Sanhi ng preeclampsia nadiskubre na!

Ayon sa pag-aaral, ang preeclampsia dulot ng cholesterol crystals na namuo sa uterine wall ng isang buntis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa wakas ay natuklasan na ng isang pag-aaral ang pangunahing sanhi ng preeclampsia. Ito’y itinuturing na breakthrough sa mundo ng siyensya. Sapagkat malaking tulong ito upang maiwasan ang isa sa leading cause of death sa mga babaeng buntis at kaniyang dinadalang sanggol.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Pangunahing sanhi ng preeclampsia
  • Paano ito nakakaapekto sa buntis
  • Sintomas preeclampsia

Ito ang pangunahing sanhi ng preeclampsia

Matagal ring naging malaking katanungan kung ano ang sanhi ng preeclampsia o high blood sa buntis. Pero ngayon matapos ang isang matagumpay na pananaliksik ay natukoy na ang pangunahing sanhi nito. Ito’y nagawa ng mga researcher mula sa Norwegian University of Science and Technology. Ang kanilang ginawang pag-aaral nailathala sa journal na Frontiers in Immunology.

Ayon sa resulta ng pag-aaral, ang komplikasyon na ito ng pagbubuntis ay dulot ng mga cholesterol crystals sa uterine wall ng isang babae.

Sanhi ito ng cholesterol crystal sa uterine wall ng isang babae

Photo by Daniel Reche from Pexels

Natuklasan ito ng mga researchers matapos tingnan ang cholesterol level ng mga buntis na may preeclampsia. Ayon sa siyensya, ang mataas na cholesterol level ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng cardiovascular disease.

Kaya naman nagkakaroon mataas ang tiyansa na maranasan ng isang babaeng makaranas ng preeclampsia noong siya’y buntis. Ito ang ginamit nilang koneksyon para mabuo ang kanilang teorya at mapatunayan ito sa ginawa nilang pag-aaral.

Ang mga cholesterol crystals ay nabubuo kapag ang mga bad cholesterol ay naipon sa walls ng blood vessels. Ito’y maninigas saka babara sa mga blood vessels. Ayon pa sa pag-aaral, ito ang pinagsisimulan ng inflammation at nagdudulot ng blood clot sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang mga crystals na ito’y dapat mailabas ng katawan dahil sa itinuturing itong harmful substances at masama sa kalusugan. Sapagkat kung hindi magdudulot ito ng abnormal reaction sa immune system na mauwi sa inflammation o pamamaga ng katawan.

Paano ito nakakaapekto sa buntis at kaniyang sanggol?

Sa pagbubuntis, ayon sa isang researcher na si Gabriela Silva na kabilang sa ginwang pag-aaral, ang inflammation ay mas mataas o mas kapansin-pansin sa maternal-foetal interface ng babae.

Kung saan ang cell ng babaeng buntis ay may direktang contact sa foetal cells sa placenta at uterine wall. Ito ang nakikitang paliwanag kung bakit naaapektuhan ng preeclampsia ang buntis at ang baby niya. Paliwanag ni Gabriela Silva mula sa Norwegian University of Science and Technology Centre of Molecular Inflammation Research o CEM

“This direct contact means that the inflammation directly affects the communication between mother and foetus and contributes to even greater inflammation in the mother.”

Dagdag pa niya normal naman na mataas ang cholesterol level ng buntis dahil sa kailangan ito ng kaniyang foetus at placenta. Pero mas tumataas pa ito kung ang buntis ay may preeclampsia na nagpapataas din ng tiyansa niya na makaranas ng cardiovascular disease.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“A pregnancy is actually a kind of natural inflammatory condition, and in the case of preeclampsia, the inflammation has become too strong and leads to disease.”

BASAHIN:

Preeclampsia at iba pang panganib sa panganganak

Ano ang postpartum preeclampsia? Mga mahalagang impormasyon tungkol dito

First-time mom nasawi dahil sa preeclampsia

Rekumendasyon ng pag-aaral

People photo created by valuavitaly – www.freepik.com 

Bagama’t kailangan pa ng dagdag na pag-aaral naniniwala si Silva na napakahalaga ng findings ng kanilang pag-aaral sa treatment o lunas ng preeclampsia sa buntis. Ito nga ay ang pagpapababa ng cholesterol level ng buntis na pangunahing sintomas ng preeclampsia.

Ganoon din ang pagchecheck o pagsubaybay sa cholesterol level ng buntis sa simula palang ng pagdadalang-tao. Mas mainam umanong paraan ito kaysa sa pag-inom ng mga gamot na maaaring makasama sa pagbubuntis na hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga pag-aaral.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Some women have an increased risk of preeclampsia right from the start. They should be followed up with a cholesterol check. This isn’t done regularly today, but it should be done regularly in the future. The use of statins during pregnancy is not recommended now. Still, several clinical studies are looking more closely at this and are showing that pravastatin, for example, can be safe to use during pregnancy.”

 

Ano ang high blood sa buntis o preeclampsia?

Ang preeclampsia ay isang kumplikasyon sa pagbubuntis. Ito’y nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mataas ng blood pressure ng babaeng nagdadalang-tao.

Madalas itong nagsisimula sa ika-20 ng linggo ng pagbubuntis. Kahit na may naitalang normal na blood pressure noong una ang babaeng buntis.

Ang napabayaang high blood sa buntis o preeclampsia ay maaaring mauwi sa seryosong kumplikasyon sa ina at kaniyang sanggol o hindi kaya naman ay sa kamatayan.

Para makaiwas sa seryosong kumplikasyon na maidudulot ng preeclampsia ang pinakamabisang lunas ay maipanganak o mai-deliver ng mas maaga si baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Subalit kung ang preeclampsia ay nagsimula ng maaga sa pagbubuntis ay kailangan ng doble pag-iingat at mahigpit na pag-aalaga sa kalagayan ng buntis at ng sanggol na kaniyang dinadala hanggang sa ito ay maging handa na para sa delivery.

May mga pagkakataon din na nagde-develop ito pagkatapos maipanganak ang sanggol na tinatawag na postpartum preeclampsia.

Sintomas ng preeclampsia

Photo by Apostolos Vamvouras on Unsplash 

Maliban sa mataas na blood pressure ang iba pang sintomas ng preeclampsia ay ang sumusunod:

  • Protein sa ihi
  • Grabeng pananakit ng ulo
  • Pansamantalang panlalabo ng mata
  • Pananakit ng tiyan sa ibaba ng tadyang sa bandang kanan
  • Pagsusuka o pagduduwal
  • Impaired liver function
  • Paghingal

Ang biglang pagtaba at pamamanas ng mukha at kamay ay sintomas rin ng preeclampsia. Ngunit ito rin naman ay normal lang din na maranasan ng mga babaeng nagdadalang-tao.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para maiwasan ang preeclampsia, ipinapayong umiwas sa maalat o ma-calories na pagkain ang buntis. Dapat ring bantayan niya ang kaniyang timbang at madalas na magpa-checkup para masubaybayan ang kaniyang pagdadalang-tao.

Source:

Mayo Clinic

Isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz

Translated with permission from theAsianparent Singapore