Sarah Abad at Jay Contreras nagsama sa 12th birthday ng anak nilang si Isla: “We’ll always be the best team ever!”

Paano nga ba napanatili ni Jay at Sarah ang maayos na relasyon sa kabila ng naging paghihiwalay nila? Narito ang sagot ni Sarah.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sarah Abad at Jay Contreras muling nagkasama sa 12th birthday ng anak nilang si Isla. May emotional message rin sila para sa anak.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Muling pagsasama nina Sarah and Jay
  • Birthday message nina Sarah Abad and Jay Contreras sa 12th birthday ni Isla
  • Paano nga ba napanatili ni Jay at Sarah ang maayos na relasyon sa kabila ng naging paghihiwalay nila?

Muling pagsasama nina Sarah and Jay

Image from Jay Contreras's Instagram account

Mayo noong 2020 noong kumpirmahin ng dating child star na si Sarah Abad na hiwalay na sila ng frontman ng bandang Kamikazee na si Jay Contreras. Ito ay ginawa ni Sarah sa pamamagitan ng isang Instagram post.

Doon sinabi niyang nagpapasalamat siya sa pagmamahal at suporta ng mga taong nasa paligid niya sa mga panahong iyon. Hindi man niya sinabi ang dahilan ng kanilang paghihiwalay dahil sa hindi pa siya handa, siniguro naman ni Sarah na mananatili silang magkaibigan ni Jay para sa kapakanan ng dalawa nilang anak na sina Isla at Kidlat.

Nitong Miyerkoles ay marami ang natuwa ng parehong mag-post si Sarah at Jay na sila ay muling nagkasama. Ito ay naganap sa 12th birthday ng bunso nilang anak na si Isla.

Si Jay at Sarah ay nagbahagi ng mga larawan nilang magkasama. Sila ay nagbigay rin ng mensahe sa kaarawan ng kanilang bunso.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Jay siniguro sa kaniyang prinsesa na lagi lang silang nandiyan para sa anak ng dating misis na si Sarah Abad.

Birthday message nina Sarah Abad and Jay Contreras sa 12th birthday ni Isla

“Happy 12th birthday sa prinsesa ko, thank you for being the sweetest and the smartest. Always remember na kahit anung mangyari. At kahit anung dumating nandito lang kame lagi ng Mommy mo for you, we love you so much @isl4contreras. ?”

Ito ang mensahe ni Jay sa anak sa pamamagitan ng kaniyang Instagram account.

Lumang larawan nina Sarah Abad at Jay Contreras kasama ang mga anak na sina Isla at Kidlat/ Image from Jay Contreras's Instagram account

Si Sarah naman ay mas mahaba ang mensahe para sa anak ni Isla. Ito nga ay sinimulan ng dating child star sa pagsasabing alam niyang nahirapan ang anak sa naging paghihiwalay nila ni Jay. Pero siniguro rin nito na lagi silang nandyan para sa anak anuman ang mangyari.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Dearest Isla,

I know the past year has been hard for our family. And although you don’t really talk about how you feel, I know it’s not easy for you. But with all the changes happening, always remember that one thing never will — your Daddy and I will always be here for you no matter what.”

Ito ang bungad ni Sarah sa birthday message niya para sa anak na si Isla.

Dagdag pa niya, very proud siya sa anak sa maraming dahilan. Nangunguna na sa mga dahilan na ito ay kung paano nito tinanggap ang nangyari sa kanilang pamilya sa positibong paraan. At kung paano ito naging matatag at masunuring anak sa kabila ng nangyari sa kaniyang mga magulang.

“We are proud of many things about you. But what we’re proudest of is how you’ve accepted our situation with so much understanding, love, and maturity. We’ve been honest with you ever since we made the decision. And you, not once, showed hatred or resentment, but instead remained the loving daughter you’ve always been. I am amazed at how strong and resilient you’ve become.”

Kaya naman pangako ni Sarah sa anak, anuman ang mangyari mananatili silang team na susuportahan ang isa’t-isa sa lahat ng bagay. At lagi itong mamahalin kahit na hiwalay na sila ng mister na si Jay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Whatever happens and whatever other people might say about us, continue to focus on yourself, goals, and dreams. We’ll always be here for you, to love and support you.”

“We’ll always be the best team ever!”

“Happy birthday, Isla! We love you always”

Ito ang mensahe ni Sarah sa 12th birthday ng anak na si Isla.

BASAHIN:

Trina Candaza calls out ABS-CBN saying Carlo Aquino broke up with her: “Sa pagkaka-alala ko po parang baligtad.”

Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

Ruffa Gutierrez pumalag sa rumor na siya’y buntis: “I am not pregnant with twins”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano napanatili nina Jay Contreras at Sarah Abad ang maayos na relasyon sa kabila ng paghihiwalay nila?

Image from Jay Contreras's Instagram account

Samantala, sa isa sa mga Q & A game na pinaunlakan ni Sarah sa kaniyang IG account, ay sinagot niya ang tanong kung paano ang ginawa niyang pagmomove-on sa naging hiwalayan nila ni Jay. Ganoon rin kung paano nito nagagawang magkaroon ng maayos na relasyon sa dating asawa.

"You have to set aside the hate and anger na nararamdaman and stay committed to this new relationship that you have. We have our good days and bad days but, 'yun nga, if you share the same priorities and goals for the family, mas nagiging madali to get along with the other person."

Ito ang sagot noon ni Sarah na umamin ring sa kabila ng mga nangyari sa kanilang ng dating asawa na si Jay ay may special place parin ito sa puso na hindi na mawawala.

Nasa 11 taon nagsama si Jay at Sarah bago tuluyang naghiwalay.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement