Scarlet Snow Belo shares sweet message for her mom and dad: “I hope we live a long life together.”

Scarlet ibinahagi kung paano siya dinidisiplina ng mga magulang niyang sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Scarlet nakapanayam ng one-on-one ng kaniyang ina na si Vicki Belo. Kilalanin pa ng husto si Scarlet Snow Belo dito at kung papaano siya pinalaki ng kaniyang parents.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Kilalanin si Scarlet Snow Belo
  • Paano pinalalaki nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang anak nilang si Scarlet Snow
  • Mensahe ni Scarlet Snow Belo para sa kaniyang parents

Kilalanin si Scarlet Snow Belo

Image from Scarlet Snow Belo Facebook account

Pitong taon na ang child celebrity na si Scarlet Snow Belo. Bagamat hindi pa nito ganap na pinapasok ang industriya ng showbiz, marami na ang nagmamahal kay Scarlet dahil sa mga cute na cute na larawan at post tungkol sa kaniya sa social media.

Marami nga sa atin ang sinubaybayan ang paglaki ni Scarlet. At marami rin ang humiling na sana lumaki ang ating anak na tulad niya na very talented at higit sa lahat ay mapagmahal sa kaniyang mga magulang.

Sa pinaka-latest vlog episode ng kaniyang inang si Dra. Vicki Belo ay nakapanayam nito ang anak niyang si Scarlet. Ito ay pinakilala niya bilang kaniyang very special guest na first time sasalang sa one-on-one interview.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa kanilang naging pag-uusap ay tinatanong ni Dra. Vicki ang mga favorites ni Scarlet. Tulad nalang ng favorite subject nito na writing at favorite place in the world na ang sagot ni Scarlet ay “Fundacion and home.”

“Fundacion is a place in Paris with a lot of rides. I love the roller coaster.”

Ito ang pagpapaliwanag ni Scarlet sa kung saan ang Fundacion na na-enjoy niya dahil sa napakaraming rides na kaniyang sinubukan.

Sa nasabing panayam ay naibahagi rin ni Scarlet na super love niya ang mga dogs. Sa katunayan ay mayroon siyang tatlong alagang aso. Hanggang sa kaniyang pangarap ngang profession paglaki ay nais niyang may aso siyang makakasama.

“I am thinking I want to be a police. I want to have a dog so I want to be a police or a firefighter because they have dogs.”

Ito ang kinikilig na sabi ni Scarlet na love na love daw talaga ang dogs ayon sa kaniyang inang si Dra. Vicki. Kung may isang bagong dog nga daw siya na gustong madagdag sa kaniyang alaga ay nais niya sana ay ang Coton de Tulear ng tulad ng sa singer at aktres na si Sarah Geronimo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Looks like a Pomeranian, fluffier and shorter hair, Very cute and small. I will name it Snowball.”

Ito ang sabi pa ni Scarlet.

Paano pinalalaki nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang anak nilang si Scarlet Snow

Nang matanong naman kung sino ang favorite people niya in the world. Ito ang mabilis na sagot ni Scarlet.

”Mommy, daddy and God.”

Ibinahagi rin ni Scarlet na sa ginagawang pagpapalaki ng mga magulang niya ay aminado siyang minsan siya ay spoiled siya at minsan naman ay hindi. Ito ang paliwanag ni Scarlet kung paano niya ito nasabi.

“Sometimes yes, sometimes no. It’s a yes when I have a lot of Pokémon. I have a lot of toys. It’s a no, because Mommy and Daddy disciplined me and I have no Switch, no watching (TV), something like that.”

Ganito raw kung paano disiplinahin si Scarlet ng mga magulang niyang sina Dra. Vicki at Hayden Kho. Pero dagdag pa niya, alam niya namang tama ang ginagawa nila. Dahil halimbawa ang panonood ng too much TV ay maari daw makasama sa kalusugan ng isang bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isa sa kapansin-pansin sa naging panayam ni Dra. Vicki sa anak niyang si Scarlet ay sa pagiging maingat nito sa pagsagot. Halimbawa nalang ng tanungin ito ng doktora kung kanino siya mas nagmana.

“I don’t want to tell you", ang isinagot ni Scarlet na ayon kay Dra. Vicki ay isa lang ang ibig sabihin. Siya ay naniniwala na mas nagmana siya sa amang si Hayden. Ganitong klase ng bata daw si Scarlet ayaw niya ng nakakahurt siya ng feelings ng iba.

“One thing about Scarlet is she never wants to hurt people's feelings. She is very, very careful, I notice.”

Ito ang obserbasyon ni Dra. Vicki sa ginawa niyang pag-iinterview sa kaniyang anak.

Image from Scarlet Snow Belo Facebook account

BASAHIN:

Ito daw ang ginagawa nila Hayden at Vicki para ma-encourage si Scarlet na magkaroon ng love of learning

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Vicki Belo sa pagkakaroon ng mister tulad ni Hayden Kho: “For me, Hayden makes me feel young. He always makes me feel so attractive.”

Vicki Belo ayaw maging spoiled si Scarlet—”Ayoko ibigay lahat kasi hindi nakakatulong talaga”

Mensahe ni Scarlet Snow Belo para sa kaniyang parents

Samantala, sa naturang panayam ay may pahayag siya na labis na nakaantig ng puso ng mga netizens. Ito mensahe ni Scarlet Snow Belo para sa kaniyang parents na sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

“I hope that they live long and we live a long life together.”

Image from Scarlet Snow Belo Facebook account

Reaksyon ng mga netizens

Sa naturang panayam ay mas lalong humanga ang mga netizens kay Scarlet. Ganoon rin sa pagpapalaki sa kaniya na ginagawa ng mga magulang niya na sina Dra Vicki Belo at Hayden Kho.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Na touch ako sa message nya sa parents  "I hope they will live long and we live a long life together" tagos sa buto naman yan. First time to hear a child say that. She really values every minute with her parents. God bless you Scarlet and Family.”

“Napakabait at napaka smart na bata ni Scarlet. Her favorite people are Dad, Mom & God.  God bless you.”

“Scarlet's brilliance and humility reflect how her parents are—praying you Scarlet to continue to be a God-fearing child. God bless you and your family always.”

“Scarlet is such a smart girl! Very nice and cautious about other people's feelings. God bless you little girl and also to your mommy and daddy.”