D, isang director sa Program on Reproductive Health and the Environment sa University of California, San Francisco. “They’re used everywhere.” Dadag pa niya. Ang kemikal na phthalates ay maaaring maging sanhi ng pagkabaog. 

Ayon ito sa isang animal study na ginawa. Mayroon itong masamng epekto katagalan at pati na sa susunod na henerasyon. Ayon sa mga siyentista ang prenatal exposure sa phthalates at iba pang toxics ay maaaring magdulot ng gynaecological disorders katulad ng PCOS. At mas magiging dahilan ng pagiging mas sensitibo ng kababaihan sa iba pang kemikal na nagpapababa ng fertility.

Sa pag-aaral na ginawa ni Dr. Flaw at ng kaniyang mga colleague sa nakalipas na mga taon. Nakita nila na ang isang babaeng mice na na-expose habang nasa loob pa lamang ng sinapupunan sa phthalate ay may fertility problem na. Maaari itong maipasa ng isang ina na na-expose sa kemikal na ito sa kaniyang anak. “Some problems will be evident at birth and some might not show up until puberty or later in life.”

“We’re starting to think the same thing happens in humans.”

Wala pang human long-term data ang mga scientist sa phthalates sa kasalukuyan ayon kay Dr. Flaws. Subalit ang alam nila mula sa tragic na consequence nang pagbibigay sa mga babaeng buntis ng diethylstilbestrol, o DES — isang synthetic na estrogen upang maiwasan ang miscarriage o pagkalaglag ng bata — na ang exposure ng nanay sa hormone disrupters ay maaaring makasama sa development ng isang bata hanggang sa mga susunod pa nitong henerasyon.

Milyong mga babae na ang uminom ng DES hanggang 1971. Simula nang mapagtanto ng mga doktor na nagiging sanhi ito ng isang vaginal cancer. Kaya naman ang Food and Drug Administration ay nagbigay ng babala sa paggamit o pag-inom nito. Simula noon, maraming mga scientist ang nakaalam na ang DES ay nagdudulot ng mga sanhi ng pagkabaog, reproductive problems, parehas sa lalaki at babae. “When the ones who could get pregnant had kids, their children had some of the same problems,” sabi pa ni Dr. Flaws.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga batang dala-dala nila sa kanilang sinapupunan, dala-dala rin ang seeds ng kaniyang mga magiging anak, ayon kay Dr. Woodruff. “So if you expose my future daughter or son, you’re also exposing their future daughter or son,”

“If the machinery that guides development gets mucked up, once you change it, it’s really hard to change it back.”

 

Ang kasaysayan ng neglect sa pananaliksik sa mga babae

Hindi katulad ng mga ibang toxics na umuusbong sa mga fat cells. Ang Phthalates ay madaling naipapasa sa katawan. Subalit dahil sa patuloy na pagpapalit ng phthalates sa mga plastic at personal care products. Tinatawag ito ng mga scientist na “pseudo-persitent.”

Ang pag-aaral na ito’y nagpapakita kung gaano kataas ang lebel ng phthalates sa kababaihan kaysa kalalakihan. Idinudugtong nila ito sa mga produktong kadalasang ginagamit ng kababaihan. Katulad ng pabango, hair spray, at cosmetics, na isang tool o pangangailangan ng isang babae na katulad na lamang ni Boyle na isang journalist; na maaaring maging sanhi pala ito ng pagkabaog, hirap sa pagbubuntis, o infertility.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kabilang banda hindi pa rin lubos maunawaan ng mga scientist kung bakit ang kemikal na phthalates ay nakakaapekto sa fertility at reproduction ng isang babae. Maaaring masipat na ang mga testicles ng kalalakihan ay visible na kapag sila’y ipinanganak, samantalang ang problema sa obaryo ng babae ay hindi agad ito nade-develop hanggang sa tumuntong siya ng puberty. Kaya nahihirapan sila itong aralin.

Halos dalawang dekada na ang nakakalipas nang ipinakita ng mga scientist ang isang pag-aaral. Ito’y ang isang buntis na daga na may exposure sa phthalates ay nakasira sa testosterone ng kaniyang anak na lalaki. Nag-iwan ito ng abonormalidad at problema sa semilya ng kaniyang anak, tinawag itong “phthalate syndrome.”

“The whole process of making eggs and sperm is completely controlled by hormones,” sinabi ito ni Patricia Hunt, Ph. D., isang reproductive biologist sa Washington State University.

“In experiments, we can screw things up really, really badly with toxic exposures in developing males and females and permanently change an animal’s reproduction.”

Ang mga pag-aaral tungkol sa phthalates ay nakakaapekto at nagdudulot ng problema sa kalusugan sa kababaihan. Isang pag-aaral noong 2018 halimbawa, natuklasan ang isang ugnayan ng phthalate exposure sa isang poor egg at embryo quality sa mga babaeng sumasailalim sa fertility treatments. Subalit sa kabuuan, ang field ng women’s health research ay underfunded o walang sapat na pondo ayon kay Dr. Woodruff.

Ang mga paunang senyales ng panganib ng phthalates sa reproductive health ng kababaihan ay nagsimula noong 1975. Natuklasan ng mga researcher na ang mga Russian factory worker na expose sa mataaas na phthalate levels sa kanilang trabaho’y kakaunti ang pagbubuntis at mas maraming pagkalaglag o miscarriage. Kaysa sa mga babaeng hindi exposed dito.

 

Panganib ng Phthalates: Pagbabawas sa exposure dito

Ang mga couple katulad nina Boyles, ay hindi madalas magbasa patungkol sa rat infertility bago subukang buo ng pamilya. At hindi rin naman naisip ni Boyle ang patungkol sa hormone-disrupting chemicals noong siya’y nasa 20’s. Kaya nang magtrabaho siya sa isang radio station s Seattle at noong nagging co-host siya sa isang TV morning show noong siya’y 31-anyos.

Naisip niya lamang ito nang siya’y magpa-vitro fertilization transfers. Nagsimula siya’y magtanong at maging curious sa environmental chemicals. Katulad na lamang nang mga foundation at eye makeup na ginagamit niya sa kaniyang trabaho sa harap ng camera, na nakakaapekto pala ito sa fertility. Hindi niya rin naisip na maaaring maging sanhi ito ng pagkabaog, hirap sa pagbubuntis, o infertility.

Ang doktor ni Boyle sa fertility sa Pacific NW Fertility clinic na si Lora Shahine, M.D., Lagi sinasabihan ang kaniyang mga pasyente na magpokus sa pag-eehersiyo at pagkain ng tama upang ma-boost ang kanilang fertility. Sinimulan din niyang payuhan ang kaniyang mga pasyente na iwasan ang exposure sa phthalates at iba pang hormone-disrupting chemicals matapos niyang mabasa ang “matinding ebidensiya” na pag-uugnay nito sa gynaecological at pregnancy problem. Nang siya’y nananaliksik noong 2015 at librong co-author siya, “Planting the Seeds of Pregnancy.”

Hindi tipikal sa mga doktor na malaman kung ang phthalates ba ang sanhi ng pagkabaog o infertility problems. Pero kaya na nilang i-point out sa lumalawak na pag-aaral patungkol sa higher levels ng kemikal na maaaring ma-lead sa mataas na tiyansa ng miscarriage o pagkalaglag ng sanggol, mababang fertility at hirap sa pagbuo ng bati. Sinabi ni Dr. Shahine,

“This is not something that was taught in medical school.”

Image source: Shutterstock

Challenging umano ang pag-aaral patungkol sa problema sa fertility ng kababaihan at sanhi ng pagkabaog nila. Sinabi ito ni Dr. Woodruff sapagkat mahirap paghiwalayin ang exposure sa kemikal at iba pang potensyal na dahilan. Kadalasan naiisip agad ng mga doktor na maaaring sanhi ito ng sakit, katulad ng impeksyon, at hindi exposure sa kemikal na sanhi ng chronic na kundisyon na ito, sabi pa niya.

“We’re one of the first medical schools to have a lecture on environmental reproductive health for medical students,” winika ni Dr. Woodruff.

“Most medical schools don’t have that.”

Hanngang 2013 ang American College of Obstetricians and Gynaecologist, kasama ang University of California, San Francisco, ay nag-issue ng isang statement sa mga clinician upang payuhan ang kanilang mga pasyente na tukuyin at bawasan ang exposure sa toxic environmental exposure. Base ito sa “sufficiently robust” na ebidensiya na na-uugnay ito sa reproductive at developmental health outcomes, o sanhi ng mgapagkabaog o tuluyang pagkabaog.

Ang mga pag-aaral sa nakalipas na mga taon ay inuugnay sa mataas na lebel ng phthalates hanggang sa mababang lebel ng matagumpay na IVF at pagtaas ng miscarriage risk may IVF man o wala. Noong Abril, binalaan ng mga researcher ang mga nanay patungkol sa phthalates exposure bago ang conception. Maaari ma-overlooked nila ito bilang isang risk factor bago magdesisyong magbuntis ulit.

Ang mga fertility clinic naman ay hindi nagte-test para sa phthalates levels. Kaya si Boyle ay hindi alam kung ano ang kaniyang lebel. Hindi rin niya matukoy kung anong mga produkto ang naglalaman ng phthalates. Sapagkat ang mga kumpanya ay maaaring i-label ito bilang fragrance. Subalit maraming mga cosmetic product sa United States of America angg naglalaman ng phthalates na banned na sa European Union. Nangangamba si Boyle na kaniyang mga ginagamit sa mukha para sa TV ay may posibilidad na mapunta sa kaniyang baga.

 

Inabisuhan ni Dr. Shahine si Boyle na baguhin ito unti-unti.

Kung possible ang pagbawas sa exposure sa phthalates sa mga produktong “phthalates-free.” Katulad na lamang ng pag-iwas sa pagbili ng scented soap, air freshener, fabric softener, at iba pang cleanser. Mas mainam umano ang “fragrance free” kaysa sa “unscented,” ayon kay Dr. Woodruff. Sapagkat ang mga kumpanya raw ay gumagamit ng ibang kemikal upang matago ang scent o amoy nito.

Ang pagbabawas din ng pagkain ng mga takeout food ay makakatulong upang mabawasan ang exposure sa phthalates. “If you eat a higher diet of food prepared outside the home, you’re going to have higher exposure to phthalates,” sabi ni Dr. Woodruff. Isang pag-aaral noong 2018 ni Dr. Woodruff at isang team ng mga researcher ang nakatuklas na ang pagkain umano sa mga takeout o restaurant food, particular ang mga cheeseburgers, ay nauugnay sa mataas na phthalate exposure kaysa sa pagkain sa bahay.

Hindi klaro kung paano nagkakaroon ang mga ito ng kemikal na phthalates. Maaaring sa packaging materials, o sa pag-handle sa pagkain gamit ang gloves, dagdag pa niya,

“But it’s better to eat fresh fruits and vegetables prepared in your home.”

Mahirap pa ring mapigilan ang isang indibiwal na magkaroon ng exposure sa phthalate dahil halos lahat ng ating ginagamit ay mayroon nito. Abodkasiya ni Dr. Woodruff na magkaroon ng isang government policy kung saan lumapit na mula sa toxic papunta sa mga ligtas na alternatives.

“Otherwise you’re really at the mercy of the industry.”

Halos tatlong taon na ang nakakalipas, simula nang makipagsapalaran si Boyle sa IVF at dalawang masasakit na miscarriages. Ipinanganak niya ang kaniyang anak na si Scarlett. Hindi niya ang kung bakit hirap ang kaniyang katawan na mag-ovulate at mag-hold sa kaniyang pagbubuntis. Pero wala ring paraan upang malaman kung ang kaniyang mga effort  sa pag-iwas sa mga produktong may phthalates at iba pang toxic na kemikal ay nakatulong upang siyang mabuntis.

Sa hindi inaasahan na pagkakataon, nalaman niya ngayong taon ang isa pang balita. “We’re expecting in September, and I’ll be 41 in October. This was a complete surprise.”

 

This Chemical Can Impair Fertility, but It’s Hard to Avoid” ni Liza Gross © 2020 The New York Times Company

Si Liza Gross ay isang science and health journalist at awtor ng “The Science Writer’ Investigative Reporting Handbook”

 

This story was originally published on 25 August 2020 in NYT Parenting. 

And republished by theAsianparent Singapore and translated in theAsianparent Philippines with permission.

Translated in Filipino by Marhiel Garrote 

 

BASAHIN:

Paano ka matutulungan ng iyong anak sa pagbubuntis?

13 beauty products na bawal sa buntis

 

Sinulat ni

NYT Parenting