Schoolmate? Parang hindi niya naman ako kilala noon, madalas ko lang siya makita tuwing bababa ng hagdan ng school namin, sa ibaba siya nakatingin, ang pogi niya kasi noon
Second year highchool siya noon, ako naman ay grade 6, pero ang itsura ko hindi kagandahan kaya alam ko di niya ko magugustuhan kahit makita niya ko.
Lumipas ang ilang taon, nag highschool kami na hindi na kami mag schoolmate, nag college, at lalong hindi na nagkita.
Nakatapos kami parehas ng pag-aaral at nakapag trabaho…
At ito na nga…
Biglang may nag-add sakin sa Facebook, naka private pero inaccept ko pa din, nagulat na lang ako na nag-chat na sakin.. "Hi miss, taga saan ka?"
Sampung araw bago ko siya nireplyan non, dahil hindi ko na siya maalala.
Hanggang sa nag-chachat siya sa akij at nagyaya ng date sa isang mall, at doon na nagsimula ang lahat.
Nagpaalam siyang manligaw sa akin pagkatapos non, ang sabi ko nung una ay "hindi" dahil hindi pa ako handa magmahal ulit pero nagsikap siya dahil gusto niya daw talaga ako.
Lumipas ang walong buwan, saka niya nakamit ang matamis kong oo.
Naging kami, pero nagkaroon ng mga challenges kagaya ng pagiging LDR relationship namin, dalawa hanggang tatlong oras na byahe bago niya ko makita at mai-date, akala ko noon ay sa una lang siya magaling pero ngayon na may isang anak na kami, nalaman kong mali pala ako.
Nagpakasal kami at naisip ko ang bilis ng panahon,
Kung iisipin ang liit lang talaga ng mundo minsan, ano? Hindi mo akalain na yung dati mo lang nakikita nung bata ka ay magiging kasama mo na habambuhay.
Siya ang nagturo sa akin na kailangan kong mahalin muna ang sarili ko bago ako magmahal ng iba. Ang sabi niya pa, hindi ko hinihingi ang 100% na pagmamahal mo dahil gusto ko magtira ka palagi sa sarili mo.
Masarap magmahal nag buo ka. Yan ang natutunan ko sa asawa ko ngayon.
Ikaw? Sino kaya ang makakatuluyan mo? O kung meron , paano kayo nagkakilala? I-share mo rin sa amin!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!