Isang nakaka-touch na message ang ibinahagi ng PBA player na si Scottie Thompson sa kanyang wife na si Jinky Serrano.
Mga mababasa artikulong ito:
- Scottie Thompson may mensahe sa kaniyang wife
- Scottie Thompson on marrying Jinky: “My life’s greatest blessing!”
- 4 tips on your first year of marriage
Scottie Thompson may mensahe sa kaniyang wife
Ibinahagi ng Philippine Basketball Association (PBA) player at Ginebra star na si Scottie Thompson ang isang sweet message para sa kanyang wife na si Jinky Serrano.
Ibinahagi ng basketball player na ang asawa niya raw ang kasama niya sa problema at saya. Si Jinky rin daw ang tumulong sa kanya na itayo siya sa bawat pagkatalo na kanyang nararanasan. Sinusuportahan din daw siya nito sa bawat araw na dumadaan sa kanilang buhay,
“Always there for me through every thick and thin, with me through all my victories and always there to help me get up after every defeat. She brings out the best in me every single day, and supports me in every single way.”
Tinawag pa ni Scottie Thompson na reyna at hero ng buhay niya ang kaniyang misis.
“She’s my queen, she’s my hero and she’s my wife Jinky.”
Larawan mula sa Instagram account ni Scottie Thompson
Bukod sa Instagram post na ito, naging sweet din ang dalawa sa bagong video na in-upload nila sa kanilang YouTube channel. Sa video na ito, nagkaroon ng content ang mag-asawa kung saan pinamagatan nila itong “Who’s who?” Sa video ay sinasagot nila ang mga iba’t ibang katanungan tungkol sa kanila.
Dito rin ibinahagi ni Scottie Thompson na isang maalagang wife raw si Jinky sa kaniya. Halos alam na raw nito ang lahat ng kailangan asikasuhin at gawin para sa kanya. Katulad sa basketball nadadala na rin ni Scottie ang pagbu-build ng teamwork sa kanilang mag-asawa, mahalaga raw kasi ito upang hindi maging magulo ang pagsasama.
“Natutunan namin kapag wala kayong teamwork sa isa’t isa, talagang siguro magulo.”
Nagkabiruan pa ang dalawa nang balikan nila kung sino raw ang nagsabing “I love you” sa kanilang dalawa. Pagbubuking ni Jinky, hindi pa raw sila nagkikita ay nagsasabi na kaagad si Scottie na mahal niya ito.
Ang couple ay dumaan sa matinding pagsubok dahil sa pangba-bash na natanggap nila mula sa ilang PBA fans. Ito’y dahil may girlfriend noon si Scottie Thompson, ngunit ilang buwan lang matapos nitong makipaghiwalay ay ikinasal agad sila ni Jinky.
Scottie Thompson on marrying Jinky: “My life’s greatest blessing!”
“The best decision I’ve ever made and my life’s greatest blessing!” | Larawan mula sa Instagram account ni Scottie Thompson
Noong nakaraang taon, matatandaan na proud husband din si Scottie Thompson sa kanyang Instagram account nang ibahagi niya ang nararamdaman tungkol sa pagpapakasal niya sa kanyang asawa. Ang sweet letter na ito ng Ginebra San Miguel guard ay labis na kinatuwa ng netizens.
Ayon sa basketball player, ang asawa niya raw ang isa sa best decisions na ginawa niya sa buhay. Blessing daw na maituturing ito sa buhay ni Scottie.
“The best decision I’ve ever made and my life’s greatest blessing! Looking forward to many more memories, adventures, laughs, challenges, small wins and big successes with you!”
Hindi rin niya kinalimutan na ipaalala na iuna ang Panginoon sa kanilang pagsasama. Sinabi niya rin na parati niya raw pipiliin si Jinky nang paulit-ulit,
“Let’s build a solid foundation in the years ahead for our future family and may we always put God at the center of our marriage. Know that I will always be here for you and I’d always choose you in a hundred lifetimes. I love you so much wifey!”
Sinagot naman ito ni Jinky ng isang matamis ring message.
“I love you too husband, my rock!”
Larawan mula sa Instagram account ni Scottie Thompson
4 tips on your first year of marriage
Hindi talaga madali ang pagpapakasal, marami ang need i-consider para lang magtagumpay ito hanggang dulo. Ang pinaka-challenging dito ay ang unang taon ng pagsasama. Narito ang ilang tips para ma-survive ninyo ang first year of marriage:
- Make your house a safe space for both you – Gawing tahanan ang bahay na inyong tinitirhan, siguraduhing nai-spend niyo ang time together nang masaya at makakapag-build ng memories even at home.
- Be romantic – Isa ito sa dapat hindi talaga kalimutan dahil una sa lahat magakrelasyon kayo. Dapat napapanatili pa rin ang spark between the two of you.
- Be adventurous – Para mapanatili ang excitement sa wedding dapat ay sabay kayong nag-eexplore ng mga bagay-bagay. Maaaring maging dahilan ito para matuto rin kayo ng mga bagong bagay.
- Don’t forget to self-love and self-care – Kasabay ng pag-aalaga sa isa’t isa, dapat ay hindi rin kinakalimutan na alagaan ang sarili. Ito ay upang sabay kayong mag-grow dalawa.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!