Matteo Guidicelli sinagot ang tanong kung buntis nga ba si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli sinagot ang tanong kung buntis nga ba si Sarah Geronimo

Matteo Guidicelli deretsahang sinagot kung buntis ba ang asawang si Sarah Geronimo. Matteo, sinabing kahit anumang ibigay ng Diyos ay tatanggapin at pasasalamatan nila.

Sarah Geronimo pregnantrumors deretsahang sinagot ni Matteo Guidicelli sa live broadcast ng online fundraising concert na One Voice Pilipinas.

Sarah Geronimo pregnantrumors sinagot ng mister na si Matteo

Dahil sa biglaan at sikretong pagpapakasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli nitong Pebrero ay naging usap-usapan na baka buntis na ang Popstar Princess. At maliban nga sa fans at followers ng aktres ay may mga celebrities rin pala na naiintriga kung buntis na nga ba o hindi pa si Sarah. Isa na nga rito ang internet celebrity at mister ni Solenn Heussaff na si Nico Bolzico.

Sarah Geronimo pregnant

Image screenshot from Matteo Guidicelli’s Instagram account

Nitong Linggo, March 29 sa Facebook live broadcast ng online fundraising concert na One Voice Pililipinas ay deretsahang tinanong ni Nico kung totoo nga ba ang Sarah Geronimo pregnantrumors na kumakalat. Hind naman nagpatumpik-tumpik si Matteo na sagutin ito.

Nagsimula ang pag-amin ni Matteo matapos nitong kumustahin si Nico sa experience nito bilang isang first time dad.

“It’s good. We take turns in taking care of Thylane. I think that’s one of the best things about this quarantine, we can spend time with Thylane.”

Ito ang isinagot ni Nico na sinabing naging magandang oportunidad ang ipinatutupad na community quarantine para magkaroon sila ng asawang si Solenn ng quality time sa kanilang anak na si Thylane. Dagdag pa ni Nico ay maituturing na siyang isang pro sa pagiging daddy kahit first time palang niya ito.

“I’m pretty good at it. I’m a pro already. Two things: You let them be. You give them freedom to do whatever they want, whatever their passion is. And no boys allowed.”

Ito pa ang dagdag na pahayag ni Nico na agad niyang sinundan ng tanong sa kung buntis nga ba ang asawa nitong si Sarah Geronimo.

No, ang sagot ni Matteo

“Is Sarah pregnant?”, tanong ni Nico.

Ito naman ay agad na sinagot ni Matteo ng, “No, no, no.” Saka niya sinabing hindi sila nagmamadali ni Sarah na bumuo ng pamilya.

“Whatever God gives us, it would be amazing. As of now, we enjoy each other because this is the first time that we’re actually together after six years.”

Ito ang sagot ni Matteo tungkol sa mga Sarah Geronimo pregnantrumors na kumakalat. Pagbabahagi pa ng aktor ay nakapasaya ng kanilang pagsasama ni Sarah bilang mag-asawa. Para sa kaniya isa nga raw itong blessing at parang panaginip kung kaniyang iisipin.

“It’s just one month that we’re married but every single day feels like a blessing, feels like a dream,” pagbabahagi ni Matteo.

 

sarah-geronimo-pregnant

Image from Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli relationship

Noong 2016 pa naging usap-usapan na maaring buntis na si Sarah Geronimo. Ngunit mula noon at hanggang ngayon ay pinatunayan niya at ng mister na si Matteo na hindi ito totoo.

Taong 2014 ng umamin sa publiko sina Sarah at Matteo na sila ay magkasintahan na. Ngunit sa kabila ng kanilang pag-amin ay nanatiling pribado at malihim parin ang dalawang celebrity sa kanilang relasyon. Hanggang nitong 2019 ay binigla nila ang lahat sa balitang sila ay engage na. Ang announcement ay isinagawa isang taon matapos ang naging actual proposal ng kasal.

Naging mainit na usap-usapan ang kasal ng dalawa ng dahil sa tutol raw ang mga magulang ni Sarah sa gagawing pagpapakasal.

sarah-geronimo-pregnant

Image from Matteo Guidicelli

Bagamat hindi pa nagbibigay ng detalye ng kanilang gagawing kasal, nagulat ang lahat ng lumabas sa isang artikulo ng kolumnistang si Ricky Lo noong February 20 na sa araw ring iyon magaganap ang kasal ng dalawa. At ang kaniyang scoop ay nanggaling raw sa very reliable source.

Inabangan ito ng lahat at naging katatawanan pa nga. Dahil ayon sa ilang ABS-CBN staff ay busy si Sarah sa araw na iyon. Dahil siya ay nagtetaping para sa programa niyang The Voice.

Pero kinabukasan nabigla nalang ang lahat ng lumabas sa balita na nagreklamo sa pulis ang bodyguard ni Sarah na sinuntok raw ni Matteo. At ang panununtok ay naganap sa kasal ng dalawa na isinagawa sa Bonifacio Global City. Ang dahilan umano ng panununtok ay ang pagsusumbong ng bodyguard ni Sarah sa nanay nitong si Divine Geronimo tungkol sa ginanap na kasal.

Ilang araw matapos ang insidente ay inamin ni Matteo na sila nga ni Sarah ay kasal na. At ito raw ang pinakamagandang nangyari sa kaniyang buhay.

One Voice Pilipinas

Samantala, ang One Voice Pilipinas ay ang online fundraising concert na inorganize at pinanganunahan ni Matteo Guidicelli. Sa tulong ng Landers Superstore, Philippine Army at mga Filipino singing celebrities ay nakapag-raise ng pondo ang online concert para sa mga pamilyang apektado ng COVID-19 pandemic at lockdown sa Luzon.

Sa unang round ng concert noong March 22 ay napanood ng live sa Facebook ang performances nila Kean Cipriano, Joey Generoso, Janine Tenoso, Jason Dy, Jed Madela, Kylie Versoza, Judy Ann Santos-Agoncillo at Sarah Geronimo.

Dahil sa tagumpay ng unang round ng concert na nakalikom ng P5 million cash donations ay nasundan pa ito ng part 2 nitong March 29. Dito naman napanood ang live performances nila Sen. Manny Pacquiao, Martin Nievera, Jaya, Tony Labrusca, Christian Bautista, Seth Fedelin, Ylona Garcia at marami pang iba.

 

Source:

ABS-CBN Entertainment, ABS-CBN Push

BASAHIN:

Mensahe ni Matteo sa magulang ni Sarah: “Hangad ko po na maging isang pamilya tayo.”

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Kung ano mang opinyon o ideya ang naibahagi dito ay sariling opinyon at ideya ng may katha; at walang kinalaman at hindi nagsasaad ng posiyon ng theAsianparent at ang mga cliente nito.
Article Stories
app info
get app banner