X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 dahilan kung bakit nagiging baog ang isang lalaki

5 min read
5 dahilan kung bakit nagiging baog ang isang lalaki5 dahilan kung bakit nagiging baog ang isang lalaki

Ang pagkakaroon ng isang anak ay ang pangarap ng bawat mag-asawa ngunit ang iba ay hindi pinapalad na mabiyayaan nito dahil sa infertility issues o pagkabaog lalo na sa mga lalaki.

Ang mga sanhi ng pagkabaog ng lalaki ay nag-uugat sa hindi pagkakaroon ng malusog na sperm na importante sa fertilization process para makabuo ng isang baby.

Ayon sa isang pag-aaral, ang infertility o ang hindi pagkakaroon ng anak ay umaapekto sa 15% ng mga mag-karelasyon sa buong mundo. Ang porsyentong ito ay aabot sa bilang na 48.5 million couples na kung saan kalahati sa mga kaso na ito ay sanhi ng pagkabaog ng lalaki o male infertility.

Ang kondisyon na ito na pinagdadaaanan ng ibang mga lalaki ay itinuturing na isang significant health problem sa buong mundo na naging daan upang gumawa ng mga treatment at products of technology para masolusyonan ito.

Pero ano nga ba ang sanhi ng pagkabaog ng isang lalaki?

sanhi ng pagkabaog ng lalaki

Photo: Pixabay

5 sanhi ng pagkabaog ng lalaki

Ang pagkabaog ng mga lalaki ay sinasabing nagsisimula sa iba’t-ibang dahilan. Maaring ito ay dahil sa kaniyang health condition, environmental background o di kaya naman ay sa kaniyang family history.

Pero may isang pagkakatulad ang mga dahilan na ito, lahat sila ay umaapekto sa pag-poproduce ng lalaki ng malusog na sperm na kailangan sa upang mabuntis ang isang babae.

Para mas maunawaan, narito ang mga sanhi ng pagkabaog ng lalaki at ang mga maaring pinag-ugatan nito.

1. Low sperm production

Isa sa dahilan ng pagkabaog ng lalaki ay ang pagkakaroon ng low sperm count sa kaniyang semen na nagpapababa ng tiyansa niyang makabuntis. Sinasabing mababa ang sperm count ng isang lalaki kung ito ay bababa sa 15 million sperm kada isang milliliter ng semen na lumalabas sa kaniya.

Ilan naman sa itinuturong dahilan kung bakit bumababa ang sperm count ng isang lalaki ay ang sumusunod:

  • Pre-existing genetic condition
  • Mga bisyo gaya ng pag-inom ng alak, sigarilyo at droga
  • Malalang mumps infection matapos ang puberty
  • Hernia repairs
  • Hormone disorder
  • Exposure sa mga nakakalason na kemikal
  • Exposure sa radiation
  • Blockage dahil sa infection
  • Pagsusuot ng masikip na underwear
  • Injury sa groin area

2. Abnormal sperm production o function

Upang makabuntis ang isang lalaki ay dapat may normal na sperm production o function ito. Dahil kung hindi, ang sperm ay hindi makakarating sa kaniyang dapat puntahan upang tagpuin ang egg cell ng isang babae para masimulan ang fertilization process.

Ang sperm ng isang lalaki ay masasabing abnormal sa dalawang dahilan, una ay dahil maiksi ang lifespan nito at pangalawa dahil mahina ang mobility o movement nito.

Ang mga itinuturong dahilan naman na nakakaapekto sa quality at abnormality ng sperm production at function ng isang lalaki ay ang sumusunod:

  • Pamamaga ng bayag o testicles
  • Underdeveloped na testicles
  • Genetic defects
  • Health problems gaya ng diabetes
  • Infections gaya ng chlamydia, gonorrhea, mumps o HIV

3. Problema sa ejaculation

Ang mga sperm ay nabubuo sa testicles na isang lalaki, dadaan ito sa isang tube na kung saan ito ay hahalo sa semen at ilalabas ng penis sa ejaculation. Ngunit kung makakaranas ng problema sa ejaculation ang sperm ay hindi makakalabas ng maayos at walang pagbubuntis ang mangyayari.

Ilan sa mga itinuturing na ejaculation problems ay ang sumusunod:

  • Premature ejaculation o early ejaculation
  • Retrograde ejaculation o ang pagbalik ng semen
  • Erection dysfunctions
  • Complications mula sa radiation therapy o surgery

4. Problemang medikal

Ang sanhi ng pagkabaog ng lalaki ay maaring dahil rin sa iba pang health issues o medical treatments na pinagdaan niya tulad ng mga sumusunod:

  • Spinal cord injuries
  • Anti-sperm antibodies
  • Tumor
  • Hormonal imbalance
  • Chromosome defects o inherited disorders gaya ng Klinefelter’s syndrome
  • Celiac disease
  • Testosterone replacement therapy
  • Cancer medications (chemotherapy)

5. Lifestyle issues

Ang uri ng lifestyle ng lalaki ay isang dahilan rin ng male infertility. Maliban sa pag-inom ng alak, paninigarilyo, paggamit ng illegal na droga, ang emotional stress, depression at obesity ay contributing factors din sa pag-poproduce ng healthy sperm ng isang lalaki,

Sintomas ng pagkabaog ng lalaki

Maliban sa walang kakayahang makabuntis, may iba pang sintomas ang iniuugnay sa male infertility. Ito ay ang mga sumusunod:

  • Pabalik-balik na respiratory infection
  • Walang sense of smell
  • Abnormal na paglaki ng suso ng lalaki o gynecomastia
  • Paglalagas ng buhok sa mukha o katawan o iba pang senyales ng chromosal o hormonal abnormality

Para naman malaman kung baog nga ang isang lalaki ay dadaan siya sa mga test na ito upang makumpirma ang sitwasyon niya.

  • Semen analysis para malaman ang quality at number ng sperm
  • Blood test para ma-check kung ang lalaki ay may infection o hormonal problems
  • Pagkuha ng fluid sa penis para macheck kung may infection ito
  • Physical examination sa penis, scrotum at prostate

Samantala, may mga paraan naman na maaring gawin para magamot ang male infertility.

  • Pag-inom ng mga gamot o supplement para madadagdagan ang sperm production
  • Pag-inom ng antibiotics para magamot ang infection
  • Pag-tetake ng hormones para maayos anf hormonal imbalance
  • Iwasang maligo ng matagal sa hot showers, hot tubs o sauna
  • Iwasang mag-suot ng maluluwag na underwear
  • Pagkakaroon ng healthy lifestyle at pagtigil sa mga bisyo gaya ng paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng illegal na droga

May mga options din ang mga mag-karelasyon na maaring subukang gawin para masolusyonan ang pagkabaog ng lalaki at magkaanak.

  • Artificial insemination o ang procedure na maaring gawin kung mababa ang sperm count ng isang lalai. Dito kokolektahin ang sperm ng lalaki matapos ang multiple ejaculation at ilalagay sa sinapupunan ng babae.
  • In vitro fertilization o ang pag-fefertilize ng sperm at egg cells sa isang laboratory na kinalaunang ilalagay sa sinapupunan ng babae
  • Paggamit ng donor sperm mula sa isang sperm bank na ilalagay sa sinapupunan ng babae sa pamamagitan ng artificial insemination.

Kung nakakaramdam ng sintomas ng pagkabaog, huwag mag-atubiling kumonsulta sa duktor.

 

Sources: NCBI, Hindustantimes, American Pregnancy

Basahin: Paano mo malalaman kung ikaw ay baog, at ano ang sintomas ng pagkabaog?

Partner Stories
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids
Access Travel CEO launched her first book “Meet the World”, inspires people around the globe to be adventurous like kids
12.12 TRAVEL SALE ALERT: Make that upcoming family vacation better with Klook!
12.12 TRAVEL SALE ALERT: Make that upcoming family vacation better with Klook!
Do UV lamps and air purifiers work against COVID-19? Health experts from MakatiMed weigh in
Do UV lamps and air purifiers work against COVID-19? Health experts from MakatiMed weigh in
AIA Philippines introduces total health solution for costumers
AIA Philippines introduces total health solution for costumers

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Nagplaplanong Magbuntis
  • /
  • 5 dahilan kung bakit nagiging baog ang isang lalaki
Share:
  • Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas

    Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas

  • #AskDok: Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

    #AskDok: Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

app info
get app banner
  • Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas

    Male infertility o pagkabaog ng lalaki: Sanhi, sintomas at ang maaring gawing lunas

  • #AskDok: Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

    #AskDok: Paano malalaman kung baog ang isang lalaki?

  • Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

    Aga Muhlach at Charlene Gonzales pinag-usapan ang pagkakaroon muli ng anak: “Kung magkaka-baby kami now, siguro grabeng spoiled”

  • Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

    Anak ni Ruffa Gutierrez emosyonal nang muling makausap si Yilmaz Bektas: "I hope one day, magkita sila."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.