9 paraan na puwede mong gawin kung sobrang adik na sa gadgets ang bata

Pagdating sa paglilimita ng screen time ng iyong anak, mahalaga na ikaw ay maging mabuting halimbawa sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Usapang screen time, sa artikulong ito ay malalaman ang mga sumusunod:

  • Bakit mahalagang kontrolin ang screen time ng iyong anak?
  • Ano ang mga dapat gawin upang ma-kontrol ang kaniyang screen time at matigil na ang pagka-adik niya sa mga gadgets?

Bakit mahalagang kontrolin ang screen time ng iyong anak?

Hindi nga makakaila na tayo sa ngayon ay labis na nakadepende sa teknolohiya. Partikular na sa mga electronic devices tulad ng smartphones, tablet, laptop, TV at computer.

Ito ay dahil maliban sa entertainment na ibinibigay sa atin ng mga ito, sa tulong ng internet na ma-aaccess gamit ang mga gadgets na nabanggit ay nakakakonekta tayo sa ating mahal sa buhay kahit sila pa ay nasa ibang bahagi ng mundo.

Dagdag pa sa ngayon na uso ang online learning at nagagamit natin ito para siguradong mananahimik sa isang tabi ang makukulit nating mga anak.

Pero ika nga ng kasabihan ang sobra ay masama. Pagdating sa paggamit ng gadget o screen time ay paulit-ulit na itong napatunayan ng mga eksperto at pag-aaral.

Photo by Helena Lopes from Pexels

Epekto ng sobrang screen time sa mga bata

Ayon nga sa isang pag-aaral na isinagawa ng mga eksperto mula sa Cincinnati Children’s Hospital, ang paglagpas ng isang batang may edad 3-5 taong gulang sa recommended one hour a day na screen time ay nakakapagpabagal ng kanilang brain development. Lalo na kung sa mga oras na bumabad sila sa TV o gumagamit ng gadget ay walang involvement ang kanilang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Base naman sa isang pag-aaral na isinagawa ng American Optometric Association’s o AOA, ang sobrang paggamit ng gadget o screen time ng higit sa dalawarang oras sa isang araw ay nagdudulot ng mga vision problems. Tulad nalang digital eye strain at myopia.

Pahayag naman ng optometrist na si Dr. Tina McCarty mula sa Minnesota at member ng AOA Public Policy Committee, ang mga vision problems na ito kung hindi agad na maagapan ay maaring lumala at maging dahilan ng patuloy na paglabo ng mata.

Maliban pa nga rito maaari ring maapektuhan ng labis na screen time ang circadian rhythm o body clock ng katawan. Ito ay nagpapahirap sa mga batang makatulog lalo na sa gabi. Ito rin ay may epekto sa kanilang posture. Sapagkat sa matagal na pagkakaupo at pagyuko habang gumagamit ng mga gadgets.

Kaya naman rekumendasyon ng mga pag-aaral at mga eksperto, limitahan o kontrolin ang screen time ng iyong anak. Paano ito magagawa? Narito ang ilang hakbang na maari mong gawin.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Paano limitahan ang screen time ng iyong anak at matigilan na ang gadget addiction niya?

1. Kausapin tungkol rito ang iyong anak.

Siyempre, una sa lahat makakatulong na kausapin ang iyong anak tungkol sa labis niyang paggamit ng gadgets o screens. Ipaliwanag na maari itong makasama sa kaniya.

Tandaan hindi mo naman kailangang tuluyang patigilin sa paggamit ng gadgets ang iyong anak, ang kailangan mo lang gawin ay kontrolin ito. Kaya naman makakatulong na kausapin siya tungkol rito at magkaroon kayo ng kasunduan tungkol sa paggamit niya ng mga ito.

2. Mag-spend ng time kasama ang anak upang maintindihan kung bakit siya nahuhumaling sa paggamit ng gadgets.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagsubok sa kaniyang ginagawa. Magpaturo sa iyong anak at samahan niya sa paggawa ng paborito niyang online activity. Upang maintindihan mo kung ano ang dahilan ng pagkahilig niya rito. Saka ano ang iyong maaaring gawin upang unti-unting mabago ang gawi niyang ito.

Ang paraan na ito ay maaari ring makatulong upang  magkaroon kayo ng quality time sa isa’t isa. Sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na nai-enjoy niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Too much screen time damages the brains of young children

8 signs na addicted na ang anak mo sa gadgets

Paggamit ng internet ng mga bata, dapat tutukan ng magulang

Photo by Ketut Subiyanto from Pexels

3. Makakatulong ang paggamit ng parenting control apps.

May mga parenting control apps rin na maaaring gamitin para mabawasan ang access ng iyong anak sa mga features ng gadget na kaniyang ginagamit.

Sa ganitong paraan ay maaring mabawasan ang interes niya sa paggamit ng mga ito. O kaya naman ay hindi niya basta-basta ma-access ang mga ito ng wala ang pahintulot mo.

Pero asahan din na maaari niyang malusutan o magawan ito ng paraan. Lalo pa’t ang mga bata ngayon ay very techy na dinadaig pa tayong mga adults sa nalalaman nila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. Magkaroon ng schedule o oras sa isang araw na kung saan puwede lang siyang gumamit ng gadgets.

Para mas monitor ang paggamit ng gadgets ng iyong anak ay bigyan lang siya ng schedule sa paggamit nito. Pinakamainam na ang schedule niyang ito ay ang mga oras din o araw na ikaw ay nasa bahay. Ito ay para magabayan mo siya at mabantayan sa kaniyang ginagawa.

Ang ipinapayong screen time limit ng American Academy of Pediatrics o AAP ay isang oras lang sa isang araw na nakadepende pa sa edad ng isang bata.

Kung ang bata ay 18 buwan pababa, hindi pa dapat itong nai-expose sa screen media. Maliban na lamang sa video chatting sa kapamilya o kaibigan na nakakatulong sa development ng social at language skills niya.

Sa mga batang edad 2 taong gulang naman ay maaari na silang magsimulang manood ng mga baby videos. Subalit ito dapat ay may involvement ng kaniyang mga magulang.

Para sa mga batang 3-5 taong gulang ay makakatulong sa kanilang development ang panonood ng mga educational TVs shows tulad ng Sesame Street. Subalit muli ito dapat ay may involvement o gabay ng mga magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Photo by Amina Filkins from Pexels

5. Hayaan siyang gumamit ng sarili niyang timer o stopping cues sa paggamit ng gadgets.

Ang mga bata ay mahilig sa fun at games. Bagamat ang ginagawang pagkokontrol ay isang paghihigpit, makakatulong na gawin itong fun para sa kaniya. Hayaan siyang gumamit ng sarili niyang timers o stopping cues. Marami namang time trackers o timers online na dinesenyo para sa mga bata.

6. Patayin ang ilaw, internet at mga gadgets sa gabi sa tuwing kayo ay matutulog na.

Para sanayin ang iyong anak na ang paggamit ng gadgets ay may hangganan, gawing routine ang pagpapatay ng internet, ilaw at mga gadgets sa gabi kapag kayo ay matutulog na.

Sapagkat maaaring hindi mo namamalayan sa gitna ng gabi kapag ikaw ay tulog na ay maaaring pumuslit ang iyong anak at mapuyat sa kakagamit ng gadgets niya.

7. Pagtatago sa mga gadgets sa mga lugar na hindi makikita o maabot ng mga bata.

Para tuluyang mabawasan ang paggamit ng gadget ng iyong anak ay mabuting itago o ilagay ito sa lugar na hindi niya makikita o maabot. Lalo na sa mga oras na siya ay hindi dapat gumamit nito o sa tuwing ang screen time limit niya ay naubos na.

8. I-encourage ang iyong anak na gumawa ng ibang activities.

Para mawala ang atensyon ng iyong anak sa paggamit ng gadgets ay i-encourage siyang gumawa ng iba pang kiddie activities. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng arts and crafts, sports o kaya naman ay mga mind games na mahahasa pa ang utak niya.

Tandaan na mas maganda na kasama ka niya sa paggawa ng mga activities na ito. Ito ay upang magabayan siya at makapag-spend ng quality time kasama siya.

Photo by cottonbro from Pexels

9. Maging magandang halimbawa sa iyong anak.

Ayon sa mga pag-aaral, ang mga batang nahihilig sa mas mahabang oras ng screen time ay lumaki sa mga magulang na nagbababad din sa panonood ng TV o paggamit ng gadget.

Kaya naman para matuto ang iyong anak na magkaroon ng limitasyon sa kaniyang screen time use ay magpakita ng magandang halimbawa sa kaniya.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng cellphone o gadget kapag kasama siya. Sa halip, mag-spend ng quality time sa iyong anak sa pamamagitan ng paggawa ng mga activities na magkasama.