Sciatica sa buntis: Sanhi, sintomas, at lunas

Alam mo ba kung bakit madalas masakit ang hita ng buntis? Basahin ang mga sintomas ng sciatica sa buntis at kung ano ang maaaring gawin upang maibsan ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sciatica sa buntis – alamin kung ano ito!

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang sciatica at ano ang mga posibleng sanhi nito?
  • Sintomas ng sciatica sa buntis
  • Exercises na makakatulong para maibsan ang sciatica

Karaniwan sa mga buntis ang nakakaranas ng sakit sa iba’t ibang bahagi ng katawan. Lalo na kapag lumalaki na si baby at malapit na silang manganak.

Minsan nga ay iniinda na lang nila ang sakit at nakasanayan na. Gaya ng sakit sa mga paa, balakang at likod. Tinatayang 2 sa 3 buntis raw ang nagrereklamo ng back pain.

Subalit paano mo ba malalaman kung ang sakit na kanilang nararamdaman ay karaniwang epekto lang ng pagbubuntis o mas seryoso na?

Bakit sumasakit ang balakang ng buntis?

Para mas maintindihan ang mga pananakit sa katawan na nararanasan ng buntis, kumonsulta kami kay Dr. Rebecca Singson, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center. Tinanong namin siya kung bakit madalas sumakit ang balakang at likod ng buntis. Narito ang kaniyang sagot:

“When you get pregnant, you start to release a hormone called relaxin. ‘Yong relaxin ang purpose niyan is nirerelax niya iyong mga joint lalong-lalo na sa pelvic area natin. Kasi kailangan lumuwag yan ng konti para to make way for the birth of the baby. Ang nangyayari tuloy para kang engkang-engka kang lumakad, minsan nagduduck waddle, so it causes that pain. Also habang lumalaki ‘yong tiyan mo, mag-strain ‘yong back mo kasi mag-chechange na ‘yong axis of gravity mo so maiiba na. Magiging lordotic ‘yong spine mo to support that growing abdomen.  Talagang it takes a toll in your back.”

Sciatica: Pananakit ng hita at balakang

Ang sciatica ay isa sa mga bihirang sanhi ng pananakit ng likod ng isang buntis. Kadalasan itong nararanasan sa mga huling bahagi ng pagbubuntis kapag malaki na ang sanggol sa sinapupunan.

Kilala rin ito sa tawag na lumbosacral radicular syndrome. Ang sciatica ay dulot ng pagkairita sa iyong sciativ nerve na matatagpuan mula sa iyong lumbar o lower spine hanggang sa iyong hita.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Madalas na inilalarawan ang sciatica ng pananakit ng puwet at balakang na bumababa hanggang hita. Maraming sanhi ang sciatica, at maaari ring mangyari ang sciatica sa buntis. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit masakit ang hita ng buntis.

Pangangalay ng binti at paa ng buntis | Image from Unsplash

Sanhi ng sciatica sa buntis

Ang sciatica ay sintomas ng iba pang problema at hindi isang sakit o kondisyon sa katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Gaya ng nabanggit, ang sciatic nerve ay isang malaking nerve na nagmumula sa spinal cord sa ibabang bahagi ng likod ay dumaraan mula sa puwet papunta sa mga hita. Ang nerve na ito ang tumutulong para makaramdam ng sensations gaya ng pressure o sakit ang iyong mga binti, hita at paa.

Habang nagbubuntis, maaaring maranasan ang sciatica kapag lumalaki ang ating uterus at nadadagdagan ng bigat sa sciatic nerve, dahilan upang mamaga at sumakit ito.

Minsan, maaaring makaranas ng sciatica ang mga taong may slipped disc sa kaniyang spine. Gayundin, kapag pinupulikat o may spasm sa piriformis muscle sa may pwet, maaring mairita ang nerve at magdulot ng sciatica.

Para sa mga buntis, ang sciatica ay kadalasang dulot ng lumbar spine problems, gaya ng bulged o herniated disc. Maaari rin itong mangyari dahil sa pagbabago sa buto, gaya ng osteoarthritis o degenerative disc disease, pagnipis ng spine o stenosis, o isa pang kondisyon sa spine na tinatawag na spondylolisthesis.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pagkakaroon ng pressure

Ang mga ganitong kondisyon ay naglalagay ng pressure sa sciatic nerve, na nagreresulta sa sintomas ng sciatica. Ang sciatica sa buntis ay posibleng dulot ng herniated disc.

Ngunit malimit ang sciatic-like symptoms tulad ng pananakit ng lower back sa pagbubuntis. Ang sciatic pain rin ay bumababa kaya may mga pagkakataong masakit na rin ang hita ng buntis. At ang mga sintomas ng sciatica ay puwede ring dahil sa muscle tension at unstable joints.

Ang pagsakit ng iyong pelvic bone, sacroiliac (SI) joint problems, at ang kondisyong tinatawag na piriformis syndrome (problema sa isa sa mga muscles sa puwet), ay maaaring magdulot ng sciatica sa buntis.

Pangangalay ng binti at paa ng buntis | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay dahil sa karagdagang hormones mula sa iyong pagbubuntis tulad ng relaxin, na dahilan upang ang iyong mga litid—na siyang nagdurugtong sa iyong buto at kasu-kasuan—ay nababatak at lumuluwag, lalo na sa iyong pelvic area.

Ang timbang ni baby sa loob ng iyong tiyan ay maaari ring makadagdag sa SI joint trouble o piriformis syndrome dahil naglalagay ito ng karagdagang pressure sa iyong pelvis at hip joints. Kung minsan, ang posisyon ni baby ay nakakadagdag rin sa pressure ng iyong sciatic nerve.

BASAHIN:

Pananakit ng likod ng buntis: dahilan, lunas at kung paano ito maiiwasan

Buntis Guide: Lahat ng Kailangan mong malaman sa Third Trimester ng Pagbubuntis

Bakit sumasakit ang balakang ng buntis?

Sintomas ng sciatica sa buntis

Ang pangunahing sintomas ng sciatica ay ang sakit sa ibabang bahagi ng likod, pwet at hita. Ito ang tinatawag na sciatic nerve path. Ang parang tumutusok na sakit ay maaring magsimula sa likod at bumababa papunta sa puwet at hita.

Narito pa ang ilang sintomas ng sciatica sa buntis na dapat mong abangan:

  • Madalas o palagiang sakit sa isang parte ng iyong puwet to binti.
  • Kung ang sakit ay parang tumutusok o nakukuryente o mahapdi.
  • Pamamanhid, parang tinutusok ng karayom, o panghihinga sa apektadong binti o paa.
  • Panghihina ng mga binti.
  • Hirap sa paglalakad, pagtayo, o pag-upo.
  • Poor bladder control  o hirap kontrolin ang pag-ihi.
  • Sakit na tumitindi kapag umuubo, bumabahing o gumagalaw.

Kung ikaw ay buntis at nakakaranas ng mga nabanggit na sintomas, dapat ipaalam mo ito sa iyong doktor sa susunod na appointment.

Masakit man, mayroon namang mga paraan na mabawasan ang sakit ng sciatica sa pamamagitan ng therapy at ilang home remedies. Kadalasan, kusa namang nawawala ang pananakit sa loob ng ilang linggo.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pangangalay ng binti at paa ng buntis | Image from Unsplash

Karanasan ng buntis na may sciatica

Maging si Dr. Becky ay nakaranas na magkaroon ng sciatica noong siya ay nagbubuntis.

“Ako na experience ko ito kasi kambal ‘yong mga anak ko. (Ito) na ‘yong tinatawag na sciatica.  Iyong naiipit ‘yong ugat dito sa likod mo. Dito sa bandang upper part ng butt either on the left or on the right.” aniya.

Anong ginawa niya para mawala ang pananakit?

 “I have to go to a chiropractor for the realignment of spine. Kasi maraming misalignment ang nangyayari kapag bumabaling ka sa kaliwa, kapag bumabaling ka sa kanan. Kapag dala-dala mo ‘yong weight na ‘yon.

In one session with the chiropractor tanggal ‘yong back pain.  Meron silang special table para sa mga buntis at sanay sila mag-realign ng mga buntis. Kaya I always refer.” kuwento niya.

Paano malulunasan ang sakit ng sciatica sa buntis?

Gaya nga ng nabanggit ng doktora, kabilang sa lunas para sa sciatica sa buntis ay masahe, chiropractic care, at physical therapy.

Maaari ring mag-stretching upang mabatak ang muscles sa iyong binti, puwet, at balakang upang mabawasan ang pressure sa iyong sciatic nerve.

5 Stretching exercises na makakatulong sa sciatica ng buntis

Malaki ang maitutulong ng stretching upang maibsan ang pananakit dulot ng sciatica sa buntis dahil nababawasan nito ang muscle tension at dinaragdagan ang paggalaw sa balakang, lower back, at binti.

Subukan ang limang stretching exercises na ito sa loob ng bahay:

  • Seated periformis stretch

Ang periformis muscle ay nasa kaloob-looban ng pwet. Kapag ito ay tight, maaring mairita ang sciatic nerve. Ang stretching exercise na ito ay makakatulong para mawala ang tightness ng muscle at mabawasan ang pananakit ng sciatic nerve path.

Bukod sa isang upuan, wala namang ibang equipment o kagamitan ang kailangan para sa exercise na ito.

Narito ang sumusunod na hakbang para sa seated periformis stretch:

    1. Umupo sa isang upuan, nang ang iyong paa ay nakalapat sa sahig.
    2. Kung ang kaliwang bahagi ng iyong katawan ang masakit, ilagay ang iyong kaliwang ankle sa iyong kanang tuhod. Ang posisyon ay parang nakadekwatro, pero siguruhing ang ankle ay nasa tuhod.
    3. Siguruhing tuwid ang iyong likod. Dahan-dahang mag-lean paharap hanggang maramdaman mo ang stretch sa bahagi ng iyong pwet.
    4. Manatili sa ganoong posisyon ng 30 segundo. Ulitin ilang beses sa isang araw.
  • Table stretch

Video mula sa Healthline

Napakasarap gawin ng exercise na ito lalo na kapag buntis. Nakakatulong ito na ma-stretch ang muscles sa iyong likod, puwet at mga hita o hamstrings.

Ang tanging kagamitan na kailangan ay isang matibay o stable na mesa o upuan.

    1. Tumayo at humarap sa mesa. Siguruhin na malawak ang pagitan ng iyong mga paa, mas malawak sa iyong balakang.
    2. Sumandal paharap habang nakahawak sa mesa. Panatiliing tuwid ang iyong mga braso at flat ang iyong likod.
    3. Iatras ang iyong balak palayo sa mesa hanggang maramdaman mo ang stretch sa iyong lower back at hamstrings.
    4. Pwede mo ring iatras pakanan at pakaliwa ang iyong balakang para mas maramdaman ang stretch.
    5. Panatiliin ang posisyong ito sa loob ng 30 segundo hanggang 1 minuto. Gawin ito 2 beses sa isang araw.
  • Pigeon Pose

Ang sikat na yoga pose na ito ay nakakatulong para maibsan ang sciatica habang nagbubuntis, kailangan lang ng kaunting modifications.

Kailangan sa exercise na ito ay yoga mat at isang tuwalya na naka-roll.

    1. Maupo sa sahig o sa iyong yoga mat mula sa pagkakaluhod. Ang iyong mga kamay ay nakalapat rin sa sahig.
    2. I-slide ang iyong kanang tuhod paharap sa pagitan ng iyong mga kamay.
    3. I-slide naman paatras ang iyong kaliwang binti, habang nakalapat ito sa sahig.
    4. Ilagay ang naka-roll na tuwalya sa ilalim ng kanang bahagi ng balakang. Mas magiging madali ang exercise at magkakaroon ng lugar para sa iyong tiyan.
    5. Sumandal paharap sa iyong kanang binti. Pwede ring maglagay ng unan sa harap mo at ilalim ng iyong ulo para sa karagdagang support.
    6. I-hold ang posisyong ito sa loob ng isang minuto at ulitin ng ilang beses sa isang araw.
  • Hip flexor stretch

Video mula sa Healthline

Ang hip flexors ay ang muscles sa harap ng balakang na tumutulong para magalaw ang binti paharap habang lumalakad. Kadalasang nagiging tight ang muscle na ito habang nagbubuntis. Nakakaapekto rin ito sa pelvic alignment at posture kaya sumasakit ang balakang.

Narito ang mga hakbang para sa stretching exercise na ito.

    1. Lumuhod sa sahig sa posisyon na “all fours.” Ilapat ang iyong mga kamay sa sahig.
    2. Ihakbang ang isang paa paharap para ang iyong balakang at tuhod ay may 90-degree angle.
    3. Ilipat ang iyong bigat sa harap ng iyong katawan para maramdaman ang stretch sa iyong balakang at hita.
    4. I-hold ang posisyong ito sa loob ng 30 segundo at ulitin sa kabilang side.
  • Glute and hamstring foam rolling

Ang foam roller ay isang murang gamit sa stretching na nakakatulong sa pagmamasahe ng iyong muscles para marelax ito. Mabibili ito sa mga sporting goods store o online. Sundin ang mga hakbang na ito para mabawasan ang pananakit dulot ng sciatica.

  1. Ilagay ang foam roller sa sahig.
  2. Upuan ang foam roller, at ilagay ang iyong kamay sa sahig para masuportahan ang iyong upper body.
  3. Ilagay ang iyong isa paa sa iyong tuhod, na parang number 4 o naka-dekwatro.
  4. Dahan-dahang galawin ang iyong katawan at mag-atras-abante hanggang maramdaman na tinatamaan ng foam rloller ang masasakit na bahagi ng pwet at balakang. Gawin ito sa loob ng 30 hanggang 60 segundo.
  5. Ulitin ang mga hakbang sa kabilang side ng katawan.

Iba pang paraaan para mabawasan ang sakit ng sciatica

Laging kumonsulta sa iyong doktor bago simulan ang anumang ehersisyo. Kung makaranas ng sintomas gaya ng pananakit ng ulo, pagkahilo, o pagdurugo, ihinto agad ang pag-eehersisyo at humingi ng tulong.  

Nakakatulong rin sa iba ang nonweight-bearing activities tulad ng swimming. Ito ay dahil nakakatulong ang tubig sa pagsuporta kay baby kaya hindi mo gaanong mararamdaman ang bigat ng iyong tiyan.

Ang sciatic pain ay maaaring lumala kung ikaw ay laging nakaupo o nakatayo nang matagal, kaya siguruhing magbago ng posisyon sa sa kabuuuan ng araw, sa bahay man o opisina

Pakiramdaman rin ang iyong katawan, at ihinto ang mga gawain na nagpapalala sa pananakit.

Maari ring makatulong ang pagsusuot ng belly band bilang karagdagang suporta sa iyong likod at balakang habang lumalaki ang iyong tiyan.

Kailan dapat magpatingin sa doktor?

Kadalasan ay kusa namang nawawala ang sciatica. Subalit tawagan ang iyong OB-GYN kapag hindi nawawala ang sakit sa tulong ng stretching exercises at ibang home remedies. Gayundin kapag lumalala ang sakit at tumatagal ito ng mahigit sa isang linggo.

Kailangan naman ng agarang medikal na atensyon kapag:

  • Mayroong biglaan at matinding pananakit sa iyong lower back o binti, at nanghihina o namamanhid ang iyong mga binti
  • Ang sakit ay nangyari matapos ang isang injury o matagal na pag-upo dahil sa matinding traffic, o kaya aksidente
  • Nahihirapan kang kontrolin ang iyong pag-ihi at pagdumi

Tandaan, mahalaga rin na kumonsulta sa iyong doktor kapag nakakaramdam ng anumang sakit sa iyong likod para mapayuhan ka niya kung anong dapat mong gawin at mai-refer ka niya sa isang chiropractor o physical therapist.

Karagdagang ulat ni Camille Eusebio

Source:

Healthline, Medical News Today, ClevelandClinic

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Romy Peña Cruz