TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Mommies, mag-ingat sa "Call Santa" app sa mga smart phone

3 min read
Mommies, mag-ingat sa "Call Santa" app sa mga smart phone

Kinilabutan ang isang ina matapos siyang makarinig ng nakakatakot na babala mula sa Call Santa app na nasa tablet ng kaniyang anak.

Hindi maikakaila na maraming bata ang gumagamit ng mga tablet at smart phone upang maglaro at maglibang. Marami din namang mga kid-friendly na apps na talagang ginawa para sa mga bata. Ngunit isa sa mga app na ito, ang “Santa Call New 2018”, ay may tinatagong sikreto.

Santa Call New 2018: Hindi ito pambatang app

Nagulat ang inang si Kersty Taylor nang makarinig siya ng nakakatakot na babala mula sa “Santa Call New 2018” app sa tablet ng anak niya.

Ang app raw na ito ay kunwaring tumatawag kay Santa Claus, at magbibigay ng masasaya at positibong mensahe sa mga bata. Ngunit bigla na lang daw may magsasalita at magsasabi ng babala na ito:

“Hello there. Can you hear me?

“In five nights, if you’re free, I will look for you, I will find you, and I will kill you.”

Ayon kay Kersty, ginagamit daw ng anak niyang si Evie-Elizabeth ang app, nang marinig niya ang nakakatakot na mensahe. Dahil sa nangyari, nag-post siya sa Facebook ng babala sa ibang mga magulang na huwag i-download ang app.

Ito ay dahil posibleng maging sanhi ng trauma sa bata ang marinig nila sa app. Dagdag pa ni Kersty, iyak daw ng iyak ang anak niya sa takot matapos marinig ang app.

Ni-report na niya ang app, at umaasang tatanggalin na ito mula sa Amazon store. Inuudyok din niya ang ibang mga magulang na mag-report at maging mapagmatyag pagdating sa mga ganitong apps.

Bantayan ang paggamit ng bata sa mga gadgets

Malaki ang naitutulong ng mga gadgets pagdating sa pag-aalaga ng bata. Ginagamit ito ng mga magulang upang mapakalma ang kanilang mga anak, o kaya para makuha ang kanilang atensyon.

Ngunit importante pa rin na huwag hayaang masyadong mahumaling sa mga gadgets ang mga bata. Ito ay dahil mayroon ding masamang epekto ang paggamit nito, tulad ng pagiging addicted sa gadget, o kaya ay naeexpose sila sa mga bagay na hindi nila dapat makita o marinig.

Kaya’t heto ang ilang dapat tandaan ng mga magulang pagdating sa gadgets:

  • Huwag hayaang gumamit ng gadget mag-isa ang iyong anak. Bantayan sila palagi at gabayan sila.
  • Subukan muna sa sarili ninyo ang mga apps na dinodownload upang masiguradong pambata talaga ito.
  • Gamitin ang parental safety settings ng mga gadgets upang makaiwas sa hindi tamang content ang mga bata.
  • Huwag hayaang gamitin ng matagal ang mga gadgets. Maglaan ng oras para maglaro sa labas, o iba pang mga gawain.
  • Magsilbing mabuting halimbawa para sa iyong anak. Huwag masyadong nakatutok sa cellphone, o palaging nagtitingin sa Facebook.

 

Source: The Sun

Basahin: Do you know what your kids are watching on YouTube? Mom shares horror story

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • Mommies, mag-ingat sa "Call Santa" app sa mga smart phone
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko